Share

Chapter 4

AKALA ni Liza ay titigil din si Midnight, ngunit itinuloy nito ang paghalik sa kaniyang mga labi. Pakiramdam niya’y may taglay na apoy ang halik nito na unti-unting tumutupok sa kaniyang wisyo.

Ganoon pala ang pakiramdam na nahahalikan, nakaliliyo. Nanlulumo siya sa tindi ng sensasyong hatid ng halik ni Midnight sa kaniya. Nag-iinit ang buong sistema niya, at tila nagkaroon ng sariling buhay ang kaniyang katawan. Natagpuan na lamang niya ang sarili na tumutugon sa bawat galaw ng mga labi ng asawa.

Ang kaniyang pagtugon ay naging mitsa upang lumalim pa ang halik ni Midnight. Nagsimula na ring kumilos ang mga kamay nito sa maseselang parte ng kaniyang katawan, wari may hinahagilap.

Napasinghap siya nang itulak siya ng asawa sa likod ng pinto habang hinahapuhap ng halik ang kaniyang mga labi. Tanging banayad na d***g lamang ang naitutugon niya, lalo nang dumapo ang mga kamay nito sa mayayaman niyang dibdib. Marahan na napipisil nito ang mga iyon.

Mamaya ay apuradong hinubad ni Midnight ang kaniyang pantulog, kasunod ng kaniyang nalalabing panloob. Nang mahantad ang kaniyang kahubaran ay pinasadahan naman nito ng halik at pinong kagat ang bawat himaymay ng kaniyang balat. Bawat hagod ng bibig nito sa kaniyang balat ay nag-iiwan ng init na tuluyang nagdarang sa kaniya sa pagnanasa.

Ilang sandali pa’y binuhat na siya nito at dinala sa kama. Inihiga siya nito at mabilisan itong nagtanggal ng saplot sa katawan. Namangha siya nang masilayan ang hubad nitong katawan, lalong-lalo na ang malusog nitong armas na noo’y buhay na buhay.

Kinaibabawan siya nito at muling siniil ng halik sa mga labi. Kaagad siyang tumugon kahit hindi siya marunong. Sumasabay lamang siya sa bawat galaw ng mga labi ng asawa. Ginapos nito ang kaniyang mga kamay at inangat sa kaniyang uluhan.

Wala siyang ideya kung ano ang susunod na mangyayari. Ramdam na lamang niya ang pagdaiti ng mainit nilang katawan, at ang paggalaw ng sandata ng asawa sa kaniyang mamasa-masang p*****a. Nalulunod siya sa kamunduhan. Ngunit nahimasmasan siya nang may kung anong matalim na bagay na bumaon sa kaniyang inosenteng kaselanan.

Napasigaw siya sa kirot, lalo nang biglaan ang pagpasok ng alaga ng asawa sa kaniya. Ramdam niya ang pagpunit ng sensitibong balat ng kaniyang kaangkinan. Ni wala siyang narinig mula sa asawa maliban sa banayad na halinghing. Hindi ito tumigil. Hindi rin naman siya nagprotesta, sa halip ay nagugustuhan na niya ang kaniyang pakiramdam.

Unti-unti ay nahalinhan ng sarap ang kirot, lalo nang simulang kumilos ang kaniyang asawa. Hanggang sa bumilis ito, walang tigil sa pagbayo sa kaniya. Ilang sandali pang walang humpay na pag-ulos ang armas nito sa kaniya, animo naglunoy siya sa pinakamasarap na pakiramdam sa mundo. Wari siyang lumilipad sa alapaap na merong inaabot na luwalhati.

Ganoon pala ang pakiramdam ng nakikipagtalik sa lalaki, nakahihibang ang kaligayahan na tila ayaw na niyang itigil ang nagaganap. At hindi niya namalayan na panabay nilang nakamit ng asawa ang r***k ng kanilang pagsusumikap. Naramdaman na lamang niya ang likidong iniwan nito sa loob niya.

NAGISING si Liza na wala na sa kaniyang tabi si Midnight. Ang una niyang napansin ay ang iilang mantsa ng dugo sa kumot at sapin ng kama. Hindi siya kaagad nakakilos sapagkat namayani ang kirot sa kaniyang sugat. Hinintay niyang kumalma ang kirot at kaya na niyang tiisin.

Saka lamang siya kumilos at inalisan ng sapin ang kama. Kailangan niyang malabhan kaagad ang mga ito upang hindi manigas ang mantsa. Puti pa naman ang mga sapin na iyon kaya kitang-kita ang mantsa.

Ibinabad muna niya ang mga labahin sa planggana. Humihilab na ang kaniyang sikmura kaya nagluto siya ng almusal. Naroon pa ang kotse ni Midnight sa garahe kaya malamang ay tulog pa ito. Hindi niya namalayan ang paglabas ng asawa mula sa kaniyang kuwarto. Napasarap kasi ang tulog niya.

Kumakain na siya nang may bumusinang sasakyan sa labas. Dagli siyang tumayo at naghugas ng mga kamay. Paglabas niya ng bahay ay may puting kotse na naghihintay sa labas ng gate. Hindi naman iyon kotse ni Lola Lucy. Maaring kakilala ito ni Midnight.

Lumapit siya sa gate at hinintay na lumabas ng kotse ang sakay nito. Ngunit walang bumaba, bumukas lang ang bintana sa driver side. Napatitig siya sa lalaking sumilip, at namangha siya nang itaas nito ang salamin sa ulo. Guwapo ito at may dimple nang ngumiti.

“Hi! Hindi naman siguro ako naliligaw, ano?” nakangising sabi ng lalaki.

“Uh…. s-sino ho ang hinahanap ninyo?” magalang niyang tanong.

“I’m looking for Midnight. Nariyan ba siya?”

“Opo, kaso tulog pa po siya.”

“Really? Tanghali na, ah. Baka puwedeng gisingin ko na. Importante kasi ang pakay ko. May papipirmahan akong papeles sa kaniya.”

“Eh, sino ho ba kayo?” pagkuwan ay tanong niya.

“I’m Richard, Midnight’s cousin, pero malayo na sa dugo.” Malapad itong ngumiti. “At sino ka naman?” balik tanong din nito.

Napaisip muna siya. Hindi pala niya maaring ipagsabi kahit kanino na asawa siya ni Midnight. Tiyak na magagalit iyon kung sasabihin niya kay Richard ang totoo. Hindi rin niya puwedeng sabihin na pinsan siya ni Midnight, magtataka si Richard.

“Uhm, Liza ang pangalan ko. Katiwala ako rito,” sabi na lamang niya.

Nanlaki ang mga mata ni Richard, tila hindi makapaniwala sa sinabi niya. “Seriously? Kailan pa nagpatira ng babae sa bahay niya si Midnight?” natatawang sabi nito.

“Kuwan, naglilinis lang naman ako at naglalaba rito.”

“So, stay-in ka rito?”

“Opo. Hiwalay naman po ang kuwarto ko kay Midnight.”

“Of course. Midnight will kill you if you sleep with him.” Tumawa ito.

Lumabi siya nang matanto na awkward ang sinabi niya. Binuksan na lamang niya ang gate upang makapasok ang bisita.

Saktong nakapasok si Richard ay nagising na si Midnight. Naghalungkat ito ng makakain kaya pinaghain niya ito ng almusal. Pansin niya na tila hindi gusto ni Midnight si Richard. Ni hindi nito kinakausap ang lalaki.

Nakapuwesto na sa harap ng lamesa si Midnight at hinihintay ang pagkain. Nilapitan ito ni Richard dala ang naka-folder na papeles. Kinakausap nito si Midnight na tahimik lang.

Inilapag ni Liza ang pagkain sa harap ni Midnight. Sinalinan din niya ng tubig ang baso nito.

“Ano naman ang nakain mo at nag-hire ka ng katulong? Na-realize mo na ba na hindi madaling mabuhay mag-isa?” amuse na kausap ni Richard kay Midnight.

Tahimik lang si Midnight habang binabasa ang papeles. Pagkuwan ay pinirmahan nito ang mga iyon at ibinalik kay Richard.

“Leave,” sabi lang nito sa pinsan.

“Fine. You never change, Night. I told you, walang nabubuhay para sa sarili lamang. You need a partner,” ani Richard.

Natigilan si Liza nang lapitan siya ni Richard. Inakbayan siya nito. Pakiramdam niya’y inaapuyan ang kaniyang katawan, lalo nang mapansin niya na binato ng mahayap na tingin ni Midnight si Richard.

“I’m curious. Since you separated from us, you never invited a woman to your house, even your childhood friend Mica. And now, Liza is here. At saka maganda itong katulong mo, ah. Morena, sexy, at sa palagay ko’y mabait at inosente. I like the way she approaches me,” pilyong sabi ni Richard.

“Leave, Richard. Huwag mong hintaying uminit ang ulo ko!” may gigil na sabi ni Midnight. Umiigting ang panga nito sa inis at lalong tumalim ang titig kay Midnight.

Inalis naman ni Richard ang kamay sa balikat ni Liza. Tumawa ito nang pagak. “Kailan ba hindi uminit ang ulo mo?” untag pa nito. Tinapik pa nito sa palikat si Liza. “Liza was a puzzle to me. Malalaman ko rin kung sino siya talaga. Bye, guys!”

Kumaway pa si Richard bago tuluyang umalis. Nag-iwan ito ng kaba sa dibdib ni Liza. Kinuha na lamang niya ang kaniyang pagkain at dinala sa kusina. Doon na niya itinuloy ang pag-aalmusal.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status