Share

Chapter 68

HINDI inaasahan ni Liza ang ibinungad sa kaniya ni Lola Lucy. Nang malapitan siya ay bigla itong humagulgol at napayakap sa kaniya. Ang kaba niya’y nalusaw ng emosyong nagpaparaya.

“Patawarin mo’ko, Liza,” humihikbing wika ng ginang.

Nadala siya ng emosyon nito at uminit ang bawat sulok ng kaniyang mga mata. Mamaya’y tuluyan na rin siyang napaluha. Hindi naman siya nagtanim ng sama ng loob sa ginang, sa halip ay pilit niya itong inuunawa.

“Hindi po ako galit sa inyo, Lola. Naintindihan ko po kayo,” aniya.

Inalalayan ni Midnight ang ginang paupo sa couch. Tinabihan naman ito ni Liza at ginagap ang mga kamay.

“Tama ka, iha, walang maidudulot na maganda sa buhay ko ang pagkimkim ng poot sa puso. Hindi ko iyon naisip dahil nabulag ako ng galit at sakit. Noong nakausap kita, naisip ko na napakasama kong tao kaya nagawa kong galitin ang katulad mo na mapagkumbaba. Patawarin nawa ako ng Diyos sa mga kasalanan ko,” kumpisal nito. Humagulgol na naman ito.

“Magdasal po kayo sa Kaniya, at ikumpis
Rhod Selda

Finally! Thank you so much po sa pagbabasa ng kuwentong ito hanggang dulo. Salamat din po lalo sa mga nag-purchase ng coins para mabasa ang bawat chapter. Sabay-sabay tayong magpaalam kina Midnight at Liza! Hinihingi ko rin po ang inyong rate at comment sa kabuang kuwento. Your opinion and comment may help me a lot to improve. Thank you so much! God Bless! Rhod Selda

| 2
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (68)
goodnovel comment avatar
ryan
Thank you author ...️ super ganda .........
goodnovel comment avatar
Arlene Padaca
nka in love kwento nila liza at midnigth.
goodnovel comment avatar
Pulga Adeline
Ang Ganda Ng kwento more stories to come and god bless
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status