Share

The Substitute Bride - Chapter 7

The Substitute Bride - Chapter 7

"I-iyan ba ang parusa?" Iyon ang unang pumasok sa isip niya para sabihin.

Kumunot ang noo ni Jamiro. Tila nag-isip muna bago tumugon. "Hindi ka na makakaranas ng hirap dito, Zoe. Ibibigay ko sa 'yo ang lahat."

Naniniwala siya sa pahayag na iyon. Napakayaman ng lalaking ito. Ngunit--

Ngunit ano?

Sigurado bang magiging masaya siya? Hindi siya mahilig sa materyal na bagay. Pinalaki siya ng mga magulang sa paniniwalang ang pagmamahal lamang ang pinakamahalagang sangkap upang maging maligaya...

"M-mahal mo ba si Zilla?" Bigla na lang numulas sa bibig niya ang katanungang iyon.

"Hindi."

Napamaang si Zoe. "Bakit mo siya ginustong maging asawa?"

"Gusto ko na kasing magkaroon ng mga anak. At inakala kong siya ang babaeng--" Napahinto ang lalaki. Tila may naalala. "Pero hindi na siya mahalaga ngayon. Ikaw na ang babaeng gusto ko."

Napakurap si

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status