NAPASARAP ang tulog ni Kira. Nang magising siya’y madilim na. Bumalikwas siya ngunit natigilan nang biglang bumukas ang ilaw. Napako ang kaniyang paningin kay Dimitri na kapapasok.“Bangon na, uuwi na tayo,” sabi nito.Bumangon naman siya at kinuha ang kaniyang bag. Kung kailan lulan na sila ng kotse ay saka niya ininda ang paghihimutok ng kaniyang pantog. Hindi na siya mapakali sa kaniyang upuan katabi ni Dimitri.“What’s wrong?” tanong nito.“Kasi naiihi na ako!” balisang tugon niya.Napahilot sa sintido nito si Dimitri. “Bakit hindi ka muna umihi kanina bago umalis?”“Eh, nagmamadali ka.”“We’re trapped in the middle of the traffic. Wala kang maiihian dito.”“Baka puwedeng bababa muna ako.”“Kira, nasa gitna tayo ng highway at walang malapit na banyo. Hindi tayo puwedeng ma-stuck dito.”“Ihing-ihi na ako, eh! Sige, dito na lang!” Uupo na sana siya sa sahig pero pinigil siya ni Dimitri.Tumawag ito sa isang bodyguard at inutusan ang driver na maghanap ng palikuran. Umalis sila sa ka
“WHAT?” matigas ang tinig na untag ni Dimitri.Hindi nakahuma si Kira nang lapitan siya ni Dimitri at kinuha nito ang tablet. Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi dahil sa hiya.“Nanonood ka nito?” anito.“Ano, minsan lang naman.” Matabang siyang ngumiti.Awtomatikong umalab ang kaniyang mukha nang ibaba ni Dimitri ang tingin sa ibabang katawan niya. Tiniklop na niya ang kaniyang mga hita pero makikita pa rin nito ang kaniya dahil hubad.“Come here,” tawag nito. Lumuklok ito sa gawing paanan ng kama.Umisod naman siya palapit dito pero hindi niya ibinaba ang kaniyang mga paa. Sumadsad ang balikat niya sa braso ni Dimitri kaya lalong nagatungan ang init sa kaniyang katawan. Tanging itim na brief lang ang suot nito at tila nararahuyo siya sa presensiya nito.Kumislot siya ang hawakan ni Dimitri ang kaliwang hita niya at bahagyang inilayo sa isa. Tinitigan din nito ang tirik niyang dibdib na naninigas pa rin ang tuktok.“Nag-arouse ka na kapapanood ng scandal. Silly girl,” anas nito.
TANGHALI na umalis ng bahay si Dimitri at saka lamang nakalabas si Kira upang puntahan si Manang Sonia. Doon siya nananghalian sa villa. After lunch pa naman darating ang tutor niya kaya may oras pa siyang maglaro ng card. Paborito nilang laruin iyon ni Sonia. “Uwi ka na, Kira. Baka dumating na si Teacher Ally,” sabi ni Manang Sonia. Ayaw na siya nitong palaruin ng card. “Isang game pa, Manang,” hirit niya. “Tama na. Tayo na riyan at ihatid kita sa bahay n’yo.” Padabog naman siyang tumayo at sumunod na lamang sa ginang. Pero bago umalis ay namitas pa siya ng hinog na bunga ng bayabas. Hinatid lang siya ni Sonia sa may gate ng bahay ni Dimitri. Tamang-tama lang ang uwi niya at dumating si Teacher Ally na hinatid ng guwardiya. “Dalawang oras lang ang tutorial natin ngayon, Kira, and please stop playing,” sabi ng guro. “Wait lang po, Teacher. Anuhin ko lang itong bayabas para may meryenda tayo,” aniya. Tumakbo siya papasok ng bahay bitbit ang supot ng bayabas. Maniba lang ang iban
NAGHINTAY sa kusina si Dimitri at inasahang bababa si Kira. Pero alas onse na ng gabi, hindi na lumabas ng kuwarto nito si Kira. Nasanay siya na bago matulog na humihingi ito ng wine sa kaniya. In-off na lamang niya ang mga ilaw sa kusina at lobby saka pumanhik sa second floor. Pumasok siya sa kuwarto ni Kira upang matiyak na kumain ito. Bumungad sa kaniya ang nagkalat na binilog na papel sa sahig. Ubos na ang pagkain ni Kira. Namataan niya itong nakapo sa silya habang nakalapat ang ulo sa lamesa. May hawak pa itong lapis. She must be tired. Nang lapitan niya ito ay nagsalpukan ang makakapal niyang kilay. Natitigan niya ang drawing ni Kira sa sketch book nito. Iginuhit lang naman nito ang imahe niya na hubad at ang ari niya’y umabot sa paa. This woman was insane! He clenches his jaws but has nothing to do but erase his ugly image. Binuhat muna niya si Kira at inilipatt sa kama. Naisip niya baka marami pa itong drawing na imahe niya. Nang mabuklat niya isa-isa ang pahina ng sketch b
ABOT langit ang tuwa ni Kira nang magustuhan ni Craig ang niluto niyang ulam. Hindi naman nagreklamo si Dimitri kaya alam niya na nasarapan ito sa luto niya.“Panalo ka, Dimitri, masarap magluto ang asawa mo!” sabi ni Craig.“Gumamit ‘yan ng kodego,” ani Dimitri.Hindi natuloy ang pagsubo ni Kira ng pagkain. Alam niya ang sinabi ni Dimitri kaya uminit ang bunbunan niya. Walang anu-ano’y hinila niya ang plato ni Dimitri kaya natigilan ito.“What are you doing?” may iritasyong tanong nito sa kaniya.“Sabi mo gumamit ako ng kodego sa pagluto, eh ‘di ‘wag ka kumain! Magluto ka ng ulam na walang kodego!” aniya.Tumawa na naman si Craig. “You’re so cute, Kira. Kailangan ka talaga ni Dimitri para hindi siya palaging walang kibo at mainitin ang ulo,” sabi nito.“Sorry, hindi na kita lalaitin,” bawi naman ni Dimitri.“Subukan mo lang akong laitin, magpapahalik ako sa ibang lalaki!”Sumama ang tingin sa kaniya ni Dimitri. “Iyan ang huwag mong gagawin, Kira. Alam mo ang ayaw ko.”Umismid siya. “
HINDI maka-get over si Kira nang malamang pumasa siya sa exam. Mag-aaral na rin siya sa college! Matagal na niya iyong gusto dahil sa kuwento ni Teacher Roy na maganda mag-aral ng college pero asahan daw umano ang hirap. Dahil isang linggo na lang bago ang pasukan, araw-araw na ang tutorial niya at once a month na lang umano ang session niya kay Dr. Jean. Sabado ng umaga ay maaga siyang naligo dahil mamimili siya ng gamit sa school. Pagdating niya sa kusina ay naroon si Dimitri at naghahanda ng sandwich. “Aalis ka ba?’ tanong niya rito. “No,” tipid nitong tugon. “Samahan mo ako punta ng mall,” nakangiting sabi niya. “Si Manang Sonia lang ang makakasama mo.” Napalis ang kaniyang ngiti. “Bakit ayaw mo akong samahan? Wala ka namang trabaho, eh.” “I have a lot of works to do.” “Hm! Bigyan mo na lang ako ng maraming pera!” hirit niya. Binato siya ni Dimitri ng matalas na tingin. “Binigyan na kita ng twenty thousand. Matuto kang mag-budget ng pera, Kira. Stop buying nonsense stuff.
MAGHAPON ang klase kaya hindi na umuwi si Kira. Natutuwa siya dahil libre ang pagkain sa school, at napakagara ng kainan, purong salamin ang palibot at matatanaw ang malawak na hardin. Kasama niya si Shaira sa mesa at si Manang Sonia. “Ano ba ang nangyari kanina, Kira?” usisa ng ginang. “Iyong si Ferry kasi ang pangit ng ugali,” sabi niya. “Huwag mong pansinin ang ganoong tao. Baka hindi siya mahal ng nanay niya.” Natawa siya. “May nanay po siya?” “Siguro. Basta, hayaan mo lang siyang magtaray. Basta kayo, pag-aaral lang ang atupagin.” “Pero kung kukurutin niya ako, kukurutin ko rin siya, aba!” “Hay! Batang ‘to talaga. Mapapaaway ka niyan, eh.” Mamaya ay si Shaira naman ang kinausap ni Manang Sonia. Nag-focus na lamang siya sa pagsubo ng pagkain. Alam niya naroon lang sa paligid si Ferry dahil halos lahat naman ng estudyante ay naroon. Sadyang malawak ang kuwarto kaya hindi makita ang iba. Sobrang lamig din doon at mabango, malinis. Habang kumakain ay may pamilyar na lalaki s
HINDI iniintindi ni Kira ang mga sinasabi ni Ferry. Nakaupo silang dalawa sa silya na magkatapat sa may harapan ng lamesa ng lalaking pamilyar. Sinasagot lang niya ang tanong ng lalaki. “Okay, this is the first offense, pero palalagpasin ko. I won’t tolerate bullying here, and you’re not an exception, Ms. Ferry,” sabi ng lalaki. “Sir, si Kira ang unang nanakit sa akin. Look at my nose,” depensa ni Ferry. Pinakita pa nito ang namulang ilong. “Baka nakalimutan mo na bawat sulok ng paaralan ay merong security cameras, voice recorder, kaya hindi ka puwedeng magsinungaling, Ferry. But then, I will talk to Kira for some clarification,” anang lalaki. Tumayo naman si Ferry at padabog na umalis. “What about Kira?” tanong naman ng guro nila sa lalaking nakaupo. “She will stay here for a minute. I need to check her credentials first.” “Okay. Babalik na ako sa classroom. Ipahatid n’yo na lang si Kira pagkatapos.” Umalis na rin ang guro. Nabaling ang tingin ni Kira sa folder na binuklat ng