Share

Kabanata 9: Meet Me

ALIRA

NARAMDAMAN ko na lamang na may humila sa akin at mahigpit akong niyakap. Hanggang ngayon ay nakatulala lang ako kaya hindi ko pa rin maramdaman ang nasa paligid ko.

Unti-unti akong nabalik sa huwisyo ng mahina akong tapikin ni Kuya sa pisngi at kitang-kita ko ang matinding pag-aalala sa mukha niya, hindi ako makapagsalita dahil sa nasaksihan ko ngayon-ngayon lamang.

Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito, ang mga tuhod ko ay nanghihina at mabuti na lamang ay hawak-hawak ako ni Kuya kaya hindi ako nakasalampak sa sahig. Wala ako sa huwisyong napahawak sa tiyan ko dahil akala ko ay katapusan na namin ng anak namin ni Laxon.

Hindi ko pa naman nasasabi sa kaniya ay mawawala naman agad ito sa amin dahil sa ginawa ni Raya. Ganoon na ba siya kadesperada na mawala kami sa landas niya makuha lang si Laxon.

"Alira, nasaktan ka ba? Magsalita ka naman oh. Nadaplisan ka ba? Alira!" Ayun na lamang ang huling narinig ko dahil nilamon na ako ng kadiliman.

"Ma, h
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status