Tiningnan kong maigi ang sariling repleksyon nang madaanan ko ang isang glasswall ng abandonadong establisimyento. Sinigurado kong maayos ang pagkaka-disguise ko bago marahang lumingon sa paligid, wala akong ibang nakikitang tao maliban sa akin ngunit alam kong hindi ako nag-iisa.
I knew that my movements were being watched and I was being followed the moment I set foot in Genovese Street. Inaasahan ko nang mangyayari iyon dahil teritoryo ng mga notorious gang ang street na ito, not to mention na napaka-revealing ng suot kong dress at hindi ako taga-rito.
Well, change of plans. Nagpatuloy ako sa paglakad at mabilis na lumiko sa isang madilim na iskinita. Kumurap-kurap pa ang ilaw ng poste nang sakto ko iyong madaanan.
“Just how long do you intend to follow me?” tanong ko nang mapagdesisyunan kong huminto at lumingon na sa likuran. Inayos ko pa ang suot kong blonde na wig dahil ramdam ko nang nangangati ang anit ko. Damn it! Ilang beses na akong nag-suot ng wig ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay.
“Tagu-taguan? Uh, bibilang na ba ako? Come on! Kahit naka-high heels ako, I will deal with yoㅡ” hindi ko na nagawang ituloy pa ang sasabihin nang may biglang lumabas mula sa isang poste ng ilaw. Nakasuot ito ng itim na sweatshirt kung saan nakasuksok ang mga kamay nito sa bulsa noon. Nakasuot din ito ng itim na sombrero, dahilan upang hindi ko maaninag nang mabuti ang kanyang mukha, ngunit base sa tindig at pangangatawan ay halatang lalake itong nasa harapan.
Humakbang ito palapit sa akin habang ako naman ay nanatili lamang sa kinatatayuan.
“Sino ka?” Hindi niya sinagot ang tanong kong iyon hanggang sa tuluyan itong makarating sa mismong tapat ko. Naningkit na lamang ang mga mata ko nang makitang gumalaw ang kanang kamay nito na tila ba mayroong huhugutin mula sa bulsa.
Agad akong naalarma at naisip na unahan ito sa gagawin. I start executing good hand speed. Suntok dito, suntok doon ngunit mabilis niya iyong naiiwasan, dahilan upang magsalubong ang kilay ko. Wala man lang ba siyang balak na gumanti sa mga suntok kong iyon? At isa pa, parang kabisado niya ang mga galaw ko.
“Mister, wala ‘kong oras para rito. I’m a busy woman. I have something important to doㅡ”
“So am I,” Napahinto ako sa paggalaw nang magsalita ito. Marahan niyang tinanggal ang suot na sombrero at halos malaglag ang panga ko nang makitang si Troy iyon, my childhood friend slash colleague.
“The heck! Anong ginagawa mo rito?”
“I’m the one who should be asking that.” anito bago ako tingnan mula ulo hanggang paa, halatang na-weirduhan sa getup ko. “Don’t tell me papasok ka talaga sa nightclub na ‘yon? Ilang beses ko bang sasabiㅡ”
“Troy, come on. Save your scolding for another time.” Inangat ko ang suot kong black crisscross backless dress na binili ko pa sa ukay-ukay. Ugh, I didn’t know it was going to be so uncomfortable.
“Alam ba ni Chief na nag-iimbistiga ka pa rin sa case ng kapatid mo?”
“I’m off-duty, wala silang alam.” Nagkibit ako ng balikat bago mapatingin sa suot na wrist watch. “I need to go.”
“Rei.” Hinawakan ni Troy ang braso ko, dahilan upang mapahinto ako at lingunin ito. I know he’s concern but for pete’s sake, we both know how desperate I am to solve my sister’s case. Dalawang taon na ang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang mga taong gumawa noon sa kanya.
“Troy, matagal ko nang hinahanap ang nightclub kung saan huling nagpunta si Ivy. Ngayong may lead na akoㅡ”
“I know, I know. Hindi na kita pipigilan. Mag-ingat ka, alam mong mahihirapan kang mag-isa. Wala kang backup, if things go awry, hindi ka mapo-proteksyonan ng organisasyon. Ayoko lang mangyari sa ‘yo ang nangyari kay Ivy.” Ngumiti ako nang tipid atsaka hinawakan ang kamay nitong nakahawak pa rin sa braso ko.
“Worry not my friend. The chance of that happening is about as likely as hell freezing over.” Napailing ito matapos ko iyong sabihin kaya naman nilagpasan ko na ito at dumiretso sa nightclub kung saan hinarangan ako ng isang bouncer na halos doble ang laki sa normal na size ng tao.
“What?!” singhal ko nang titigan ako nito.
“Membership card.” Inabot sa akin ng bouncer ang kamay nito, naghihintay na ipakita ko sa kanya ang hinihingi.
“Oh my! Silly me, sorry.” Ngumiti ako ng matamis bago marahang ipinasok ang kamay sa suot na dress sa may bandang dibdib at i-abot iyon sa kanya. Marahas itong lumunok bago i-check ang card na inabot ko, dahil doon ay hinawakan ko ang braso niya para mas lalo itong ma-distract at hindi mapansin na fake iyong card na ibinigay ko.
“Nice muscles, huh?”
“S-salamat.” Tipid akong kumindat nang iabot niya sa akin ang card pabalik at pagbuksan ako ng pinto.
Pagpasok na pagpasok ko sa loob ay sinalubong ako ng makikinang na ilaw at nakabibinging tugtog. May ilang babae ang nagpo-pole dancing sa stage at karamihan ng okupadong mesa ay may kanya-kanyang mundo, ang iba ay masayang nagku-kwentuhan at ang iba ay nagme-make out. Hindi na rin ako nabigla nang makakita ng ilang politician at celebrity.
“Hi, you’re a new member?” Hindi pa man ako nakakaupo nang tuluyan sa bar stool ay nakuha ko na agad ang atensyon ng lalaking naka-black suit, mukhang galing pa ito sa isang business meeting dahil sa sobrang pormal ng suot nito. Hindi naaayon ang suot niya sa dresscode ng nightclub, mukhang big shot ang isang ito.
“Oh! You can tell?” nakangiting tanong ko nang tabihan ko ito at humarap sa bartender. “One negroni, please. Thank you!”
“The drinks on me, what’s your name?” Umangat ang gilid ng labi ko bago ipatong ang siko ko sa counter at tingnan ang katabing lalake.
“You can call me Shane.” Pag-iiba ko ng pangalan. Ngumiti ako ng matamis at balak pa sanang tanungin ang pangalan nito ngunit may isang lalake ang biglang lumapit dito at bumulong. Naningkit ang mata ko dahil namukhaan ko ang lalaking iyon, if my memory serves rightㅡnasa background siya noong huling beses na nag-send sa akin ng picture si Ivy. Iniwas ko na lamang ang tingin sa kanila at sinimulang inumin ang in-order kong negroni. Mukhang nasa tamang nightclub na nga ako, finally!
“Give me 10 minutes,” rinig kong sambit ng lalake, matapos noon ay umalis na rin ang taong bumulong sa kanya. “Sorry about that, may prior engagement kasi ako. Do you mind if we chat a bit?”
“Sure, so... What’s your name?” nakangiting tanong ko.
“Lucian,” Matapos noon ay nagsimula na nga kaming mag-usap, mostly ay about sa nightclub. Kung gaano siya kadalas dito at kung anong oras siya pumupunta. Ayon din sa kanya ay isa siyang VIP member, dahil doon ay mas lalo akong nagkainteres. Hindi malabong may kinalaman siya sa nangyari kay Ivy lalo pa’t mukhang righ-hand man niya iyong bumulong sa kanya kanina.
Paminsan-minsan ay napapansin ko rin ang palitan nila ng tingin ng bartender, doon pa lang ay napansin ko na ang binabalak nitong gawin.
“Huli ka pero ‘di ka kulong.” I thought to myself.
“Actually, I’m looking for a part-time job. Meron ka bang alam?” tanong ko.
“Gusto mo ng trabaho? I can help you if you want.” Nagkunwari akong nagulat at humarap dito para lang hawakan ang kamay nito. Sa pagkakataong iyon ay nagtinginan ulit sila ng bartender, and I’m sure they took that opportunity to spike my drink.
“Really? Thank you!”
Nang masigurado kong tapos na sila sa binabalak ay muli akong humarap sa counter at hinawakan ang baso ko. Lumingon pa ako saglit kay Lucian para ngitian ito at tuluyang inumin ang alak. It was a reckless move, I know. Pero kung hindi ako susugal, hindi ko malalaman kung ano ang ginagawa nila sa mga babaeng nad-drugs nila.
Hindi malabong ganito rin ang sinapit ng nakatatanda kong kapatid. I swore to her grave that I will do anything to give her the justice she deserves, even if it means sacrificing myself.
Pinikit ko nang mariin ang mga mata nang maramdaman ko ang pagkirot ng ulo ko. Ramdam ko pang pinapaamoy ako ng ammonium carbonate para lang gisingin ako mula sa pagkakawalan ng malay.
“Fuck!” I cursed under my breath. Pilit kong minulat ang mga mata at kahit na blurred pa ang paningin ay unti-unti rin iyong luminaw kalaunan.
“Oh, you’re awake?” bungad sa akin ng babae. Tinignan ko ito at napansin kung paano niya akong bihisan. Halos sumigaw ako sa gulat nang makitang mas revealing na ang suot ako, I'm almost naked! Kinagat ko na lamang ang labi at pilit ikinalma ang sarili.
“A-anong gagawin mo sa ‘kin?” tanong ko ngunit hindi ito sumagot, imbis ay hinawakan niya ang dalawang kamay ko sa likuran at sinuotan iyon ng zip tie. Napadaing pa ako dahil sa sobrang higpit ng pagkakasuot niya noon sa akin.
“S-saan mo ako dadalhin? Nasaan ako?” Wow! Feeling ko ay pang-Oscar ang acting kong iyon.
“Heaven darling.” tipid na sagot ng babae bago ako nito inalalayan palabas ng kwarto at dalhin sa parang back stage.
“And our last item for tonight!” Halos mapapikit ako nang biglaang bumukas ang pulang kurtina at tumapat sa akin ang nakasisilaw na spotlight. Unti-unting lumakas ang ingay dahilan para maimulat ko ang mga mata. Inalalayan din ako ng babae nang sa gano’n ay mas lumapit ako sa harapan. “Let’s start the bidding.”
“Fifty thousand!” sigaw ng matandang lalake mula sa mga audience, nagtaas pa ito ng isang auction paddleㅡnow, everything make sense. I’m in a fucking auction and they intend to sell me!
“One hundred thousand!” sigaw pa ulit ng panibagong lalake, bakit hindi na ako nabigla na puro lalake ang gustong bumili sa akin? Nagpatuloy ang bidding hanggang sa tumaas nang tumaas ang presyo ko. I was too stunned to utter a single word, never kong na-imagine na magkakaroon ako ng presyo.
“Ten million!” And with that, the whole venue went completely silent. Lahat ng atensyon ay napunta sa lalaking iyon. Everyone in the audience was obviously petrified by his presence, miski ako ay hindi inaasahan na narito siya sa event. I mean, he rarely shows himself. Ito nga yata ang unang beses na nakita ko siya. Lagi ko lang naririnig ang tungkol sa notorious masked man named Crimson and nowㅡnakikita na siya ng dalawang mata ko.
“G-going once, going twice...” Wala nang ibang nag-bid matapos mag-count down ng auctioneer at ang sunod niyang sinabi ay hindi naging maganda sa pandinig ko.
“Sold for ten million!”
“What the hell.” bulong ko bago ulit ako hatakin ng babaeng nag-alalay sa akin kanina. Binalik ako nito sa kwartong pinanggalingan at marahas akong itinulak, dahilan para mapaupo ako sa malamig na tiles. “Anong problema mo?” Sinamaan ko ito ng tingin at balak pa sana ako nitong tadyakan ngunit biglang pumasok ang lalaking naka-silver and red roman greek mask. Real name: UnknownAlias: Crimson.Age: Unknown.Favorite weapon: Dagger.Specialty: Too many to mention. “Fuck off.” malamig nitong wika at sa isang iglap lang ay mabilis na kumaripas nang takbo ang babae palabas. “Hey! At least untie me before leaving!” sigaw ko pa ngunit tuluyan nang sumara ang pinto, dahilan para maiwan kaming dalawa ng lalaking bumi
“You’vemistaken me for someone else.” “Really?” Ngumisi siya na nagpataas ng mga balahibo ko sa katawan. “Then, maybe nagsayang lang ako ng pera? What should I do? You already know my place.” Inabot niya ang maliit na cabinet sa tabi ng sofa at nanlaki ang mata ko nang makitang may hawak na siyang baril. Ikinasa niya iyon bago itinutok sa noo ko. Ilang segundo pa kaming nagsukatan ng tingin bago ako mapabuntong hininga. “Shouldn’t you be a little more scared right now?” tanong niya ngunit hindi ko iyon sinagot. “So? Are you a cop? A spy?” “Okay fine, let’s just say na detective nga ako. Are you satisfied? Now, untie me.” Ibinaba niya ang hawak na baril kaya naman umalis na ako sa pagkakaupo sa kanyang hita at sinamaan ito ng tingin. I’m part of secret organization called Phantom... We always do uncover, patagong kumikilos
“You look like a zombie. Girl, what happened? Off duty ka naman tuwing weekend.” bungad na bungad sa akin ni Freya nang maupo ito sa mesa niyang katabi lang noong akin. Nagtama pa ang paningin namin ni Troy bago ito tipid na umiling at mag-iwas ng tingin. “Uh... K-drama marathon.” pagsisinungaling ko bago mabilis na ibahin ang topic, “Balita ko magiging mag-leave ka raw ng one month?” “Yeah, something came up. I need a break from this freaking exhausting job.” “Sana all.” komento ko bago mapatingin sa bulsa ko nang maramdamang nag-vibrate iyong phone ko. May idea na ako kung sino iyon kaya naman pinili kong ‘wag na munang basahin. I still remember everything that happened, and last nightㅡI exchanged contact information with a fucking criminal. Have I really lost my mind? I don’t have any idea what he’s thinking. Or maybe, desperado lang siya kagaya ko. To think na maglalabas siya ng sampong m
“Mr. Tashiro.” masayang tawag ni dad nang makarating kami sa mesa kung saan naroon ang matanda at ang kanyang anak na halos ka-edad ko lang, or maybe mas matanda siya sa akin ng dalawa o tatlong taon.“Oh! Hi, Mr. Ageha. Ito na ba si Reiana?” tanong nito at pilit naman akong napangiti.“Nice to meet you, Mr. Tashiro and...” Tiningnan ko ang lalaki sa tabi niya at mabilis naman itong tumayo para i-abot ang kamay sa akin. In fairness, he’s handsome. He looks like a character straight out of manga.“You can call me, Asher.” Imbis na makipag-shakehands ay hinalikan niya ang likuran ng palad ko. Oooh! That was smooth.“I’m Reiana Avy but, you can just call me Revy.” Ngumiti ako nang matamis at naupo nang i-atras niya ang upuan na katapat niya para sa akin. “Thank you.”“Shall we order first?” tanong
“Hey,” Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nakitang nakasandal si Tres sa lumang monkey bar. Nasa likuran ko lang iyon at hindi natatamaan ng ilaw kaya hindi ko siya napansin agad. “I thought you’re going to ditch me.”“Nah, nakalimutan lang kita.” pagsasabi ko ng totoo saktong pagkalapit niya sa akin. He’s not wearing his roman mask like earlier, bukod doon ay simple na lang ang suot niya. Itim na sweatpants at white t-shirt na pinatungan lang ng leather jacket.“That’s rude.” Nagkibit-balikat lamang ako sa sinabi niya atsaka naupo sa swing. Gumawa iyon ng ingay dahil sa sobrang luma, muntik pa akong matumba dahil bumigay na ang bakal at tuluyang nasira ang pinaka-upuan.“What the hell?!”“Come on, detective. We’re not here to play.” Sinamaan ko lamang ng tingin si Tres at nag-decide na sumandal na lang sa pinaka-poste ng swing at harapin ito. Halos mapatalon pa ako sa gulat nang makitang nasa harapan ko na siya, and he’s s
“Ugh seriously!” reklamo ko nang marinig ang sunod-sunod na katok mula sa pinto. Nakasimangot kong inabot ang cellphone ko sa side table at tiningnan kung anong oras na. Damn it! Sinong matinong tao ang mang-iistorbo sa ‘kin ng ganito kaaga? 5:00 am pa lang!“Relax! Masisira mo ‘yong pinto ko—” Natigilan ako nang makita si dad pagbukas na pagbukas ko ng pinto. He look at me with a serious expression on his face.“What brings you her—”Agad akong napahawak sa pisngi ko nang maramdaman ang paglapat ng magaspang niyang palad doon, tipid akong napangisi bago siya tapunan nang masamang tingin.“You insolent brat!” Tinangka pa niya ulit akong sampalin, but this time ay sinigurado kong makakaiwas ako.“What a great greeting to start my day.” natatawa kong sabi.“Sinabi kong umu
3 months ago...“Ageha, kanina ka pa hinahanap ni Chief.” bungad sa akin ng taga-division 3, hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa building.“Nasaan sila?” hingal kong tanong nang i-scan ko ang I.D ko at tuluyang makapasok sa loob.“Meeting room b.”“Thanks!” Agad akong kumaripas ng takbo at pumunta ng third floor gamit ang hagdan ngunit pagpasok ko sa meeting room ay wala namang tao. Pabagsak akong naupo sa swivel chair at naghintay ng ilang minuto.Did that guy just a pull a prank on me? Well, hindi iyon malabong mangyari dahil hindi naman langad sa kaalaman ko na maraming naiinggit sa special division na kinabibilangan ko.May apat na division ang Phantom Organization, division one to four, and my team—the special division, mayroon lang iyong apat na miyembro at ako ang nagsi
“Bakit may Band-Aid leeg mo?” tanong ni Troy nang maupo ako sa swivel chair at buksan ang monitor ng computer ko. Kahit kailan talaga ay napakatalas ng mata niya, wala pang ilang segundo nang pumasok ako ng office pero iyon agad ang napansin niya. He didn’t even greet me a good morning.“I accidentally scratched it.” tipid kong sagot, ngunit halatang hindi niya iyon pinaniwalaan dahil nakatingin siya akin ng diretso. “What?”“You’re really good at lying.” Tipid siyang umiling at nagkibit naman ako ng balikat. Late ko na rin napansin na kaming dalawa lang ang nasa office ngayon.“Nasaan sina Loren at Freya? May hangover?”“No, nakabakasyon na si Freya. Si Loren nag-umpisa na sa misyon niya.”“What?!” gulat na tanong ko dahil wala akong ideya na ngayon na mag-uumpisa ang bakasyon ni Freya at pagig