Share

Kabanata 4: Raya De Guzman

ALIRA

"ANONG ginagawa mo dito?" Bakas sa boses ko ang taranta at takot kaya kumunot ang noo niya at nagsalubong ang kilay niya. Ako naman ay napakagat labi dahil baka dumating bigla si Kuya at si Greyson, delikado na. 

"I'm buying this," pagtukoy niya sa laruan na hawak niya at itinaas pa ito para ipakita sa akin. Kaya napakamot naman ako sa pisngi ko at nagkunwaring tumawa. 

"Para kanino 'yan?" Pang-uusisa ko pero inaalerto ko ang sarili dahil baka bigla na lamang sumulpot ang dalawang 'yon sa harapan namin. Delikado na talaga. Nakita ko naman mas lalo pang nagtaka ang mukha niya pero sinagot pa rin naman niya. 

"Para sa inaanak ko, si Raxon." 

"Raxon?" 

"Anak ni Bella at Damon, birthday ngayon kaya pupunta ako." Dugtong niya pa kaya napatango na lamang ako.

"By the way, ikaw? Bakit ka nandito?" Pang-uusisa niya na kaya mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko sa naging tanong niya. Mas lalong lumalala ang panlalamig ko. 

"Nagpapalamig." Parang tanga kong sagot at tipid na ngumiti. Dahil sa sinabi kong 'yon ay napailing siya at ngumisi. Wala na rin kaming pakialam dalawa kung pinagtitinginan kami ng mga taong nakakakita sa amin ngayon. 

"Nabuburyo na kasi ako sa condo kaya nandito ako," dagdag ko pa at mukhang nakumbinsi ko naman siya. Akala ko ay magsasalita na siya pero nataranta ako nang umalis siya sa harapan ko at dere-deretsong pumasok toy store. Dahil sa kaba na nararamdaman ko ay bigla kong kinuha ang cellphone ko at saktong tumatawag si Kuya na sinagot ko naman.

"Nasaan kayo?" Taranta kong tanong at pumasok na sa loob ng toy store at mabilis na inililibot ang paningin ko. Nakita ko pang may kausap na sales lady si Laxon pero hindi ko muna inintindi ito. 

Hindi niya pa pwedeng makita si Greyson.

"Nasa taas na kami ni Grey. Don't worry baby, hindi niya makikita ang inaanak ko. Nang makita kong kausap mo siya ay mabilis na kaming umalis ni Greyson." Paliwanag ni Kuya at kulang na lamang ay maiyak ako sa pwesto ko. Gumaan ma rin ang nararamdaman ko. 

"Thank you… akala ko, akala ko ay makikita na niya," pabulong kong anas at napakagat labi na lamang. Tumalikod na ako dahil wala na rin naman sila dito. 

"Pumunta ka na dito, naghihintay na si Grey. Akala ay iniwan ka namin." Natatawang habol niya kaya napangiti na ako at pinatay na ang tawag pagkatapos kong sumagot. 

Hindi pa man ako nakakahakbang ay narinig kong muli ang boses ni Laxon at kitang-kita ko ang pagkataranta sa mga mata niya na ikinataka ko naman. 

"Why? Do you need something?" 

"Akala ko nawala ka ulit," aniya kaya saglit akong natahimik at natulala sa narinig. Ang kaninang magaan na pakiramdam ay muli na namang bumigat. 

"Kape tayo," anyaya niya at nakita ko ang maliit na pagsupil ng ngiti sa labi niya. Kahit gusto kong tanggapin ay naalala ko naman si Greyson na ngayon ay hinahanap na ako. 

"Maybe… some other time. May kailangan pa kasi akong asikasuhin." Nakangiting sagot ko at nakita ko naman ang pagdaan ng pagkadismaya sa mga mata niya pero mabilis rin naman itong nawala. 

"Sure, no problem. Take care," habilin pa niya kaya tumango na lamang ako at tuluyan ng tumalikod sa kaniya. Hindi pa man ako nakakalayo ay nagulat na lang ako ng may humawak sa kamay ko na para bang pinatigil ako sa paglalakad. Nang lingunin ko ito ay si Laxon pala. 

"Bakit? May nakalimutan ka bang sabihin?" 

Akala ko ay sasagutin niya agad ako pero kita ko na para bang nagdadalawang isip siya na sabihin ito. 

"Pupunta ka ba ulit sa bahay bukas?" 

"Oo naman, I'm painting your house Laxon. Sige na, aalis na ako. Ingat ka," mahinahon kong paalam at habilin sa kaniya kaya nakita ko na naman muli ang pag-ngiti niya. 

"Thank you, Alira. See you tomorrow, babe."

Hindi ko na narinig ang huling sinabi niya dahil dumaan ang kabataang maiingay sa likod namin. Kaya ngumiti lang ako at tuluyan na siyang tinalikuran. 

"Tuwang-tuwa si Greyson kanina Ma, eh." Paliwanag ni Kuya habanh inililigpit niya ang gamit niya dahil uuwi na rin siya sa amin. Habang ako ay napangiti naman sa narinig. 

"Thank you, Kuya," sincere kong saad kaya nilingon niya ako at niyakap. Napasimangot naman ako dahil hinalikan niya pa ako sa noo. Para tuloy akong bata sa ginagawa niya. 

"You're always welcome, Rain. Sabi ko sa'yo ay ako ang bahala," makahulugan niyang sabi kaya natawa na lang ako. 

"Mag-iingat ka sa pagda-drive, Helix. Tawagan mo kami kapag nakauwi ka na sa atin," paalala ni Mama habang hinahatid namin si Kuya sa tapat ng pinto kaya tumango na lamang siya at sabay kaming hinalikan ni Mama sa noo. 

"Opo Ma, i-lock niyo ng mabuti ang pinto. Alis na po ako," paalam ni Kuya kaya kumaway na ako at ng mawala na siya sa paningin ko ay isinara ko na ang pinto at napahawak na lang ako sa dibdib ko dahil nasa harapan ko pa rin si Mama. 

"Sinabi sa akin ng Kuya mo na kay Laxon ka raw nagta-trabaho ngayon." Pahayag niya kaya tumango muna ako at umupo sa sofa. 

"Opo Ma," tipid kong sagot. 

"Alam na ba niya?" Dagdag pa niya kaya umiling ako. 

"Hindi pa, Ma. Hindi ko pa kaya eh. Lalo na kapag sa oras na nalaman niya ay paniguradong walang hirap niyang makukuha si Greyson sa akin dahil Gobernador siya ng lugar natin." Paliwanag ko at ramdam ko ang pangamba sa boses ko. 

Naramdaman ko naman na tinapik ni Mama ang balikat ko at nagsalita. "Hindi malabong gawin 'yon ni Laxon, anak. Pero sana dumating ang araw na masabi mo sa kanya dahil alam kong naghahanap rin ng kalinga ng isang Ama si Greyson." Aniya at iniwan na ako na malalim ang isip. Kaya napatulala ako at napailing.

Paano ko masasabi kay Laxon kung may sarili na itong asawa? 

KINABUKASAN ay medyo tinanghali ako ng dahil naglambing pa si Greyson. Dahil isang Ina ay pinagbigyan ko ang anak ko at tinext ko na lamang si Laxon na malalate ako na pumayag naman siya. 

Nang makapasok na ako sa village ay nakita kong bukas na ang gate ng bahay niya na para bang kanina niya pa ako hinihintay o baka para hindi na ako mahirapan pang bumaba. 

Huwag kang assumera, Alira. Kaya nasasaktan eh. 

Pagbaba ko ay nakita ko si Laxon na nakaabang na sa harap ng pintuan niya at ng makita niyang bumaba na ako ay sinalubong niya ako.

"Good afternoon," pagbati niya na ibinalik ko naman. 

"Good afternoon din." 

"Kumain ka na?" Pagtatanong niyang muli habang papasok ng bahay pero napatigil kaming dalawa ng may bumusina sa likod namin at paglingon ko ay may bumaba na isang tao dito.

Hindi ko pa man nakikita ang mukha niya ay grabe na ang pagakalabog ng puso ko pero mas dumoble ito ng nasa harapan na namin siya at ng makita ko ang mukha niya. 

"Omygosh! It's been a year, Alira. I didn't know that you had already come back. By the way, it was nice seeing you again." 

Si Raya De Guzman, ang babaeng hinding-hindi ko makakalimutan sa limang taon na nakalipas na ngayon ay deretsong nakatitig sa mga mata ko at may kakaibang ngiti na ipinapakita sa akin. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status