Share

Kabanata 6: Fiance

ALIRA

"SHE said yes!" Masayang anunsyo ni Laxon sa harap ng pamilya namin habang nasa loob kami opisina niya ngayon sa munisipyo.

Noong una ay sinabi ko munang huwag at gulatin na lang sila pero itong isa ay inutusan na pala na tawagan ang mga magulang dahil sa excitement na nadarama. Hinayaan ko na lamang kaysa makipag-debate pa dito, sa huli ay hindi ako mananalo dito.

Nang sabihin 'yon ni Laxon ay nakatitig lang sila sa amin na animo'y nagtataka sa sinasabi nitong isa. Kaya huminga na lamang ako ng malalim at itinaas ang isang kamay ko kung saan nakalagay ang engagement ring na isinusuot sa akin ni Laxon.

"We're engaged now," bakas sa boses ko ang magkahalong kaba at excitement nang sabihin ko 'yon sa kanila at nagulat na lang ako ng sumigaw sila at nagyakapan pa.

"Sabi ko sa'yo, Pare. Magpo-propose ang anak kong si Laxon kay Rain. Tingnan mo, ayan na oh," saad ng Papa ni Laxon kaya napangiti na lang ako at napahawak sa kamay ni Laxon na ngayon ay nakangiti na rin sa akin.

"I love you, Alira," he said sincerely kaya yumakap na lang ako sa tagiliran niya at lunapit naman sa amin sila Mama.

"I'm happy dahil magiging isang pamilya na tayo! Akala ko ay hindi mo na aayain magpakasal si Alira, anak. Botong-boto pa naman ako sa kanya." Saad ni Tita kaya natawa naman ako at napayakap sa kanila.

Naalala ko pa dati noong una akong dinala ni Laxon sa bahay nila, ang sabi niya ay ipapakilala na raw niya ako sa magulang niya dahil nakahalata at nagtatanong na ang mga ito tungkol sa akin.

Tandang-tanda ko pa kung paano ako panlamigan ng katawan dahil sa kaba at takot na baka hindi nila ako magustuhan pero lahat ng 'yon ay nawala dahil ibang pagsalubong ang ginawa sa akin.

Hindi tahimik na lamesa, masusungit na mukha at malalamig na mga mata ang bumungad sa akin noong mga oras na 'yon. Kundi isang matamis na ngiti at mahigpit na yakap ang ginawad nila sa akin lalo na ang Mama ni Laxon.

Tandang-tanda ko pa rin kung paano niya ako yakapin ng mahigpit at grabe ang pasasalamat dahil binago ko raw ang anak nila. Ngayon ay mas lalo ko pang naramdaman ang pagmamahal nila ng sabihin namin ang engagement na naganap.

"I'm happy because you're the woman that my son wants for the rest of his life. Noong una ay natatakot ako na baka sukuan mo ang anak ko pero ibang-iba ang pagmamahal niyong dalawa. Can't wait to call you as my daughter, Alira." Emosyonal na saad ni Tita kaya niyakap ko rin siya pabalik at tinapik sa balikat.

"Thank you po, Tita. Thank you for trusting and loving me na para bang sarili mo na akong anak." Nang bumitaw ako sa yakap niya ay kay Mama naman ako napatingin at niyakap siya. Narinig naman namin ang pinag-uusapan ni Laxon at Papa.

"Laxon, iho. Alam kong ilang beses ka ng nagpaalam sa akin na magpo-propose ka na sa anak ko pero lagi kitang pinipigilan dahil natatakot ako na baka mamaya ay masaktan mo lang siya, kaya pasensya na," rinig kong saad ni Papa kaya mahina naman kaming natawa.

"Talagang pinakita mo sa akin na si Alira talaga ang gusto mong makasama hanggang sa pagtanda. Kitang-kita ko kung paano mo siya alagaan, protektahan at mahalin. At kung dumating man ang araw na sasaktan mo ang anak ko, ibalik mo na lang siya sa amin."

Nang marinig ko ang huling sinabi ni Papa ay tuluyan na akong umiyak at niyakap siya. Engagement pa lang ang inaannounce namin pero parang kasal na ang speech ni Papa.

"Mas gugustuhin ko pang ako ang saktan ni Alira kaysa ako ang manakit sa kaniya. Mahal na mahal ko po ang anak niyo at patuloy ko pa po siyang mamahalin."

JUST IN: Governor Laxon Montemayor is now engaged to her long time girlfriend.

Governor ng Laguna walang iba kundi si Governor Laxon Montemayor ay engaged na sa 5 years niyang girlfriend at sikat na painter na si Alira Rain Mendoza.

Ayon sa I*******m post ng Governor ay kahapon lamang nangyari ang magandang bagay na ginawa niya sa buong buhay niya. Masaya siya dahil saktong fifth years anniversary siya nakapag-propose sa long time girlfriend niya at sa mismong University pa nila ito mismong nangyari.

"I'm so grateful and content because she's the one that I want to spend my life with. Finally, this is the most beautiful answer that I heard in my whole life, her yes."

Ito ang caption sa naturang I*******m post ng Governor. Marami man ang nabigla ay grabeng suporta ang ibinuhos nila sa Governor ng Laguna.

Good luck to your new journey, lovely couple!

Ito agad ang bumungad sa akin pag-uwi ng bahay. Sumabay na ako kila Mama dahil dito muna ako magpapalipas ng gabi. Habang si Laxon naman ay dumiretso sa bar kasama sila Damon para mag-celebrate.

Malaki naman ang tiwala ko sa kanila dahil nakilala ko na rin sila at masasabi kong mapagkakatiwalaan sila.

Habang paakyat naman ako sa kwarto ay ngayon ko lang napansin na parang wala si Kuya. Nasaan kaya 'yon? Hindi ba siya umuwi dito? Hindi ko tuloy masabi na engaged na kami ni Laxon paniguradong tuwang-tuwa 'yon.

"Ma, kailan uuwi si Kuya?" Tanong ko kaya napalingon naman siya sa akin bago pumasok sa kwarto nila.

"Bukas na raw, Alira. Nalaman na rin ng Kuya mo ang tungkol sa engagement niyo ni Laxon kaya excited umuwi." Aniya kaya napatango na lamang ako at nagpaalam na.

Pagpasok ko ay kumuha ako ng damit sa closet para maglinis na rin ng katawan. Pero nagbago ang isip ko dahil pagpasok ko sa banyo ay nag-hot bath na lang ako. Halos isang oras din ang tinagal ko dahil nilinis ko na rin ang banyo ko.

Habang nagbo-blower ng buhok ay siya namang pagtunog ng cellphone ko indikasyon na may tumatawag. Nang makita ko ang caller ay mabilis ko itong sinagot dahil si Laxon.

"Hey, bakit ka napatawag?"

"Hello Alira, si Damon 'to. Pwede bang sunduin mo dito ang fiance mo, ayaw magpahawak sa secretary niya. Gusto niyang ikaw ang humawak sa kanya," aniya kaya kumunot naman ang noo ko at sumagot na lamang.

Pagkapatay ng tawag ay mabilis na lang akong kumuha ng jacket at pati na rin susi ng sasakyan ko. Hindi na ako nagpaalam kila Mama dahil tulog na ang mga ito.

Habang binabaybay ko ang daan patungo sa bar ay napapaisip ako kung bakit nandoon ang secretary ni Laxon. Sinundan ba nito at humanap ng pagkakataon na malapitan ang fiance ko? Kahit naiinis ay pinakalma ko ang sarili ko dahil ayoko ng gulo.

Pagpasok sa bar ay kakaunti na lamang ang tao, nagtungo ako sa isang VIP room at nakita ko doon sila Damon na pinipigilan si Ria sa paglapit kay Laxon na ngayon ay hawak-hawak na ang noo. Siguro ay may tama na ang isang 'to kaya napatawag na sa akin Damon.

"Just go home, Ria. Stop flirting with me, I have a fiance now and I will remain loyal to her. Umalis ka hangga't nakakapagtimpi pa ako sa'yo, ayokong makapanakit ng babae," rinig kong pagbabanta ni Laxon kaya mabilis na akong kumilos at nilapitan sila.

"Hey, calm down," pagpapakalma ko ng makalapit na sa kanya kaya mabilis siyang lumingon sa akin at yumakap na ikinabigla ko. Para bang walang nakatingin sa aming dalawa.

"Babe, bakit mag-isa kang pumunta dito? Sinong tumawag sa'yo?" Pagtatanong niya at inalalayan ko naman siyang tumayo dahil pasuray-suray na siya.

"Si Damon and it's okay. Uwi na tayo, medyo lasing ka," aya ko kaya tumango siya at inakbayan pa ako. Bago pa kami tuluyang makalayo ni Laxon doon ay narinig ko ang pagbabanta ni Ria dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.

"Bantayan mo 'yang si Laxon, Alira. Kung ang boyfriend nga ay naaagaw, 'yang fiance mo pa kaya."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status