"Apocalipsis! What is going on? Bakit galit na galit ang kuya mo sayo? Ano na naman ba ang ginawa mo?" kastigo ni Beth sa bunsong anak. Sinusundan ng ginang si Apo na naunang naglalakad patungo sa silid nito, sapo ng binata ang panga; na siyang pinaka napuruhan ni Genesis. "What? I didn't do anything? I just helped Lucky remember who her r*pist was. Is it now wrong to help people?" asik naman ni Apocalipsis sa ina. Sa banyo agad nagtungo ang lalaki nang makapasok ito ng silid. Naghilamos ito ng mukha nabalot sa sarili nitong dugo, tinanggal ang suot na contact lense sabay mura dahil kumirot ang nasagi nitong sugat sa gilid ng mata. "I wish your son would go to hell, and I hope Lucky will abandon him!" dagdag pa ni Apo na ikinabahala ng ina. "What are you saying? Lucky will never leave your brother, she loves him!" "Well, not after she remembered how evil your son was. I'm not going to let him have his happy ending, Beth. Ruining your son is the best retaliation for Malachi." Hi
Nagising si Lucky na iniinda ang masakit na ulo. Ngunit sa kabila ng nararamdaman pilit siyang bumangon at lumabas ng silid para lang batiin ni Psalm. "Ma'am, gising na pala kayo! Gusto niyo bang mag-agahan muna? Ipapatawag ko si Maya, busy kasi ang lahat para kasal-" "Please take me to my room, Psalm." "Oh-okay, Ma'am." Ang ibig sabihin ni Lucky ay samahan siya ni Psalm papunta sa sarili niyang silid, kaya nang buhatin siya bigla ng lalaki nanigas ang katawan niya sa biglang pagdikit ng mga balat nila ni Psalm. "May problema ba, Ma'am?" nababahala na tanong ni Psalm. Napansin ng lalaki ang paninigas ng katawan ng amo. Para itong naging bato sa mga bisig niya. "W-wala... J-just take me to my room... Please..." "Yes, ma'am! Dadalhin ko po kayo kaya huwag na kayong umiyak." Doon lang napansin ni Lucky na nawalan na pala siya ng control sa mga luha niya. Bumuhos na lang ang mga ito ng walang paalam. Dahil sa emotional na kondisyon ng amo, minadali ni Psalm ang paglalakad. Wala p
Nanatili ng tatlong araw ang pamilya sa isla para sa funeral. Nagkasundo ang parehong panig na doon na lang din sa isla ilibing ang anghel ng pamilya. Pagkatapos ayusin ang lahat, dinaluhan ng ilang bisita dapat sa kasal ang burial. Sa ilang araw na nagdaan hindi nakita ng pamilya na umiyak si Lucky. Kahit noong magising ang dalaga at nalaman ang pagkawala ng baby, walang kahit isang patak ng luha ang itinangis nito. Hindi nila makausap ang dalaga dahil lagi itong tulala, at hindi nagsasalita sa kahit na sinong kumausap dito. "Napag-usapan na namin ito ni Gary, at sa tingin namin ng asawa ko ay hindi na dapat na ituloy pa ang kasal ng mga anak natin," malungkot na turan ng ina ni Lucky kay Beth. Kaharap ng ginang si Genesis at ang magulang ng lalaki. Mag-isang kinausap ni Carol ang pamilya ng groom dahil sinamahan ng asawa niya ang anak, na hindi nila magawang iwan. Natatakot silang bigla na lamang itong magkaroon ng emotional breakdown dahil sa pagkawala ng baby nito. "I totally
Tumigil ang van sa harap ng bahay ni Genesis. Agad na bumaba ang lalaki at umikot sa kabilang panig ng sasakyan upang pagbuksan ng pinto si Lucky at alalayan na bumaba ng sasakyan. Ngunit hindi nito tinanggap ang inilahad niyang kamay, bumaba ito ng mag-isa sa van. "Please assist me, Psalm." Natigilan si Genesis sa narinig. Tiim ang bagang na nilingon niya si Lucky na ngayon ay nakahawak sa braso ng bodyguard nito. Inaalalayan ito ni Psalm na maglakad papasok ng gate ng bahay niya. Tulad ng napagkasunduan ng parehong pamilya, sa bahay muna niya mananatili si Lucky. Aalagaan niya ang dalaga hanggang sa tuluyan itong maka-recover. "Ayos ka lang?" tanong ni Nathaniel nang makalapit sa kababata. "Mukhang mas naging malapit pa sa isa't-isa ang dalawa, ah? Ano kaya pa?" Tumaas ang kilay ni Genesis. "Mukhang hinawaan ka na ni Maya sa pagiging madaldal. Ano? Akala mo hindi ko napapansin sa isla? Tch. Baka naman mamaya gawin mo pang mistress ang assistant ni Lucky." Sa mga araw na nanana
"Ano, kaya pa?" Umikot ang mata ni Genesis sa ere nang marinig ang mapang-asar na tanong ni Nathaniel sa kanya. Bigla na lang itong sumulpot sa tabi niya. Nakasandal siya sa hamba ng pinto at tinatanaw si Lucky na nakaupo sa gazebo at masayang nakikipag-usap sa bodyguard nito. "Hindi ko alam kung bakit lagi ka nalang narito sa pamamahay ko. Wala ka naman ambag dito, at dagdag palamunin lang," asik ni Genesis. Naiirita na siya sa madalas na pagpunta ni Nathaniel, ginawa na nitong tambayan ang bahay niya. "Eh, sa gustong-gusto kong pinanunood ang paghihirap mo. Ano, kaya pa? Bakit kasi hindi ka nalang lumuhod at magmakaawa kay Lucky. Tingin ko kasi hirap na hirap ka na, mukhang iiiyak ka na sa pagdidedma sayo ni Lucky," kutya pa ni Nathaniel. "Tigilan mo ako, Niel. Ang sabihin mo, narito ka dahil sa assistant ng fiancee ko." "Fiancee? Talaga lang? Akala ko ba titigil ka na sa kahibangan mo kay Lucky?" Hindi talaga maintindihan ni Nathaniel ang kababata sa mga paurong-sulong nitong
Hawak ang peppermint scented massage oil, lakas loob na lumapit si Genesis sa nakaupo na si Lucky sa mahabang couch ng sala. Hindi siya lumikha ng kahit katiting na ingay, marinig pa lang kasi ni Lucky ang boses niya ay lalayo na agad ang dalaga. Tila ba allergic ito sa buong pagkatao niya. Though, he can't blame her, it was his doing why Lucky was acting this way. Naupo si Genesis sa carpeted floor ng salas at maingat na hinawakan ang binti ng natutulog na dalaga upang ilapit sa kanya. Naglagay siya ng oil sa isang palad at sinimulang bigyan ng massage ang paa ni Lucky. "Mhmm...," tipid na ungol nito. Hindi kumilos si Genesis. Kinabahan siya na baka magising ang dalaga at magalit sa kanya. Tatlong araw na si Lucky sa bahay niya pero hindi pa rin nakakalapit si Genesis sa dalaga kahit na gustuhin niya, kung hindi kasi ito lalayo ay tinataboy naman siya. Nang masiguro na nahihimbing na naman ang tulog ni Lucky, muli niyang minasahe ang binti ng dalaga. Kung hindi niya na alagaan si
"Genesis... Do you wanna die?""Of course not! It's not that I'm afraid to die; it's just that when I die... I'll never see your beautiful face again," exaggerated na sabi ni Genesis.Humakbang si Genesis..ngunit mabilis na sinalo ni Lucky ang lalaki nang gumiwang ito at muntik nang matumba."Wala akong panahon sa mga lasing na tulad mo. Bakit hindi ka nalang pumanik ng kwarto mo at matulog-" Hindi natapos ni Lucky ang sasabihin nang marinig ang matunog na paghilik ni Genesis sa balikat niya, yakap niya kasi ang lalaki."Ugh! Sinabi ko na kasing umakyat na. Ang bigat pa naman ng lalaking ito," gigil na anas ni Lucky, ngayon ay obligado pa siyang i-akyat ito at dalhin sa kwarto nito.Ibinaba ni Lucky ang empty pitcher na kanina niya pa hawak. Inalalayan niya si Genesis na maglakad patungo sa salas at doon maingat itong hiniga."Pambihira! Napakabigat mo talaga! Gawa ba sa bakal 'yang katawan mo?"Iniwan niya ang lalaki sa salas, at tin
Nang maiwang mag-isa si Lucky sa silid ni Genesis, una muna niyang tinanggal isa-isa ang saplot ni Genesis saka ito pinunasan ng basang bimpo. Inuna niyang punasan ang mukha ng lalaki, pababa sa leeg at mga braso nito. Pero nang makarating na si Lucky sa katawan ng lalaki, sa mga d*bdib nito specifically, bigla na lang may kamay na pimigil sa kanya."Am I that drunk to think you're here with me, or am I just crazy to think you're taking care of me? Because damn it, don't wake me up." Sunod-sunod na naubo si Genesis matapos ipahayag ang nasa isip.Humigpit ang hawak ng binata sa pulsohan ni Lucky, sumama ang mukha ng dalaga dahil doon, medyo masakit ang hawak nito sa kanya. Sinubukan niyang bawiin ang kamay ngunit malakas ang lalaki."Are you sober now?"Walang nakuhang tugon ang dalaga. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Lucky at pinagpatuloy ang pagpupunas sa katawan ng lalaki nang ma-realize nakatulog pala itong muli. Mukhang na alimpungatan lang