Share

Chapter 14

NAPASARAP ang tulog ni Kira. Nang magising siya’y madilim na. Bumalikwas siya ngunit natigilan nang biglang bumukas ang ilaw. Napako ang kaniyang paningin kay Dimitri na kapapasok.

“Bangon na, uuwi na tayo,” sabi nito.

Bumangon naman siya at kinuha ang kaniyang bag. Kung kailan lulan na sila ng kotse ay saka niya ininda ang paghihimutok ng kaniyang pantog. Hindi na siya mapakali sa kaniyang upuan katabi ni Dimitri.

“What’s wrong?” tanong nito.

“Kasi naiihi na ako!” balisang tugon niya.

Napahilot sa sintido nito si Dimitri. “Bakit hindi ka muna umihi kanina bago umalis?”

“Eh, nagmamadali ka.”

“We’re trapped in the middle of the traffic. Wala kang maiihian dito.”

“Baka puwedeng bababa muna ako.”

“Kira, nasa gitna tayo ng highway at walang malapit na banyo. Hindi tayo puwedeng ma-stuck dito.”

“Ihing-ihi na ako, eh! Sige, dito na lang!” Uupo na sana siya sa sahig pero pinigil siya ni Dimitri.

Tumawag ito sa isang bodyguard at inutusan ang driver na maghanap ng palikuran. Umalis sila sa ka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
josephine 💚
hahaha makati
goodnovel comment avatar
Rosemary
ahaha makati raw
goodnovel comment avatar
Princess Tobias
hahaha pasaway k tlaga kira
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status