Share

The Substitute Bride - Chapter 8

The Substitute Bride - Chapter 8

Natutop ni Zoe ang tapat ng dibdib. Parang sasabog na kasi sa sobrang tensiyon. Wala siyang maisip para sabihin.

"A-ano'ng gagawin mo sa kanila?"

"Wala."

Hindi siya makapaniwala.

"H-hindi ka nagagalit sa kanila?"

"Bakit ako magagalit sa kanila? E, nandito ka naman?" Tila hindi nga nagagalit si Jamiro dahil masuyo pa ang ekspresyon nito habang nakatingin sa kanya.

Napamaang si Zoe. "P-pero si Zilla ang gusto mo, hindi ba? Magkaiba kami, Hindi ko puwedeng palitan ang puwesto niya."

"Maniwala ka, Zoe, puwedeng-puwede dahil--" Napahinto si Jamiro. Tumikhim ito bago nagpatuloy. "Huwag na nga natin silang pag-usapan. Ano na ang pakiramdam mo? May hangover ka ba? Hindi na kita ginising kagabi para maghapunan dahil mahimbing ang tulog mo."

Namula ang mga pisngi ni Zoe dahil naalala niya rin kung bakit napagod siya nang husto.

Paulit-ulit siya

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status