SA halip na magprotesta, sumang-ayon si Liza sa desisyon ng kaniyang lolo. Rinig niya ang maayos na usapan sa pagitan ng kaniyang lolo at ni Midnight. Nangako ang binata na ibibigay nito ang kailangan niya, lalo na ang makapag-aral.
Pagkatapos ng kasunduan, nilapitan siya ni Midnight nang nasa kusina siya. Silang dalawa lamang ang naroon.
“How old are you?” seryosong tanong sa kaniya ni Midnight.
Nagbabalat siya ng hilaw na papaya para sa tinola. “Ho?” untag niya. Nakatungo lamang siya sa binata na tumayo sa kaniyang harapan.
“Ang sabi ko, ilang taon ka na?” muli’y tanong nito.
“Uh…. n-nineteen po,” naiilang niyang tugon. Hindi niya makuhang makipagtitigan sa binata.
“You’re so young to get married. Sigurado ka bang okay lang sa ‘yo na makasal sa akin? I’m twenty-five years old now.”
Hindi siya makapag-focus sa sinasabi nito kaya hindi niya masyadong maintindihan.
“Ano po?” tanong niya.
Napailing ang binata, ngumisi. “Mahina ba ang pandinig mo? O talagang mahina lang ang pick-up ng utak mo sa sinasabi ng kausap mo?”
Kumurap-kurap siya at hinimay-himay sa kaniyang kukoti ang mga sinabi ni Midnight. At nang matanto na may kasamang insulto ang tanong nito, labis siyang nadismaya. Kabaliktaran ng pisikal na katangian nito ang pag-uugali.
“Pasensiya na, hindi kasi ako mapakali,” aniya.
“I think you need to think million times before marrying me. Ayaw ko ng kasamang absent minded, mahina ang function ng utak. At ayaw ko ng tatanga-tanga. Huwag mo akong bigyan ng sakit ng ulo.”
Nakaawang lang ang bibig ni Liza habang nakatitig kay Midnight na inisa-isa ang ayaw nito. At hindi na siya sigurado kung kakayanin niyang makisama rito. Umalis na lang ang binata ay walang katagang nanulas sa kaniyang bibig.
Pagkatapos ng tanghalian ay pinuntahan ni Liza ang kaniyang lolo sa kuwarto nito. Nakahiga na ito sa kama.
“Pasensiya ka na, apo. Hindi na kita magagabayan. Nanghihina na ang katawan ko,” wika ng ginoo sa malamyos na tinig.
Lumuklok siya sa gilid ng kama at hinawakan ang kanang kamay nito. “Bakit n’yo po ba naisip na makipagkasundo kay Midnight? Gaano n’yo po siya kakilala?” tanong niya. Nais din niyang malaman ang ibang dahilan ng lolo niya.
“Napansin ko na hindi mo pa kayang manindigan sa mga desisyon mo. Mura pa ang iyong isip at natatakot ako na baka abusuhin ka ng ibang tao.”
“Sigurado po ba kayo na hindi ako aabusuhin ni Midnight?” usig niya.
“Kilala ko si Midnight. Mataas ang pinag-aralan niya, disiplinado, at nangako siya sa akin na hindi ka niya sasaktan. Mayroon kaming kasulatan. Konsensiya niya ang uusig sa kaniya kung hindi siya tutupad.”
Kinakabahan siya sa posibleng mangyari sakaling kasal na siya kay Midnight. Napansin din niya na hindi pabor ang lola nito sa napagkasunduan. Pero mapilit si Midnight.
“Natatakot ako, Lo,” nababahagang saad niya.
“Apo, manalig ka sa Diyos. Ang matitirang perang ibabayad ni Midnight sa lupa ay awtomatikong ipapasok sa bank account na bubuksan ko para sa ‘yo. Wala akong tiwala sa namamahala ng farm dahil ilang beses na nila akong niloko at ninakawan. Kaya mainam na ibenta ko ito at itira itong bahay para sa ‘yo.”
“Hindi po ba ito ibebenta kay Midnight?” manghang untag niya.
“Nakabukod ang titulo ng lupang kinatatayuan ng bahay. Nakapangalan ito sa mama mo. Sinabi ko kay Midnight na iba ang may-ari ng lupang ito, at hindi ko na sinabi na sa mama mo. Kung sakaling gusto mong umuwi rito, walang problema.”
“Salamat, Lo,” mangiyak-ngiyak na sabi niya.
“At kapag kasal na kayo ni Midnight, doon ka na titira sa bahay niya. Itong bahay na ito ay titirhan muna ng pinsan ko.”
“Paano ko po makukuha ang pera sa bangko?” inosenteng tanong niya.
“Sa ngayon ay hindi ko pa nailipat sa pangalan mo ang bank account. Kailangan mo ng valid ID, at saka dapat meron kang pirma, iyong gagamitin mo sa lahat ng documents mo.”
Napangiwi siya. Wala pa siyang opisyal na pirma. Wala rin siyang valid identification card.
“Paano po ‘yan? Baka hindi ko makuha ang pera. At saka hindi ako makapag-aral,” angal niya.
“Huwag kang mag-alala, apo. Paaaralin ka ni Midnight. At kung maayos na ang kailangan mo sa bangko, ang abogado na ang bahalang mag-assist sa ‘yo. Maari mo na iyong gamitin sa pag-aaral.”
Tinandaan niya lahat ng mga sinabi ng kaniyang lolo. Gustong-gusto talaga niyang makapagtapos ng pag-aaral at magtrabaho.
HABANG papalpit ang kasal ni Liza kay Midnight ay unti-unti na ring nanghihina ang lolo niya. Kabaliktaran ang nararamdaman niya sa mga babaeng ikakasal. Sa halip na pananabik ang mararamdaman, pinagharian siya ng lungkot at dalamhati.
Hindi niya inaasahan na napili ni Midnight magpakasal sa South Korea, isa sa bansang pinangarap niyang marating balang araw. Walang kalatuy-latoy ang kanilang kasal, walang bisita, tanging silang dalawa lamang at isang witness, ang lola nito.
“Our marriage will remain secret, so don’t tell anyone that I am your husband,” malinaw na sinabi ni Midnight.
Nakauwi na sila ng Pilipinas. Hindi manlang siya nakagala.
Pakiramdam ni Liza ay nagpakasal siya sa isang hari at wala siyang karapatang suwayin ito. Umaasa siya na magiging mabait din sa kaniya si Midnight. Maayos naman nitong pinakitunguhan ang lolo niya. Ito pa ang nag-asikaso sa lahat ng kailangan nila sa ospital.
Subalit isang linggo pagkatapos ng kasal nila ni Midnight, tuluyang pumanaw ang kaniyang lolo. Ilang araw siyang naglukha. Kahit sandali lamang niya nakapiling ang kaniyang lolo, ipinadama nito sa kaniya ang pagmamahal na inaasam niya.
Opisyal nang pag-aari ni Midnight ang malawak na lupain ng lolo niya. May balak pala itong gawing resort at farm ang lupain. Ang ibang tauhan ay nanatili at nagsilbi rito.
SA unang linggo na pagtira ni Liza sa bahay ni Midnight sa Cavite, tila bilanggong nakakulong lamang siya roon. May dalawang palapag ang bahay ni Midnight, malawak din ang lupaing kinatitirikan nito. Ngunit ni hayop ay wala siyang kasama roon.
Magkahiwalay sila ng kuwarto ni Midnight, siya sa ground floor. Naintindihan niya bakit bihira umuuwi si Midnight, dahil sa dami ng negosyo nito. Wala na itong oras sa kaniya. At kung uuwi man ito, madalas gabing-gabi na, oras na ng tulog. Pero kahit ganoon, hinihintay niya ito.
Sabado ng gabi ay umuwi si Midnight, mas maaga sa nakasanayan nito. Nagluto ng hapunan si Liza ngunit hindi kumain si Midnight.
“Baka gutumin ka mamaya, initin mo lang ang ulam,” sabi niya. Iniligpit niya ang hinubad na sapatos ng asawa at jacket.
“I told you not to wait for me. Gawin mo ang nakasanayan mo at huwag mo akong isipin,” sabi nito. Ni isang beses ay hindi siya nito sinipat.
Lumapit sa mini bar si Midnight at nagbukas ng red wine. Nagsalin ito sa isang kopita at marahang sinimsim.
Lakas-loob niya itong nilapitan upang idulog ang concern niya. “Uhm, wala na palang stock sa ref. Paano pala ako mamalengke? Malayo rito ang kalsada at hindi ko kabisado ang lugar. Baka maligaw ako. At saka wala akong hawak na pera,” aniya.
“Sumabay ka sa akin bukas. May malapit na supermarket dito at bibigyan kita ng pera. Pag-uwi mo, magpahatid ka sa tricycle at sabihin lang ang address ng bahay. Kung may magtanong kung kaanu-ano kita, sabihin mo pinsan mo ako.”
Napatda siya. Wari may tumamang punyal sa kaniyang dibdib at makirot ang pagtanggap niya sa mga sinabi ng asawa.
“B-Bakit hindi ko puwedeng sabihin na asawa mo ako?” curious niyang tanong.
Pumihit paharap sa kaniya si Midnight. “I don’t want to. Just do what I want,” masungit nitong wika. Nilagpasan siya nito. Naglakad ito patungong sofa at naupo roon. Nagbukas ito ng telebisyon at nanood habang inuunti-unti ang laman ng baso nito.
Hindi maipaliwanag ni Liza ang nararamdaman nang mga sandaling iyon. Nagpupuyos ang kaniyang damdamin. Natanong niya ang sarili bakit kailangan niyang masaktan samantalang hindi naman siya nagpakasal sa lalaking mahal niya. Hindi naman niya maikakailang humanga siya kay Midnight dahil sa pisikal nitong katangian at talino.
Ipinakita niya sa asawa na hindi siya apektado ng mga sinabi nito. Muli niya itong nilapitan at humirit sa isa pa niyang gusto. Umupo siya sa sofa may dalawang dangkal ang pagitan dito.
“Uhm…. malapit na pala ang pasukan. Saan ba ako mag-e-enroll?” excited niyang tanong.
Tila hindi siya narinig ni Midnight. Nakatuon lamang ang atensiyon nito sa telebisyon. Inulit niya ang kaniyang tanong, mas malakas. At sa wakas ay sinipat siya nito.
“Hindi ka pa mag-aaral,” sabi nito.
Nawindang siya. “Ha? Bakit naman? Akala ko ba paaaralin mo ako?” Biglang naglaho ang pananabik niya at nahalinhan ng lungkot.
“Dito ka lang muna sa bahay at sa online ka mag-aaral. Maraming tutorial channel sa social media platforms, marami kang matutuhan. Puwede ka ring mag-enroll sa mga online courses,” sabi nito.
“Bakit hindi ako puwedeng mag-aral sa karaniwang paaralan?”
“You can’t use my sure name.”
“Ano?”
“Hindi mo ba ako naintindihan, Liza?” may iritasyon nang untag nito.
Nasindak siya sa biglang pagtaas ng tinig nito. “Pasensiya na. Hindi ko kasi maintindihan bakit ayaw mo akong pag-aralin.” Napayuko siya.
“Hindi sa ayaw kitang paaralin. Ayaw ko lang na gamitin mo ang apelyido ko. Wala dapat makaalam na asawa mo ako, naintindihan mo?”
Namimilog ang mga matang tumitig siya kay Midnight. Nagbabadya nang lumaya ang kaniyang mga luha ngunit maagap niya itong pinigilan.
“Nakakahiya ba ako? Bakit itinatago mo ako?” emosyonal niyang usig sa asawa.
Bumalikwas ng tayo si Midnight. “I’m not a marrying type and don’t want to get married. Ayaw ko na may babae sa buhay ko na kakabit ng pangalan ko! Hindi mo pa rin ba maintindihan?” nanlilisik ang mga matang pahayag nito.
Tuluyang umalab ang bawat sulok ng kaniyang mga mata at lumaya ang mga luha. Hindi pa rin niya maintindihan si Midnight.
“Pero bakit mo pa ako pinakasalan?” garalgal ang tinig niyang tanong.
“Don’t you get it? Pinakasalan kita dahil sa lupa! I want to invest more in business, and that matter to me! I don’t need a wife and to be involved in a stupid romance!”
Iilan lang sa sinabi nito ang naintindihan niya. Tumayo na siya at hindi na pinilit ang ayaw ni Midnight. Iniwan niya ito at patakbong pumasok sa kaniyang kuwarto. Doon ay napahagulgol siya.
ILANG linggo pa ang lumipas. Upang hindi mainip, nagtanim ng iba’t ibang gulay sa bakuran si Liza. Binilhan siya ni Midnight ng laptop, mayroon ding internet connection kaya nagagamit niya sa online tutorial.Masuwerte nang makauwi isang beses sa isang linggo ang kaniyang asawa. Ganoon pa rin ang sitwasyon, mistulang caretaker lamang siya ni Midnight sa bahay nito. Pero minsan ay dumating sa isip niya na umalis na lamang doon. Hindi na siya umaasa na magugustuhan siya ni Midnight.Hindi niya maintindihan bakit ayaw ni Midnight mag-asawa. Naghihinayang siya sa katangian nito. Maaring may mas malalim itong dahilan bakit ayaw nitong magkapamilya.Ilang oras din ang iginugol niya sa paghahalaman sa likod ng bahay. Hindi niya namalayan ang paglipas ng oras. Palubog na pala ang araw. Nagulat siya pagpasok ng bahay ay naroon si Midnight. Marami itong pinamiling stock na pagkain at ibang kailangan niya.Nag-iiwan naman ng allowance niya si Midnight pero naiipon dahil hindi naman siya gumagast
AKALA ni Liza ay titigil din si Midnight, ngunit itinuloy nito ang paghalik sa kaniyang mga labi. Pakiramdam niya’y may taglay na apoy ang halik nito na unti-unting tumutupok sa kaniyang wisyo.Ganoon pala ang pakiramdam na nahahalikan, nakaliliyo. Nanlulumo siya sa tindi ng sensasyong hatid ng halik ni Midnight sa kaniya. Nag-iinit ang buong sistema niya, at tila nagkaroon ng sariling buhay ang kaniyang katawan. Natagpuan na lamang niya ang sarili na tumutugon sa bawat galaw ng mga labi ng asawa.Ang kaniyang pagtugon ay naging mitsa upang lumalim pa ang halik ni Midnight. Nagsimula na ring kumilos ang mga kamay nito sa maseselang parte ng kaniyang katawan, wari may hinahagilap.Napasinghap siya nang itulak siya ng asawa sa likod ng pinto habang hinahapuhap ng halik ang kaniyang mga labi. Tanging banayad na daing lamang ang naitutugon niya, lalo nang dumapo ang mga kamay nito sa mayayaman niyang dibdib. Marahan na napipisil nito ang mga iyon.Mamaya ay apuradong hinubad ni Midnight a
PARANG walang nangyari at ganoon pa rin ang pakikitungo ni Midnight kay Liza. Ni minsan ay hindi nito nabanggit ang tungkol sa namagitang sekswal sa kanila. Hindi na iyon naulit pa. May pagkakataon na gusto na niyang sumuko at iwan si Midnight. Kaso natatakot siya baka babalik siya sa dating buhay.Paubos na ang pera niya sa pagtulong sa kinalakihang pamilya. Kung babalik siya roon, maaring siya ang papasan sa lahat ng responsibilidad dahil parehong may sakit ang mga magulang, at hindi rin siya makapag-aral nang maayos. Hindi na niya malaman ang gagawin. Ayaw niyang galawin ang natitirang dalawang milyon sa bangko. Ilalaan niya iyon sa kaniyang pag-aaral at negosyo balang araw.Ang halagang sampung milyon na bayad sa lupa at mga hayop, nabawasan din pambayad ng mga utang ng lolo niya at ibang gastusin sa ospital. Kaya ang natira sa kaniya ay limang milyon. Mahigit dalawang milyon na ang naibigay niya sa kinalakihang pamilya. Mahigit isang milyon kasi ang nagastos sa ospital at ilang b
LIMANG taon ang lumipas. Pagkatapos ng graduation ni Liza sa kolehiyo ay nagpasya siyang ibenta ang puwesto niya sa bayan ng Lucena. Wala na rin naman siyang budget para mabuksan ulit ang nalugi niyang food house at bakeshop. Idiniposito niya sa bangko ang pinagbentahan sa lupa para sa kinabukasan ng limang taon niyang anak na babae. “Sigurado ka na bang aalis ka rito, Liza?” tanong ni Aniza, ang pinsan niya sa father side. Pinapunta niya ito roon sa Batangas para samahan siya total ay ulila na rin ito at wala pang asawa. Kauuwi lang nila ng bahay mula bangko. Iyong dating bahay ng lolo niya sa Pagbilao ay naibenta niya bago siya umuwi ng Digos. Kaso nahirapan siyang magsimula ng negosyo roon kaya bumalik ng Batangas at doon nakabili ng maliit na property. “Oo. Gusto kong magtrabaho sa Maynila,” aniya. Naghahanda na siya para sa hapunan nila. “Eh, paano itong bahay mo rito? Ibebenta mo na naman?” Napabuga siya ng hangin. Simula noong tumira siya roon sa barangay nila ay palagi si
HINDI inaasahan ni Liza na susundan siya ni Midnight sa kusina. Nagulat ang staff sa biglang pagpasok ng boss.“Good morning, sir!” sabayang bati ng staff. Napahinto pa sa trabaho ang iba para lang batiin ang boss.Kumislot si Liza nang sikuhin siya ni Lara, isa sa line cook nila. “Bumati ka kay Sir. Siya ang big boss natin,” bulong nito sa kaniya.Humarap naman siya kay Midnight na noo’y nakatayo lang sa pintuan. “Good morning po!” bati niya.Napako sa kaniya ang tingin ni Midnight. Alam niya na hindi siya nito kakausapin sa harap ng maraming tao.“May napansin lang akong bagong mukha. Can I talk to her?” sabi ni Midnight.“Tatlo po silang bago, sir. Dalawang babae. Sino po sa kanila ang gusto n’yong makausap?” ani Lara.“Her.” Itinuro ni Midnight si Liza.Napalunok siya nang gupuin siya ng kaba. May impact pa rin sa kaniya ang baritonong boses ni Midnight, na madalas magpangatog sa mga tuhod niya noon.“Ikaw pala, Liza. Sumama ka kay Boss,” udyok sa kaniya ni Lara.Kumilos naman siy
NAKAILANG hakbang pa lamang si Liza mula sa opisina ni Richard ay narinig na niya ang boses ni Midnight. “Liza!” muli ay tawag nito na tuluyang nagpatigil sa kaniya. Nang pumihit siya paharap dito ay nagulat siya nang hawakan siya nito sa kanang braso. Napasunod siya rito nang isama siya nito sa CEO’s office. Hindi na siya nakapalag dahil ini-lock nito ang pinto. “Tell me that Richard was lying,” balisang sabi nito. Bumuntong-hininga siya. Nilakasan na niya ang loob at sinimulan ang plano, tutal ay nagkabistuhan na sila. “Nagsasabi siya ng totoo,” aniya. “Buntis ka noong umalis sa bahay ko. Bakit hindi mo sinabi sa akin? Huh!” nanlilisik ang mga matang asik nito. “Para ano pa? Pinagtabuyan mo na ako. At saka wala ka rin namang pakialam,” matapang na buwelta niya. “Maybe you’re lying. Kailangan mo ba ng pera? Nasaan na ang sampung milyong binigay ko sa ‘yo?” Hindi niya gusto ang tabas ng dila nito. Gusto niya itong sampalin ngunit nakapagpigil siya. Tumapang siya dahil sa inas
PAGDATING sa bahay ni Liza ay hindi na nila naabutang gising si Samara.“Katutulog lang niya, eh. Alam mo naman, sanay matulog nang maaga ang bata,” sabi ni Aniza. Sinalubong sila nito sa gate.Hinarap naman niya si Midnight na kabababa ng kotse nito. “Tulog na si Samara,” sabi niya.“Still, I want to see her,” anito.Nagtitigan pa sila ni Aniza. “Payagan mo na, insan. Basta huwag lang kayong maingay kasi mabilis magising si Samara. Nagwawala pa naman ‘yon kapag alanganin ang tulog,” ani Aniza.Pinayagan na niyang makapasok si Midnight. Dumiretso sila sa kaniyang kuwarto kung saan natutulog ang anak niya. Mabuti hindi magulo ang kuwarto. Pagpasok pa lamang nila ay kaagad nilapitan ni Midnight si Samara. Tuwid ang higa ng bata sa kama habang yakap ang malaking teddy bear nito.Pinagmamasdan lang ni Liza si Midnight na tila natatakot hawakan si Samara. Titig na titig ito sa mukha ng kaniyang anak. Maaring pinakikiramdaman nito ang sarili kung may pitik sa puso nito ang lukso ng dugo. Mam
“SAMARA!” tawag ni Liza sa anak. Inatake na siya ng kaba nang hindi ito makita sa loob ng bahay.Lumabas na siya. Napako ang mga paa niya sa sahig nang mamataan ang kaniyang anak na naroon sa gate, kaharap si Midnight! Wari may naghahabulan sa loob ng kaniyang dibdib nang mapansing hawak ni Midnight ang kamay ni Samara. Naaantig ang kaniyang puso, naghuhumiyaw sa tuwa nang masilayan sa wakas na nagkita ang kaniyang mag-ama.Nilapitan niya ang mga ito. Awtomatikong nabaling sa kaniya ang tingin ni Midnight.“Can you please open the gate?” samo nito sa kaniya.Binuksan naman niya ang maliit na gate. Kaagad na pumasok si Midnight at walang abog na niyakap nang mahigpit si Samara.“Ouch! Naiipit ako!” angal ng bata.“Oh, sorry.” Kaagad itong pinakawalan ni Midnight pero ayaw nang bitawan ang mga kamay. Lumuhod ito sa sahig. “Baby, you’re right. I’m your daddy,” kausap nito sa bata.“Daddy? Totoo?” Tiningala ni Samara si Liza upang kunin ang kaniyang komento.Napangiti siya sa kabila ng pa