Share

Chapter 16 - Hidden Plan

"Sir, h-hindi naman po.... nakipag-usap po kasi ako kay Ms. Mildred sa loob kaya medyo natagalan ako–"

"Nagawa mong makipag chismisan kahit alam mong may trabaho kang dapat gawin, parte ba ng trabaho mo ang makipag daldalan? At pinaghintay mo pa ako." Putol ni Aeros.

"S-sir.... Hindi naman sa ganun–"

Tumayo si aeros at bahagyang lumapit kay Agnes. "I don't wanna hear your lame excuses. Kung hindi mo magawa nang maayos ang trabaho mo, bakit nandito ka pa? Huwag mo nang isiksik ang sarili mo dito at umalis ka na lang."

Huminga nang malalim si Agnes. Hindi niya mapigilang mainis sa huling sinabi ng guwapong amo. 'Ako, sinisiksik ang sarili ko dito? Puwede ba? Hoy walanghiya, kung alam mo lang kung gaano ko na ka-gustong umalis sa mansyon'g ito. Kung magagawa ko lang ang misyon ko nang mas maaga, aalis talaga ako dito!'

Upang makaiwas at para hindi na niya marinig pa ang mga nakakairitang sasabihin ng amo ay sinabi ng dalaga na magta trabaho na siya, kaya tinalikuran na niya si Aeros
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status