Share

Kabanata 5: Ang Nakaraan

Author's Note: Hi! Nakaraan na ito ni Laxon at Alira, nasa exciting part na tayo. Pero may mas exciting pa, abangan! Enjoy reading!

ALIRA

"AS you can see, this painting represents the grief of a woman who lost her passion and dreams that she had been chasing for so long." Paliwanag ko habang ipinapakita sa mga judges ang natapos ko na gawa.

I looked at it again and was mesmerized by the outcome. I never thought that this painting would be made by me. Tiningnan ko ang bawat linya na ginawa ko, ang nakalagay dito ay isang babae na sumisigaw at maraming mga ibon ang lumalabas sa bibig niya na para bang ito ang mga sakripisyo, oras at mga bagay na ginugol niya makuha lang ang gusto niya.

"The birds represent the freedom, hard work, sacrifices of the woman while chasing her dreams and passion but in the end, it didn't work as she had imagined. That's why she's screaming," dagdag ko pang muli kaya napangiti at napatango naman ang mga judges na nasa harapan ko. 

"That's my girlfriend!" Sigaw ng kung sino mula sa dagat na tao kaya inilibot ko ang paningin ko at nakita kong si Laxon na ngayon ay nakangiti sa akin kaya nginitian ko rin siya. Natawa na lang ako ng mag-flying kiss siya sa akin.

I can sense the proudness in his voice.

"Wow, you have a supportive boyfriend Ms Mendoza." Biro ng isang judges kaya natawa ang lahat miski ako. Nang tumingin muli ako kay Laxon ay naka-heart shape na ang mga kamay niya kaya napailing na lamang ako.

"Baliw," I mouthed at him pero ngumuso lang siya at sinagot ako pabalik.

"Baliw na baliw sa'yo," pagsagot niya pa kaya naramdaman kong parang namumula ang pisngi ko at nag-focus na sa mga judges dahil nagsalita ito.

"Your work impresses us, Ms Mendoza. You have a unique way to show some side of grief. You really have a potential, thank you for sharing your work with us. Wait for the announcement of the winners until next week," aniya kaya tumango naman ako at nagpasalamat na.

Nang magtungo ako sa backstage ay nagulat na lang ako ng naghihintay sa akin si Laxon na ngayon ay nakabukas na ang dalawang braso na para bang naghihintay sa yakap ko.

Kaya natawa naman ako at tinakbo ang distansya naming dalawa. Nang yakapin ko siya ay amoy na amoy ko na agad ang pabango niya kaya mas lalo ko pang siniksik ang sarili ko sa kanya.

"I'm so proud of you," sincere niyang saad kaya napangiti naman ako at kinilig. Grabe kapag si Laxon na ang nag-compliment sa akin.

"Thank you. How's work, Mayor?" Pagbibiro ko pa kaya ngumisi naman siya at nagulat na lang ako ng magnakaw siya ng halik sa labi kaya hinampas ko siya sa balikat at kinuha ang bulaklak na hawak niya.

"It's good but it become more good when I see you." Banat niya pa at sinabayan niya pa ito ng pagkindat kaya pinisil ko siya sa pisngi at hinalikan sa labi.

"Thank you sa pagpunta kahit marami kang ginagawa," saad ko kaya hinawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop kaming dalawa. Akmang aalis na sana kami pero pinigilan ko siya dahil may nakalimutan ako.

"Wait, aayusin ko lang yung mga gamit." Akmang bibitawan ko na ang kamay niya pero umiling lang siya at nagsalita.

"Let Ria organize them, babe. Let's go for a walk first here in University where it all started," he said calmly kaya nang tumingin ako kay Ria na secretary ni Laxon ay masama na ang tingin sa akin pero mabilis rin itong nabago ng tumingin ito kay Laxon.

"Yes, Mayor. Ako na po ang bahala," nakangiting saad niya pero alam kong pilit iyon kaya huminga na lang ako ng malalim at nagpatangay na kay Laxon na ngayon ay ramdam ko ang excitement sa kilos niya.

Habang naglalakad kami dito sa loob ng campus ay muli ko na namang naalala ang secretary ni Laxon, si Ria. Alam kong may gusto ito sa boyfriend ko dahil ramdam ko at babae ako. Hindi ko alam kung nahahalata ba ito ni Laxon o pinagsasawalang bahala niya dahil marami pa siyang ginagawa at wala na siyang oras para intindihin pa ito.

"You're spacing out, baby. What's our problem?" Nagaalalang tanong niya kaya nabalik na lang ako sa huwisyo at napakamot sa ilong. Kilala na Laxon, alam niyang may bumabagabag sa isip ko.

"About Ria? Do you know that she have feelings for you?" Paninigurado ko kaya tumigil kami sa gitna ng daan at mabuti na lamang ay walang dumadaan kaya malaya naming sakop ang lugar na kinatatayuan namin ni Laxon.

"I know but I didn't entertained or reciprocate her feelings to me, babe. I have a girlfriend and I'm loyal to you. Why? Naiilang ka ba sa kanya?" Pagtatanong niya kaya saglit akong natulala at umiling.

Ayokong pati trabaho ng isang tao ay madamay lang ng dahil sa nararamdaman niya. Nakikita ko naman na dedicated si Ria sa trabaho niya, huwag niya lang aahasin ang boyfriend ko.

"No, I can see that Ria is dedicated to her job as your secretary. No need to take away her job to her, Laxon. Okay?" Paninigurado ko kaya ngumiti naman siya at muli kaming naglakad sa loob ng University.

"Do you remember what happened to this place?" Tanong niya habang hawak ang kamay ko kaya automatic na napangiti ako dahil naalala ko ang nangyari dito.

"Dito tayo unang nagkakilala. I was painting this beautiful scenery and you came out in front of my face and saying, 'wow, ang ganda ng painting mo. Binebenta mo ba 'yan?" Pangagaya ko sa boses niya kaya natawa siya at niyakap ako na akala mo ay nanggigil sa akin.

"Hindi mo talaga nakalimutan no? Sabagay nong nakita kita nagkagusto na ako sa'yo at saka mahilig kasi ako sa painting kaya ayun agad ang tinanong ko sa'yo," paliwanag niya kaya napailing na lamang ako.

"Kaya pala kahit ilang beses kitang ni-reject ay purisgido ka pa rin sa akin ha," pang-aasar ko at kinurot pa siya sa tagiliran.

"Of course, I want to be your first and last Alira."

"Paano kung hindi pala tayo sa dulo?" Pagbibiro ko pa pero imbis sumimangot siya ay nginisian niya lamang ako.

"I promise that to myself, Alira. That I will be the one you will marry and you are the one that I want to spend my life with." Saad niya at nagulat na lang ako ng lumuhod siya sa harap ko at may inilabas na isang red velvet box dahilan para kumabog ang puso ko sa halo-halonh emosyon na nararamdaman ko ngayon. 

"Alira Rain Mendoza, the woman who caught my attention five years ago. The woman that I can see my future with, the woman that I will protect, the woman that I will marry someday." Habang sinasabi sa akin ni Laxon 'yon ay kitang-kita ko ang saya at luha na nagmumula mula sa mga mata niya habang ako naman ay napaiyak na lamang.

"Happy five years anniversary, babe and… will you marry me?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status