"Sir, hindi ko po matatanggap itong celphone..." Napatingin sa akin ang tatlo. Kasalukuyan silang kumakain ng agahan dito sa garden. "Why?" Nagyuko ako ng ulo at pasimpleng nilapag ang celphone sa gilid ng mesa. "Ahm, sobrang mahal na kasi nito..." Umiling ako. "Hindi ko po matatanggap." Na-overwhelm ako kahapon kaya hindi na ako nakapag-isip ng mabuti. Kaninang madaling araw ko lang naisip. Hindi ko pa nabubuksan iyong box. Hindi ko tinangkang buksan. "Tsss. It's yours. Binili ko para sa'yo 'to." Umiling ako. "Maglilinis na ako mga Sir. Magandang umaga sa inyo." Nagkatinginan silang tatlo. Tipid akong ngumiti bago ko sila iniwan. Bumalik ako sa loob ng mansion at kinuha ang gagamitin ko sa paglilinis bago umakyat sa taas. Inuna kong pinuntahan ang silid ni Sir Caius. Katatapos ko lang magpalit ng mga punda nang pumasok siya. Bitbit niya iyong celphone. Nilapag niya ito sa mesa katabi ng bag ko. "Ayaw mo ng celphone?" Ngumiti lang ako. Hindi naman sa ayaw ko ng celphone. G
Wala ang mga lalake nang mananghalian na. Kami lang ni Aling Minerva ang kumain. Hindi ko na din tinanong pa kung nasaan ang mga amo niya. Hanggang ngayon nga ay hindi pa din kumakalma ang puso ko dahil sa mga nangyari. Gulat pa din ako sa ginawa ng dalawa. At sumabay pa sa iniisip ko iyong itsura ni Sir Angus kanina. Ba't ba siya ganoon? Nakita ba niya iyong paghalik ni Sir Caius sa akin? Iyon ba ang dahilan ba't ganoon ang mukha niya? Pero bakit? Pinapasakit ko lang ang ulo ko sa pag-iisip. Bandang alas-tres nang magplantsa ako naman ako. Hindi naman ganoon kadami kaya inabot lang ako ng isang oras. Kadarating lang din ni Sir Angus at dumiretso siya sa kaniyang silid. Wala pa sina Sir Caius at Sir Huxley. At sana mamaya na sila umuwi kapag nakaalis na ako. "Salamat po, Aling Minerva." Inabot na nito ang aking bayad ngayong araw. "Bukas ulit, Chelle. Iyong meryenda, baka puwedeng agahan mo ng kaunti dahil ipapasabay ko na iyon sa mga trabahador na pupunta sa may bangkak.""Sige p
Para sa bayad ng celphone dapat itong mga gulay pero nilako ko na lang. Mabilis ko din namang napaubos dahil ilang araw din akong hindi nakapagtinda dahil sa paglilinis at laba ko sa mansyon. Hindi pa tapos ang trabaho ko sa mansyon dahil bukas babalik pa ulit ako. Malungkot akong umuwi sa aming bahay. Nadatnan ko si Nanay na naglalaba ng aming mga damit. "Magaling ka na ba, 'Nay?" "Oo, Anak. Maayos na ako."Pinilit niyang ngumiti upang ipakita sa akin na maayos na siya pero ang totoo alam kong nanghihina pa siya. "Kailan ka magpapa-check up, 'Nay?" "Subukan ko bukas, Anak.""Samahan na po kita bukas, para siguradong makapagpa-check up ka."Mas maganda pa din na matingnan siya. Para masiguro na okay lang sila ng kapatid ko. Pumasok na ako sa loob upang makapagpalit ng damit. Tiningnan ko din ang binigay nina Sir Angus sa akin kanina. Andito iyong celphone. May mga sabon na panligo, shampoo at maliliit na tsokolate at kung ano-ano pa rito. Mukhang mga galing pa ito sa ibang bansa
Nakarating na ako dito para magpa-load tapos uuwi ako agad nang hindi man lang nakikita si Sir Angus? Huminga ako nang malalim bago ako nagsimulang maglakad papunta sa mansyon. Sampung hakbang hanggang sa umabot ng singkwenta. Sa labas ng mansyon ay nakikita ko ang bulto ng isang lalake. Medyo madilim sa gawing iyon kaya hindi ko kita ang mukha, pero natitiyak kong si Sir Angus iyon. Pawisan na ako. Kahit gabi na nakarating talaga ako dito, samantalang takot na takot akong maglakad kapag gabi na. Mabuti na lang at may dala akong face towel. Pinunasan ko ang aking mukha at leeg. Sinuklay ko din ang dulo ng aking buhok gamit ang aking mga daliri. Tumayo ako may ilang dipa ang layo kay Sir Angus. Nginitian ko siya kahit wala man lang kangiti-ngiti ang mga labi niya. Taimtim siyang nakatingin sa akin. At pagkatapos ng ilang sandali ay ngumisi siya. "Ikaw lang?"Pumalatak siya. "Let's get inside." Hinawakan niya ang braso ko saka ako marahang hinila. Binuksan niya ang gate. Hawak niy
Nakangiti si Nanay habang tinitingnan isa-isa ang mga pasalubong sa akin ni Sir Angus. Matagal bago niya sinatinig ang alam kong kanina pa niya gustong sabihin. "Nobyo mo ba si Angus?" tanong niya na kinalaglag ng aking panga. Nobyo? "'Nay, hindi po."Kumunot ang kaniyang noo at ilang sandali na nanahimik bago muling nagtanong. "Nanliligaw?""Hindi din po, 'Nay." Wala namang sinasabi si Sir Angus sa akin at lalong hindi ko naiisip ang bagay na iyon. "Bakit pala siya nagpunta dito sa probinsya kung ganoon?"Nagkamot ako ng ulo dahil hindi ko din alam ang sagot sa tanong ni Nanay. Wala namang sinabi si Sir Angus. Marahil naaawa siya sa akin kaya niya ako binilhan nitong mga bagay na 'to. "Naglilihim ka ba kay Nanay?""'Nay, hindi po." Hindi ba kapani-paniwala ang sagot ko? Eh, iyon naman ang katotohanan. "Hindi ko nga po siya ka-text, e. Wala akong ka-text kahit na isa sa kanila. Kagabi lang nag-text si Sir sa akin..."Nakagat ko ang aking dila at hindi na nais pang ituloy ang ak
May sasabihin ako, ito ang sinabi ni Angus sa akin kagabi pero bigla na lang naputol ang tawag. January two na ngayon. Bagong taon at bagong pag-asa. Hindi pa din umuuwi si Tiyong at sana ay huwag na talaga siyang umuwi pa. Pagkatapos magtinda ng kakanin, nagsimba na muna ako. May pagkain naman na si Nanay sa bahay at napaliguan ko na ang kapatid ko kanina bago ako nagtinda. Tahimik akong nagdasal. Iniyak ko sa Kaniya ang lahat ng frustrations ko. Sinabi ko sa Kaniya ang ninanais ng aking puso. Alas-dose na ng lumabas ako ng simbahan. At saktong pagsakay ko ng jeep ay nakatanggap ako ng text galing kay Angus. Tinatanong kung nasaan ako. Para na naman akong nabuhayan dahil sa text niyang iyon. Pakiramdam ko ay uuwi siya ulit dito sa probinsya!Nagpababa ako sa mansyon. Hindi ko din alam kung bakit dito ako bumaba. Nilabas ko ang aking celphone. Ngayon pa lang ako nag-reply kay Angus. "Nandito ako sa labas ng mansyon." Hindi ko alam pero umaasa talaga ako na nandito siya ngayon.
Lagi kaming magka-text ni Angus, kahit nasa klase siya ay nagte-text pa din siya sa akin. Binigay niya ang schedule niya kaya alam ko ang oras ng kaniyang klase. Hindi na ako nag-re-reply kapag nasa klase siya at baka mapagalitan pa siya ng kaniyang professor. Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang bumisita siya dito at walang araw na nagmimintis siya sa pangungulit sa akin sa text. Karga ko ngayon ang aking kapatid habang hinihintay ko si Nanay na matapos sa pagligi. Kauuwi ko lang galing sa pagtitinda ng kakanin. Matapos magpahinga ay mangunguha ulit ako ng gulay. Paulit-ulit at wala namang bago sa buhay ko, pero sanay na ako. Nakakasawa, oo, pero hindi puwedeng tumigil dahil mahirap lang kami. Mas magpupursigi pa ako sa buhay. Makakaahon kami sa hirap. Inspirasyon ko sina Nanay, ang kapatid ko at ganoon na din si Angus. Balang araw, magiging karapat-dapat din ako sa kaniya, hindi ko man mapantayan ang estado niya pero sisiguraduhin ko na magbabago ang buhay ko. Darating ang
Wala na akong naintindihan sa palabas. Windang ang aking isip dahil sa ginagawa ni Angus sa aking leeg. Kaya nang magtapos ang palabas at magbukas ang ilaw mabilis ko siyang naitulak. Sana lang ay walang nakakita sa amin. "Tara na?" alanganing aya ko sa kaniya. Nauna na akong tumayo. Sabay kaming naglakad sa exit, habang magkahawak ng kamay. Panay ang tingin niya sa akin nang makalabas kami. Nakayuko ako at minsan ay napapaiwas ng tingin kapag nagkakasalubong ang aming mga mata. Nangangatog pa din ang tuhod ko dahil sa ginawa niya kanina. Ano'ng plano niyang gawin? Hindi pa umabot sa puntong iyon ang iniisip ko tungkol sa relasyon namin. "Gusto mong kumain?" "H-Huh?" "You're spacing out. Are you okay?"Ngumisi siya. "Sorry about earlier, I got carried away."Dahan-dahan akong tumango. "Huwag mo ng uulitin, huh..."Kumunot ang kaniyang noo pero kalaunan ay tumango naman siya. "Okay. So, you don't want me to kiss you?"Nag-init ang aking pisngi. "H-Hindi naman kiss ang ginawa mo