Share

Chapter 10

“SAMARA!” tawag ni Liza sa anak. Inatake na siya ng kaba nang hindi ito makita sa loob ng bahay.

Lumabas na siya. Napako ang mga paa niya sa sahig nang mamataan ang kaniyang anak na naroon sa gate, kaharap si Midnight! Wari may naghahabulan sa loob ng kaniyang dibdib nang mapansing hawak ni Midnight ang kamay ni Samara. Naaantig ang kaniyang puso, naghuhumiyaw sa tuwa nang masilayan sa wakas na nagkita ang kaniyang mag-ama.

Nilapitan niya ang mga ito. Awtomatikong nabaling sa kaniya ang tingin ni Midnight.

“Can you please open the gate?” samo nito sa kaniya.

Binuksan naman niya ang maliit na gate. Kaagad na pumasok si Midnight at walang abog na niyakap nang mahigpit si Samara.

“Ouch! Naiipit ako!” angal ng bata.

“Oh, sorry.” Kaagad itong pinakawalan ni Midnight pero ayaw nang bitawan ang mga kamay. Lumuhod ito sa sahig. “Baby, you’re right. I’m your daddy,” kausap nito sa bata.

“Daddy? Totoo?” Tiningala ni Samara si Liza upang kunin ang kaniyang komento.

Napangiti siya sa kabila ng pa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
jho💚
gusto kita talaga kutusan Midnight,
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status