Share

TMST 31 - Withdraw

"Kilala niyo po ba ang lalaking 'yon, Miss Lucky?" curious na tanong ni Maya nang makabalik na sila ng kanyang silid.

Hindi pa tapos ang salo-salo sa ibaba, pero pinili ni Lucky na magpaalam na sa mga kasama upang maagang makapag pahinga. Na-sense rin niya ang pagbigat ng atmospera dahil sa lalaking bagong dating. Sino kaya ang lalaking iyon? Hawig talaga ni Genesis ang binatang tinawag nilang Apo.

"Hindi, Maya," maikling sagot ni Lucky.

"Grabe! Miss Lucky, hawig niya talaga si Sir Genesis, ano? Tingin niyo kakambal 'yon ni Sir?"

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Lucky, pagkatapos ay umiling. "Hindi ko alam..."

"Wala bang nabanggit sa inyo si Sir? Baka may kapatid siya o 'di kaya'y kakambal? Imposible namang pinsan niya iyon, ang laki talaga ng pagkakahawig nila." Hindi talaga makapaniwala si Maya, hindi 100% na magkamukha ang dalawang lalaki, may mga features lang ni Genesis na makikita kay Apo, pero sa isang tingin aakalain mong kakambal ni Genesis ang lalaki.

"Ang alam
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status