Share

CHAPTER 47

Nang nasa tapat na sila ng kubo ay nagdalawang isip si Irish kung aakyat siya. Naroon si Daniel at Janna. Nasaktan na siya kagabi nang tatlo silang magkakatabi sa kama. Ano pa kaya ngayong may hinala na si Janna sa kaniya? Sinabihan na rin siya ni Daniel na mahal siya nito at iba na yung sakit na mararamdaman niya na ang boyfriend ay may nilalambing ding iba.

"Sige na, kailangan mo nang magpahinga dahil maaga tayong luluwas bukas ng Tuguegarao."

"Puwedeng sa inyo na lang ako makikitulog Christian?" Nahihiya niyang paghingi ng favor.

Nakita ni Christian ang kalungkutan sa mata ni Irish. Naiintindihan niya ang nararamdaman nito. Ganoon din kasi yung sakit na nararamdaman niya sa tuwing naiisip niyang may katabi ang mahal niya habang siya ay nakatingin sa kisame at mag-isa.

"Tara na nga! Pero pagtiisan mo ang kuwarto at higaan ko ha?"

“Ngayon ka pa humingi ng dispensa eh, sanay na sanay na ako.”

“Sige, tara sa kuwarto ko.”

Maliit lang ang kama ni Christian. Yari lang din ito sa kawayan a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status