Share

Chapter 5

PARANG walang nangyari at ganoon pa rin ang pakikitungo ni Midnight kay Liza. Ni minsan ay hindi nito nabanggit ang tungkol sa namagitang sekswal sa kanila. Hindi na iyon naulit pa. May pagkakataon na gusto na niyang sumuko at iwan si Midnight. Kaso natatakot siya baka babalik siya sa dating buhay.

Paubos na ang pera niya sa pagtulong sa kinalakihang pamilya. Kung babalik siya roon, maaring siya ang papasan sa lahat ng responsibilidad dahil parehong may sakit ang mga magulang, at hindi rin siya makapag-aral nang maayos. Hindi na niya malaman ang gagawin. Ayaw niyang galawin ang natitirang dalawang milyon sa bangko. Ilalaan niya iyon sa kaniyang pag-aaral at negosyo balang araw.

Ang halagang sampung milyon na bayad sa lupa at mga hayop, nabawasan din pambayad ng mga utang ng lolo niya at ibang gastusin sa ospital. Kaya ang natira sa kaniya ay limang milyon. Mahigit dalawang milyon na ang naibigay niya sa kinalakihang pamilya. Mahigit isang milyon kasi ang nagastos sa ospital at ilang buwang gamutan ng tatay niya.

Umaga ng Biyernes, nagdadamo sa harap ng bahay si Liza. Hindi siya makapag-isip nang maayos. Mamaya ay may bumusinang sasakyan sa labas. Tumayo siya at kaagad binuksan ang gate nang malamang si Lola Lucy ang dumating. Pumasok kaagad ito.

Si Lola Lucy rin ang nagmamaneho ng kotse nito. Sixty-two anyos na ito pero parang kuwarenta lang tingnan. Maganda pa rin ito kahit may edad na. Sa tuwing bibisita roon ang ginang ay hindi siya makakilos nang maayos. Lahat kasi ng ginagawa niya ay sinisita nito.

Masungit ang ginang, kahit sa hilatsa pa lamang ng mukha ay makikitang m*****a ito. At pagbaba pa lamang nito ng kotse ay sinuyod na siya ng tingin. Nakasuot lang siya ng pulang pajama at itim na kamesita. Tumayo siya nang tuwid sa harapan ng ginang.

“Magandang umaga po, Lola!” bati niya rito.

“Nandito ka pa rin pala?” nakataas ang isang kilay na sabi nito.

“Ho? Eh, dito na po ako nakatira,” aniya.

“I mean, hindi ka pa pala pinaalis ni Midnight.”

Mariing kumunot ang noo niya. “Bakit naman po niya ako paaalisin? Asawa niya po ako.”

Umalon ang dibdib ng ginang, taas-noo siyang tinitigan sa mukha. “Pansamantalang asawa,” pagtatama nito.

Nanikip ang kaniyang dibdib dahil sa sinabi nito. Ang ibig ba nitong sabihin ay hindi na epektibo ang kasal nila ni Midnight?

“A-Ano po ang ibig n’yong sabihin?” nababahalang tanong niya.

“Kailanman ay hindi makikisama nang matagal sa babae ang apo ko. Pinakasalan ka lang niya dahil sa lupa ng lolo mo. At huwag kang umasa na magugustuhan ka ni Midnight. Sinasabi ko sa ‘yo, matigas pa sa bato ang puso niya. Hindi mo siya mapapalambot.”

Sumigid ang kirot sa kaniyang puso. “Ang ibig n’yo po bang sabihin ay ibabalik ako ni Midnight sa dati kong buhay?” mangiyak-ngiyak niyang tanong.

“Siguro, pero asahan mo na ‘yon. Kahit ako’y ayaw makasama ni Midnight sa bahay. Ikaw pa kaya? Hindi siya sanay na may kasamang ibang tao sa bahay. Kahit sa negosyo, bihira siya humaharap sa mga tao, unless neccesary.”

“Pero may kasunduan po sila ni Lolo.” Tuluyang nanubig ang kaniyang mga mata.

“Liza, wala na ang lolo. Wala ring silbi ang kasunduan. At hindi natin mapipilit si Midnight kung ano ang ayaw niyang gawin. Kaya kung ayaw mong makisama sa katulad niya, ikaw na ang lumayo. Gamitin mo ang pera ng lolo mo para makapagsimula.”

Lalo lamang nanikip ang kaniyang dibdib. Hindi niya alam kung paano magsimula. Nasanay na siya sa puder ni Midnight. Umaasa pa rin siya na magiging mabait din ito sa kaniya at matatanggap siya bilang babae.

Hindi na siya nakakibo hanggang sa iwan siya ng ginang. Pumasok ito sa bahay at malamang ay titingnan ang sitwasyon sa loob. Noong wala pa siya, madalas pumupunta roon ang ginang at may kasamang tagalinis. Pero umaalis din kaagad ang mga ito bago darating si Midnight. Ayaw kasi ni Midnight na may nadadatnang ibang tao sa bahay.

Umalis din kaagad si Lola Lucy at inutusan pa siyang palitan lahat ng kurtina at mga sapin sa upuan. Nilabhan niya lahat ng inalis niyang kurtina at sapin ng mga upuan at lamesa. Maghapon siyang naglinis, halos walang pahinga. Nakalilimot siya sa mga problema sa tuwing abala ang kaniyang katawan.

Dalawang linggo pa ang lumipas. Sa loob ng mga araw na iyon ay isang beses lamang umuwi si Midnight at lasing pa. Pero kinagabihan ng Sabado ay umuwi ito, lasing na naman pero hindi naman sobra. Hindi ito kumain at diretso sa kuwarto.

Naglalampaso siya ng sahig sa kuwarto nito nang pumasok si Midnight. Kaagad itong dumapa sa kama. Hindi pa ito naghuhubad ng sapatos.

“Liza….” tawag nito sa malamyos na tinig.

Binitawan niya ang mop at nilapitan ang asawa. “May kailangan ka ba?” tanong niya ito.

“Alisin mo ang sapatos ko,” utos nito.

Sinunod naman niya ito. Tumihaya ito at gusto ring ipahubad sa kaniya ang pantalon nito at damit. Ginagawa lamang niya ang utos nito na walang imik. Ngunit nang tuluyang maalis lahat ng saplot nito sa katawan, natukso siyang titigan ang halimaw nitong alaga sa ibaba.

Kaya siya nasaktan nang sobra noong inangkin siya nito dahil sa laki ng k*****a. Nakapikit na si Midnight kaya maingat siya sa pagsuot ng brief nito. At habang binibihisan niya ito, naisip niya ang sinabi ni Lola Lucy. Inalipin siya ng lungkot. Hindi pa niya kayang malayo kay Midnight. Kahit ganoon ang ugali nito, napagtitiyagaan niya itong pakisamahan.

“Ayaw mo ba talaga akong makasama?” tanong niya.

Alam niyang tulog na si Midnight kaya malakas ang loob niyang kausapin ito. Umupo pa siya sa paanan nito at nilinis ng bimpo na mayroong alcohol ang mga paa nito. Napansin niya na walang ni isang larawan ng mga magulang nito si Midnight sa kuwarto.

Ang sabi ng lolo niya, bata pa lamang si Midnight ay naghiwalay na ang mga magulang nito at nagkaroong ng kaniya-kaniyang pamilya. Namatay ang nanay nito dahil sa malubhang sakit sa puso. Ang tatay naman nito ay nasa Australia at masaya na sa bagong pamilya. Pinalaki lang ng lola nito si Midnight, sinanay na maagang namulat sa negosyo.

Si Lola Lucy pala ay kauna-unahang babaeng minahal ng lolo niya. Subali’t hindi gusto ng parents ni Lola Lucy ang lolo niya. Ang lolo na niya ang lumayo at nagpakasal sa kaniyang lola kahit nasaktan si Lola Lucy. Kaya ganoon na lang ang galit nito sa lolo niya.

“Alam mo ba na masaya kapag may kasama ka sa buhay? Kahit hindi mo kadugo basta nagmamahalan. Ganoon ang totoong pamilya. Alam ko magkaiba tayo ng sitwasyon. Pero sana ay buksan mo ang puso mo para sa ibang tao. Masarap sa pakiramdam na may nagmamahal sa ‘yo,” kausap niya sa natutulog na asawa.

Kumilos si Midnight at patagilid na humiga. Humiga rin siya katabi nito at kaharap ang nahimbing nitong mukha. Marahan niyang hinaplos ang makinis nitong pisngi. Natutukso siyang hagkan ito sa mga labi, at ginawa nga niya.

“Balang araw, maiisip mo rin ako,” aniya.

Nang muli itong gumalaw ay bumangon na siya at lumisan dala ang gamit panlinis.

Kinabukasan ay inagahan ni Liza ang gising at nagluto ng almusal. Ngunit maaga ring nagising si Midnight at nakabihis na. Uminom lang ito ng tubig.

“Aalis ka na?” tanong niya rito.

Hindi siya nito pinansin, sa halip ay nagmamadali itong umalis. Sinilip lang niya sa bintana ang paalis na kotse ni Midnight. Inaliw na lamang niya ang kaniyang sarili sa paglilinis ng bakuran.

Kung kailan hindi nagluto ng hapunan si Liza ay saka naman umuwi nang maaga si Midnight. May tira pa kasi siyang ulam mula tanghali at okay na iyon sa kaniya. Kaagad siyang naglinis ng katawan at pinuntahan sa study room ang asawa. Pinapunta siya nito roon.

“Sign this,” sabi nito. Inabot nito sa kaniya ang naka-folder na papeles.

Nang kunin niya’y una niyang nabasa ang titulo ng papeles. Isa itong divorce paper. Nawindang siya nang matanto kung ano ang ibig niyong sabihin.

“B-Bakit?” tanging nanulas sa kaniyang bibig.

“Hindi ko na kayang magtagal ang kasal na ‘to. It’s useless. Ayaw ko ring makulong ka sa puder ko. You will be free once you sign the papers,” anito.

“P-Pero nangako ka kay Lolo na paninindigan mo ang kasal.”

“Kailangan mong maintindihan na hindi normal ang kasal natin, Liza. You don’t even love me, and me either. It’s nonsense. Kung financial ang problema mo, I’ll give you ten million para makapagsimula ka ng negosyo. You can buy properties, continue your studies.”

Wari may mabigat na bagay na nakadagan sa kaniyang dibdib. Umalab ang bawat sulok ng kaniyang mga mata at tuluyang lumaya ang maninipis na luha. Hindi siya handang lumisan.

“P-pero….”

“Please accept this, Liza. I can’t love you or give you what you want. Hindi ka magiging masaya sa akin,” sabad nito. Binigyan na siya nito ng ballpen.

Nanginginig ang kaniyang mga kamay na kinuha ang panulat. Wala siyang choice kundi pumirma sa papeles. Pagkatapos ay patakbo siyang lumabas at nagtungo sa kaniyang silid. Doon ay ibinuhos niya ang kaniyang luha.

TINUPAD ni Midnight ang pangakong sampung milyon. Awtomatiko itong naideposito sa bank account ni Liza. Isang linggo ang palugit nito at kailangan na niyang makaalis sa bahay nito. Nag-impake na siya at sa Linggong iyon ng umaga ang kaniyang alis.

Hinintay niyang makauwi si Midnight upang promal na magpaalam dito. Dalawang maleta ang dala niya at may nakausap na siyang nagpapaupa ng sasakyan. Naisip niyang tumuloy sa bahay ng lolo niya sa Batanggas.

Pagdating nga ni Midnight ay kaagad siyang nagpaalam. Dumating na rin ang inupahan niyang kotse at driver. Nagpaparaya ang kaniyang isip ngunit ang puso niya’y nagpuprotesta. Wala man lang sinabi si Midnight, ni hindi siya nilingon nang palabas na siya ng gate.

At habang lumilisan, tila pinipilas ang kaniyang puso sa labis na lungkot at sakit. Hindi niya maikakailang napamahal na siya kay Midnight. Ngunit nanaig ang galit niya dahil sa pagsuway nito sa pangako sa kaniyang lolo.

Unang araw ni Liza sa bahay ng lolo niya ay problema ang bumungad sa kaniya. Ilang taon na palang hindi nababayaran ang amilyar ng lupang kinatatayuan ng bahay. Nagkakagulo rin dahil wala palang rights of way ang lupain at ayaw na silang padaanin ng kapitbahay. Binakuran din ni Midnight ang lupaing nabili nito sa kanila.

Nahilo siya sa stress. Gustong bilhin ng kapitbahay ang natitirang lupain nila at iyon na lang ang choice niya. Naisip niyang bibili ng mas maayos na property sa bayan. Halos araw-araw na siyang nahihilo lalo na sa umaga paggising niya.

“Magpa-check up ka na kaya, Liza. Baka kung ano na ‘yan,” sabi sa kaniya ni Aleng Cora. Pinsan ito ng lolo niya.

Kinabahan siya sa kaniyang naalala. Mahigit isang buwan nang hindi siya dinadatnan ng dalaw. Nang makapunta siya ng palengke ay bumili siya ng pregnacy test kit. Nag-research siya sa internet kung paano iyon gamitin at sinunod ang proseso.

At kinabukasan nga ay nagulat siya sa resulta ng test. May dalawang pulang linya na lumitaw! Buntis siya!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status