Share

TAYO NA LANG ULIT 9

"Sir, hindi ko po matatanggap itong celphone..."

Napatingin sa akin ang tatlo. Kasalukuyan silang kumakain ng agahan dito sa garden.

"Why?"

Nagyuko ako ng ulo at pasimpleng nilapag ang celphone sa gilid ng mesa.

"Ahm, sobrang mahal na kasi nito..." Umiling ako. "Hindi ko po matatanggap."

Na-overwhelm ako kahapon kaya hindi na ako nakapag-isip ng mabuti. Kaninang madaling araw ko lang naisip. Hindi ko pa nabubuksan iyong box. Hindi ko tinangkang buksan.

"Tsss. It's yours. Binili ko para sa'yo 'to." Umiling ako.

"Maglilinis na ako mga Sir. Magandang umaga sa inyo." Nagkatinginan silang tatlo.

Tipid akong ngumiti bago ko sila iniwan. Bumalik ako sa loob ng mansion at kinuha ang gagamitin ko sa paglilinis bago umakyat sa taas.

Inuna kong pinuntahan ang silid ni Sir Caius. Katatapos ko lang magpalit ng mga punda nang pumasok siya. Bitbit niya iyong celphone. Nilapag niya ito sa mesa katabi ng bag ko.

"Ayaw mo ng celphone?"

Ngumiti lang ako. Hindi naman sa ayaw ko ng celphone. G
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status