Share

Chapter Five: The Deal

Magkailang ulit na niyang pinindot ang doorbell pero wala pa ring bumubukas sa gate. Hindi siya sigurado kung nasa loob si Leandro ng mga sandaling iyon pero sinubukan niya pa rin na mag doorbell ulit.

Habang ginagawa iyon ay palinga-linga siya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagawa niyang pagmasdan ang paligid. Hindi niya iyon nagawa noong nagpunta siya doon dahil bukod sa hindi siya interesado sa lugar nito ay gabi din noon at madilim.

Right now, she has all the chance to roam her eyes around. Nasa pinakadulo ng lupain nito ang mansyon. Sa di kalayuan ay puro mga puno ng niyog ang kanyang nakikita, ang alam niya, koprasan ang pangunahing produkto doon. There are also fruit trees, iba't ibang klase na ang iba ay hindi niya mga kilala.

Muli niyang idinako ang mga mata sa dambuhalang gate na nasa harap. Ngayon niya lang napagtanto na napapalibutan din ng mataas na pader ang mansyon. The only thing that can look from the outside is the fruit trees na nasa bakuran nito na umapaw ang taas sa pader.

Hindi makikita sa labas ang kabuuan ng mansyon dahil bukod sa mataas na gate ay medyo malayo pa iyon doon. Naalala niya na naglakad pa sila bago sila nakarating sa pinaka sentro nito.

She try to push the doorbell again and as usual ay wala pa ring tugon. Wala ba itong mga kasambahay doon? Sa laki ng mansyon na iyon?

She laughed sarcastically, siya na rin mismo ang sumagot sa tanong niya,  sinong tao ang magtitiis at makikisama sa tulad nitong masama ang ugali?

You are soon!' bulong ng isang bahagi ng utak niya. Since you decide to marry him, then makakasama mo na siya buong buhay mo.. you're going to live with him till death do you part!'

She shiver at that thought.   biglang-bigla ay parang nanlamig siya.    Naroon ang urge na tumalikod at bumalik siya sa loob ng sasakyan at umalis sa lugar na iyon.

She closed her eyes tightly. Pilit iyon inaalis sa kanyang isip, nagbibigay lang iyon ng alinlangan sa kanya which at that moment are not a help for them.

Nakapagdesisyon na siya, and she will going to stick with that decision dahil wala rin naman siyang ibang choice.

She heave a deep sigh, she remember Leandro told her that he was a very busy person, kaya marahil wala nga talaga ito doon. But she can't just go back, she can't just give up now. Kung kinakailangan na maghintay siya doon ay gagawin niya.

She look at her wristwatch, pasado alas sinko na ng hapon, baka maya-maya ay pauwi na rin ito.

Hindi nga siya nagkamali ng sapantaha, mahigit trenta minutos ang lumipas ay nakita niyang dumating ang isang itim na pick-up. Huminto ito mismo doon sa harap ng gate.

Alam niya napansin na siya nito dahil bukod sa nakaparada niyang sasakyan sa gilid ay tumayo rin siya mula sa pagkakaupo sa malaking batong landscape na nasa gilid ng gate.

Mariin siyang napalunok ng makitang unti-unting bumukas ang salaming bintana ng sasakyan nito at tumambad sa kanya ang nakakunot-noo nitong mukha.

Napansin niya rin na hindi ito nag-iisa sa loob ng sasakyan. Sa driver's seat, naroroon ang isang medyo may edad ng lalake at kita niya rin na may bulto rin ng katawan na nakaupo sa likod.

Leandro open his side of the door at bumaba mula sa pick-up.

"Ipasok ninyo na po sa loob ang pick-up mang Nestor." baling nito sa matandang lalake na nasa loob.

"Sige Leandro," sagot naman nito na tinapunan pa siya ng makahulugang tingin bago tumalima.

Napapitlag pa siya ng kusang bumukas ang gate. Wala sa kamalayan na sinundan niya iyon ng tingin.

"What are you doing here miss Centeno?"

His usual cold voice made her turn her gazed.

Lihim siyang napalunok, trying so hard to gather her courage.

Pinilit niya ang sarili na tumingin sa mukha nito para lamang muling iiwas.

Ewan niya, pero hindi niya kayang tumingin ng diretso sa mukha nito, hindi dahil sa anyo nito kundi dahil nanindig ang balahibo niya sa nakita niyang nagyeyelong mga mata nito.

At the corner of her eyes she saw him gritted his teeth hardly at mas lalong dumilim ang mga mata.

He then laugh sarcastically.

"Ganoon ba ka nakakadiri ang pagmumukha ko para iiwas mo agad ang mga mata mo sa akin?" He hissed coldly. Walang kaemo-emosyon ang mga mata.

Pero bakit pakiramdam niya puno iyon ng pait?

"Umalis ka na!" matalim nitong dugtong at tinalikuran siya sa madilim na mukha.

Teka, inisip ba nito na nandiri siya sa itsura nito kaya niya iniwas ang kanyang tingin?

Nang makita niya itong papasok na sa loob ng gate ay dali-dali niya itong hinabol.

"W..wait!"

Inilang hakbang niya ang pagitan nila pero parang wala itong narinig. Tuloy-tuloy lang ito sa pagpasok sa loob.

Bigla tuloy siyang nataranta. She can't let this one chance to slip away!

"Leandro, sandali!"

Pero ganoon pa rin, he acted as if he heard nothing.

Mas lalo lang siyang nataranta ng makitang unti-unti ng nagsasara ang gate.

Sa nanlalaking mga mata ay tinakbuhan na niya ang kanilang pagitan at walang sabi-sabing pumasok din sa loob.

"Pumapayag na ako na magpakasal sayo!"  she said breathlessly.

Nakita niyang tumigil ito. Ilang sandali rin itong hindi nakahuma bago bumaling sa kanya.

She swallowed. "Tinatanggap ko na ang alok mo, magpapakasal na ako sayo kahit kailan mo gusto, iurong mo lang ang kaso mo laban sa kuya ko!" tuloy-tuloy niyang sabi. She need to do that para isang bagsakan na lang at hindi na siya magkakaroon ng pagkakataon na mag-alinlangan.

Pero isang nakakainsultong tawa lang ang isinagot ni Leandro sa kanya na iki-irita niya ng labis.

"What makes you think that I want to marry you?" taas kilay nitong tanong na binigyang diin pa ang huling salita.

She look at him in disbelief. "Hindi ba inalok mo sa akin iyan noong nakaraang gabi?"

"And you just turn your back from me, remember?" taas kilay pa rin nitong sabi. "Sorry darling, but I only make an offer once. And once I'm turn down, hindi na ako umuulit!"

"I didn't turn you down!" hindi niya na rin napigilan ang pagtaas ng kanyang boses. "What did you expect me to do after hearing your offer? Magtatalon sa tuwa and offer my gratitude because finally I can save my brother in the expense of my self? Iyon ba ang inaaasahan mo? Tatanggapin ko nalang ng basta-basta dahil kailangan? Hindi na ba ako pwedeng mag-isip?"

"Huwag mo na akong paikutin pa miss Centeno, alam ko na wala ka talagang balak na sumang-ayon o mag-isip ng talikuran mo ako nong nakaraang gabi. Nakita ko kung paano mo ako tingnan and all I saw in your eyes is disgust, ganoon rin kanina--"

"Hindi naman iyon dahil sa--"

"If you're going to take my offer, habang buhay mo na akong makakasama, you will going to sleep and wake up seeing this hideous face, kaya mo ba iyon?"

"I already made my decision,"

Nagtaas ito ng kilay. "Do you also know that by marrying me, it entails everything?"

Kmunot ang kanyang noo. Hindi iyon na sinc-in agad sa kanyang isip. Pero ng makita niya ang nakakalokong ngisi nito saka pa lang niya narealized kung ano ang ibig nitong sabihin.

"Why the shocked face huh? Iniisip mo ba na kapag nagpakasal ka na sa akin ay hanggang doon na lang?  We're not going to marry just on paper miss Centeno. Becoming my wife entails everything, especially.." he smile at her evily. "The bed part!"

Wala sa sariling napasinghap siya. Pumasok na iyon sa kanyang isip ng magdesisyon siya na tanggapin ang offer nito pero ngayon lang higit na nadepina.

She shiver as thought of him making love with her crossed her mind.

Napalunok siya.

Hindi niya yata iyon kayang sikmurain.

"See? Hindi mo kaya hindi ba?" He said unemotionally. "Umuwi ka na!"

Tumalikod itong muli. Naiwan siyang natitigilan.

Ini-angat niya ang kanyang mga mata at minasdan ang likod nito na unti-unti ng nalalayo sa kanyang paningin.

Mariin siyang napalunok. Nakarating na siya sa puntong ito kaya hindi na siya pwedeng umatras pa.

"Leandro.." mahinang tawag niya. Alam niyang narinig siya nito dahil tumigil ito sa paghakbang.

"Kaya ko!" sigaw niya. "It's part of my obligations as..as your wife kaya--"

"It's a lifetime commitment and obligations--"

"I know, at pumapayag ako!" Seryoso at walang gatol niyang sabi.

Muli itong lumingon, he look at her intently at sinalubong naman niya ang mga mata nito ng seryosong tingin, trying to make him see how serious she is.

"Pumapayag ako, pero sa kundisyong iurong mo na agad ang kaso laban kay kuya para makalaya na siya, and if it's possible, gusto ko sana bukas na bukas din ay makakalaya na siya."

Nanatili ang naninimbang nitong tingin sa kanya. Ilang sandali rin iyon bago niya nakita na tumango ito.

"Sige, pumapayag na rin ako!" sabi nito na ikina-hinga niya ng maluwag. It was as if a heavy rock lifted out of her shoulders.

"But on one condition too.." tiim na tiim ang mga mata nito. "Bukas na bukas ay magpapakasal din tayo!"

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rea Lyn Ecoling
Exciting sana ang story but it is locked. Hopefully that the story will be unlock. Thanks.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status