Share

KABANATA II

KABANATA II

Isang boring na araw na naman ito para sa akin. Naglalakad ako ng makita ko si Venuz na tila tulala maglakad papunta sa classroom namin kaya binunggo ko lang ito ng braso ko, tila gulat na gulat siyang napatingin sa ‘kin. “Oy, ikaw pala sis!” napailing na lang ako dito.

“Puyat ka na naman, ‘no?” Madalas kasi siyang ganiyan pag napupuyat, tulala.

“Oo sis. As usual, movie marathon na naman mag-isa,” alanganing tawa nito at nag peace sign pa siya sa ‘kin.

Napailing na lang ako sa kaniya at hindi na nagsalita pa dahil alam niya naman na hindi ko rin forte ang magsalita nang magsalita.

Tahimik lang kaming naglalakad nang may biglang sumabog, nakita ko rin na nagsisitakbuhan ang ibang mga estudyante. Hinawakan ni Venuz ang estudyanteng tumakbo patungo sa amin.

“Anong nangyayari?” aligagang tanong nito sa estudyante na nanginginig marahil sa takot.

“Hindi ko po alam, nakatambay lang kami sa field ng biglang may sumabog.” Hindi ko na hinintay pa ang susunod niyang sasabihin at bumaling na agad ako kay Venuz.

“Hanapin mo ang Vermin. Panigurado wala pa sila dito, masyado pang maaga. Ako na muna ang bahala dito. And, be careful with your words. Alam mo na ang dapat mong sabihin,” utos ko sa kaniya.

Kinapitan ko ang braso niya para ipaalam sa kaniyang mag-iingat ako. Sinagot niya ako nang isang tango at tumakbo na.

THIRD PERSON POV.

“Eskwelahan ko pa talaga ang napili niyong sirain, ah?” usal ni Angelica sa kaniyang isipan bago maglakad patungo sa direksyon ng pinanggalingan nang pagsabog.

Sa kabilang banda naman ay aligagang kinokontak ni Venuz si Romnick habang tumatakbo. Nag- aalala man siya sa kaniyang kaibigan ay malaki naman ang tiwala nito sa kaniya na magiging ayos din agad kung ano man ang nangyaring gulo sa kanilang eskwelahan.

“Walanghiya. Sumagot ka, Romnick!” bwisit na usal ni Venuz sa telepono niyang nag ri-ring lang, Ilang segundo lang ay agad ding may sumagot sa kabilang linya.

“Napatawag ka?” sagot agad ni Romnick sa kaniya at tila nagtataka, dahil noon pa man ay hindi ugali ni Venuz ang unang tumawag.

“Nasaan kayo ng grupo mo? I need your help. May nagpasabog sa eskwelahan.” Habang siya ay nakikipag usap sa telepono ay may nakita siyang sugatan na estudyante.

“May sugatan, bilisan ninyo,” sunod na usal niya at binaba na ang telepono.

               

Nilapitan niya ‘yong sugatan na estudyante at inalalayan.

“Marami ba kayong napuruhan?” tanong niya rito. Tanging tango lang ang nasagot ng babae sa kaniya dahil sa dami nang dugo na lumalabas sa braso niya. Agad naman pinunit ni Venuz ang laylay ng kaniyang palda para maitali sa braso ng babae.

Ngumingiwi sa sakit ang babae, “M…maraming salamat,” hirap na sabi ng babae sa kaniya at tinangohan lamang niya. Gusto niya sana itong biruin ngunit alam niyang hindi ito oras ng biruan.

Ang grupo naman ng Vermin ay nagmamadaling makarating sa eskwelahan.

“Ano pang ibang sinabi ng chika babes ko sayo, pare?” usal ni Kevin kay Romnick, nakatanggap siya ng batok dahil sa sinabi niya.

               

“Alam mo ikaw, kahit kalian ka talaga. Babaero!” singhal sa kaniya ni Romnick habang himas-himas nito ang kaniyang batok.

“Kalma, nagbibiro lang naman ako. Sakit no’n ah!” akmang gagantihan nito si Romnic nang magsalita ang leader ng grupo.

“Enough,” iyon lamang ang sinabi niya at nagtahimikan na ang lahat, “make it faster,” sunod na utos nito sa nagdadrive na si Steve na ngingisi sa sinapit ng dalawa.

“Oy, si chika babes ‘yon ah!” biglang sigaw ni Kevin kaya biglang napapreno si Steve sa gulat.

“D*mn. You don’t need to shout like that,” inis na usal ni Kurt sa kaniya at napakamot na lang siya ng kaniyang ulo.

Agad na bumaba ang grupo at nilapitan si Venuz.

“May iba pa bang sugatan?” tanong ni Romnick dito.

Nagtataka man ang apat sa pakikitungo ni Romnick kay Venuz ay isinawalang bahala na lang nila ito. Baka dahilan lang nangyayari kung kaya’t parang komportable sila kung magsalita.

“Marami. Tulungan niyo akong mailikas at mabigyan ng first aid ang mga sugatan.” Akmang aalis na sana si Kurt para hanapin ang gumawa no’n.

“Saan ka pupunta?”

Agad na napalingon si Kurt at napakunot-noo sa kaniya.

“None of your business,” tanging sinabi niya lang at aalis na sana ngunit agad pinigil ito nang salita ni Venuz.

“Wala ka ng dadatnan doon, tapos na. Ang kailangan ko na lang ay tulong niyo para sa mga sugatan na estudyante.”

“What do you mean?”

“Wala na, wala na ‘yong mga nanggulo na grupo.”

“D*mn! We’re late,” Inis na usal ni Kurt habang napapahilot na lang sa kaniyang sintido. “Okay. James, come with me. And, the three of you, help her.”

Tahimik na sumunod si James sa kaniya, alam niyang maghahanap sila nang ebidensya kung sino ang gumawa ng gulo sa eskwelahan nila.

“Ang laki ng pinsala na ginawa nila,” biglang usal ni James ng makita niya ang malaking butas ng lupa na sa malamang ay doon nagpasabog.

“We need to know what gang did it.”

“Alright, at kailangan din natin malaman kung sino ang malinis na nagtapos ng gulo,” kapit-babang usal ni James sa nakita nila.

Napatingin sa gawi niya si Kurt at napaisip din bigla, masyado siyang na-occupied nang pag-iisip sa laki ng pinsala.

“Yes, include that in your investigation as well.”

Bumalik na sila sa grupo at habang naglalakad ay napapaisip pa din si Kurt sa sinabi ng kaniyang kasama. Kahit siya ay nagugulohan dahil hindi naman ganoon katagal ang pagdating nila, walang bakas ng mga dugo o kung may bakbakan bang naganap. Ang tanging naiwan lang ay ang biyak na lupa kung saan doon marahil itinanim ang bomba.

“Nasaan nga pala ang kaibigan mo, Venuz?” biglang tanong ni Romnic, agad nagtaka ang lahat pati na rin ang dalawang lalaki na kakarating lamang.

Habang nag-aasikaso sa mga sugatan na estudyante ay walang lingon-lingon itong sinagot ni Venuz.

 “Wala pa siya, nauna ako sa kaniya dumating,” tanging sagot niya lang rito na tila ba wala siyang alam.

“Such a lucky woman, ha?” usal ni Kurt sa kaniyang isip.

“Hanep si manang, kung siguro andito ‘yon baka isa rin sa napuruhan ‘yon,” ngising usal ni Steve na agad namang siniko ni James.

Hindi ito pinansin ni Venuz at lihim niya lang itong nginisian.  Gusto man niyang sagutin ay alam niyang delikado, mas mabuting manahimik na lang para sa kaniya.

“Teka, ayon na ‘yong kaibigan mo oh!” Agad naman silang napatingin sa babaeng naglalakad na may hawak na libro.

“Oy, sis! Buti na lang ngayon ka lang dumating,” bungad na sabi ni Venuz sa kaniya paglapit. Sinagot lamang siya nang taas ng kilay nito na tila ba walang alam sa nangyari.

“May sumabog kanina, ito nga’t tinutulungan namin ang ibang sugatan.”

Agad namang napatingin siya sa babaeng umiinda ng kirot.

“Gano’n ba?” iyon lang ang naisagot nito, kaya nakakunot-noo na nakatingin lang sa kaniya si Kurt.

Nagtataka ito na tila ba hindi makapaniwala sa sagot niya, ngunit hinayaan na lamang ito at hindi na lang pinansin pero sa kabila ng pananahimik ay hindi naman napigilan na mag-react si Steve dito.

“Wow. Talaga ba manang? ‘yan lang reaksyon mo?” pagak na tawa pa nito. Hindi naman umubra ang sinabi nito dahil tinignan lang siya nito.

Nakaramdam ng kilabot si Steve ng magsalubong ang kanilang tingin, at lalo pa itong nadagdagan nang umangat ang sulok ng labi nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status