Iza, isang matagumpay na negosyanteng babae na tila nasa kanya na ang lahat - isang mayaman na asawa, isang pamilya, at isang maunlad na karera. Sa araw kung saan nalaman nyang buntis sya ay wala na syang maihihiling pa. Gayunpaman, gumuho ang kanyang mundo nang matuklasan niya na ang kanyang asawa, si Roman, at ang kanyang kapatid na si Rebecca, ay may lihim na pag-iibigan at nagtaksil sa kaniyang likuran. Hindi makapaniwala si Iza at luhaang umalis sa unit ng asawa, hanggang sa maganap ang aksidenteng babago sa kaniyang buhay. Matapos ang anim na taon, nagpasya si Iza na tanggapin ang mga bagay sa kanyang sariling mga kamay. Taglay ang matibay na determinasyon, masinsinan niyang pinaghandaan ang kanyang paghihiganti laban kina Roman at Rebecca. Habang mas lumalalim ang kanyang paghahanap ng kasagutan, natuklasan niya ang lihim at nakatagong motibo na sumagot sa lahat ng inaakala niyang alam niya tungkol sa kanyang mga mahal sa buhay. Dapat niyang harapin ang sariling mga desisyon at makipagbuno sa kumplikadong pag-ibig at pagpapatawad. Sa paghihiganti na hinahangad ni Iza, mahahanap ba niya ang pagmamahal at hustisyang hinahanap, o uubusin siya ng pagkauhaw niya sa paghihiganti, na hahantong sa kanya sa landas na walang kasiguraduhan?
View MoreKitang kita ni Ruby ang malawak na ngiti ng kaniyang boss. Hindi nya lubos akalain na ganito kaganda ang asawa ni Roman sa personal. Ang mas nakakagulat pa ay may anak na pala si Roman na napakacute. Ito yung bata noon sa Japan. Naalala pa nya na mayroon syang picture nito. Grabe, napakaliit talaga ng mundo.Parang noong nakaraang araw lang ay pinapabuksan pa ni Roman ang case tungkol sa kaniyang asawa na nawawala six years ago.Kasalukuyang pinipicturan ang tatlo. Habang sya naman ay nakaupo sa sofa at pinapanood sila. Sa bawat flash ng camera ay iba’t ibang post ang ginagawa ng bata. Sobrang sigla nito at napapagaan ang buong production. Lahat ay napapangiti at napapahagikgik sa mga bibong kilos ni Aikee.“Daddy, kiss mommy on the cheek!” sigaw ni Aikee dahilan para magkatinginan si Roman at si Iza. “Oo nga naman, parents,” komento pa ng photographer. “Perfect family!”Sa pagtatagpo ng mga mata ni Iza at Roman ay tila ba huminto ang oras para sa kanilang dalawa. Para silang bumabal
“So ano na nga ang plano mo nyan?” tanong ni Kath kay Iza. “Welcome na welcome na si Roman sa family mo even kay Aikee. Mukhang no need na ng adjustment ng dalawa base sa mga nakita ko.”Napabuntong hininga si Iza at napahilamos ng mukha. Kasalukuyan syang nag-aayos para sa pag-alis nila para sa family picture na project ni Aikee.“Kinakabahan ako,” seryosong sagot ni Iza. “Baka kasi di ko mapanindigan yung amnesia act ko.”“It’s your choice,” ani Kath. “Let me remind you, wala kang choice. I’m just here to support you.”Napalunok si Iza. Sa katunayan, masaya sya para sa anak nya dahil nakita na nito ang daddy nya. Ngunit may kirot pa rin sa kaniyang dibdib sa tuwing makikita nya si Roman sa kaniyang harapan. Tila ba kasi bumabalik sa kaniyang isipan ang mga narinig noong araw na yon. At tuwing bumabalik ang ala ala na iyon ay nawawala sya sa mood.“Ok na siguro ito, ate,” sagot nya. “As long wala syang idea na bumalik na ang ala ala ko ay ok lang. Siguro for now, magfofocus muna ako
Tumatakas ang sinag ng araw sa makapal na kurtina. Sa bawat ihip ng hangin ay syang pagsilip ng araw. Napaunat si Iza nang tuluyang magising. Tinanghali na sya ng bangon. Alas nuebe na ng umaga at hindi nya maiwasang mapaupo sa kama dahil nang mapagtanto ang oras.“Akala ko di ka pa magigising dyan.“Napakusot ng mata si Iza at hinanap kung saan galing ang boses na ‘yon. Natagpuan ng kaniyang mata si Kath na nakaupo sa upuan kung na saan ang kaniyang workplace kapag maagang umuuwi.“Good morning, princess sarah!” pagbibiro ni Kath sa kaniya. “Bumangon kana dyan at magbalat ng patatas.”Napanguso si Iza. “Why are you here, ate?” taka nyang tanong. “Wala kang pasok?” Pinusod nya ang kaniyang buhok. “Kumain ka na?”“Wala akong pasok,” simpleng sagot ni Kath sa kaniya. “Tita called me to come here. And nakakagulat kasi may bisita ka sa baba. Or baka hindi ikaw yung binisita? Baka si Aikee?”Kumunot ang noo ni Iza. Wala pa sya sa ulirat dahil kakagising lamang nya. Wala sa tabi nya ang an
“Iza, come on. Let’s talk! Open the door, please.”Hindi alam ni Iza ang gagawin. Kasalukuyan syang nakaupo sa sofa at tulalang nakatingin sa pinto. Na sa iisang kwarto sya ngayon kasama ang kaniyang magulang na si Aileen at Mark Fujitsu na parehong walang alam sa mga nangyayari.“Dear, what happened?” kuryosong tanong ni Aileen sa anak. “After the party, that young man is asking for you. Anong meron? Is that Aikee’s dad?”Napalunok si Iza sa mga tanong ng kaniyang ina. Dumadagdag iyon sa kabang nararamdaman nya. Naiiyak na sya ngayon, iyon ang totoo. Ngunit mas lamang ang kaba sa kaniyang dibdib dahil hindi nya inaakala na ganito ang mangyayari. Para syang na-trap sa sitwasyong walang butas para makatakas.“Y -yes, mom,” sagot ni Iza habang kinakabahan pa rin. “Where’s Aikee, mom?”“He’s with Kath,” sagot ng daddy nya. “Anak, let us know what happened. Paano ka namin tutulungan if wala kang sasabihin?”Napahawak ng mahigpit si Iza sa kaniyang suot na gown. Matapos ang party kanina ay
-JONES PERFUME’s COMPANY -Naabutan ni Roman ang kaniyang office na maraming papel sa kaniyang lamesa. Wala pa syang tulog ngayon dahil nag celebrate sya mag-isa para sa birthday ng kaniyang asawa. Malungkot ma kung iisipin ngunit ito lang ang tanging paraan na meron sya upang hindi makalimutan ang asawa.“Happy birthday, wife,” bulong niya sa sarili bago umupo sa kaniyang swivel chair. Napako ang tingin nya sa picture frame na nasa harapan. Picture nilang dalawa ni Iza noong first day nito sa trabaho. Nabihag sya ni Iza dahil sa taglay nitong ganda at inosente. Muling sumagi sa kaniyang isipan ang mga masasayang ala-ala nilang dalawa.“Miss na miss na kita,” bulong nya at pinaglandas ang kaniyang daliri sa mukha ni Iza. “Kung na saan ka man, sana masaya ka.”Ngumiti sya ng pilit at inumpisahan na ang pagtapos sa mga papeles na kailangan tapusin. May celebration party ang mga Fujitsu mamaya kaya kailangan ay naroon sya dahil ayaw naman nyang mag-iwan ng bad impressions sa mga ito.Hi
“Are you done with the emails?”Napaunat si Iza nang marinig ang tanong ni Kath. Kakapasok lamang nito ng office nya at mukhang break niya ngayon. May bitbit kasi itong wallet at isang tumbler.“Yup, ate,” sagot nya. Bakas sa mukha ni Iza ang pagod. “Ang daming emails pala nito. Buti na lang talaga at may mga matitinong emails. Pero halos karamihan ay about sa sponsorship at spam emails.” Napatingin si Iza kay Kath. “May mga intern na ba for next week?”“Yes, vih,” sagot ni Kath. Umupo sya sa tapat na upuan ni Iza. “Approved na ng parents mo. Mabuti na nga ‘yon kasi mababawasan work loads natin at makakapagfocus ka sa mga starlet artist.”“Akala ko back office lang ako?” takang tanong ni Iza sa kaniya. “Nabago na? Ate, I think I can’t do that.”“Sabi ng mommy mo i-try mo lang daw. Malay mo naman magwork. Kesa tumanda ka rito sa back office. Puputi agad buhok mo kasi sobrang daming emails araw-araw. Stressful ang emails.”Napanguso na lamang si Iza sa mga narinig. Wala naman syang maga
“This is your last chance, Roman. If hindi ka pa makahanap ng mapapangasawa mo, I’ll do it for you whether you like it or not.”Ayon ang huling narinig ni Roman bago patayin ang tawag. Nahampas nya ang manibela at pinaandar ang sasakyan. Hindi nya maalis sa isipan ang mga katanungan. Kung sakaling nandito pa si Iza ay hindi sana ganito ang takbo ng buhay nya.Nagtungo si Roman sa kaniyang bahay upang magpalit ng damit. Kung anong dilim ng buhay ni Roman ngayon ay sya ring kalungkot ng bahay nya. Walang kahit na anong disenyo, walang buhay. Ito ang bahay na ireregalo sana nya kay Iza noon pag-uwi nya ng Indonesia. Matapos makapasok ng kwarto ay nagsuot lang sya ng polo at pants. After magbihis ay agad syang pumunta sa kaniyang sasakyan at pinaandar ito. Habang nagmamaneho ay nakatanggap sya ng tawag mula kay Rebecca. Sa inis ay hindi nya ito sinagot.Nakailang missed call din si Rebecca dahilan para patayin ni Roman ang kaniyang phone.“Hindi talaga titigil?” inis na tanong nya sa isi
Ilang minutong napako ang mata ni Roman sa daan hanggang sa mahampas nya ang manibela sa kaniyang harapan.Inis na inis sya at humigpit ang pagkakahawak sa manibela.“Fuck! Bakit nawala sya agad?” sigaw nya sa loob ng sasakyan.Papunta sana sya kanina sa office ng Brinston School of Elite nang makita nya na mayroon kaguluhan na nagaganap. Agad na nahagip ng mata nya ang babaeng sumakay sa sasakyan kanina, nakamukhang kamukha ng asawa nya. Kulay copper ang buhok ng babae pero sigurado syang si Iza iyon. Sya rin ang nakita nya na nasa school noong nakaraang araw.Inis na pinaandar ni Roman ang sasakyan. Nawala na parang bula ang sinusundan nyang sasakyan ng babae kanina kaya lalo syang nabadtrip, sinabayan pa ng init ng panahon.Nakatanggap sya ng tawag mula sa kaniyang secretary na si Ruby. Sinagot nya iyon habang nakatingin sa daan.“Sir, na saan na raw po kayo?” agad na tanong ni Ruby. “The program will start after 30 minutes. Kayo na lang daw ang wala.”“I’m on my way na,” sagot ni
Walang mapaglagyan ng kaba ang dibdib ni Iza habang papalabas ng building. Ni hindi na sya nakapagpaalam ng maayos at tanging si Kath ang naiwan para iexplain sa mga naiwan ang nangyari sa kaniya.Napalunok si Iza at namamasa na ang kaniyang mga kamay sa kaba. Pagpasok nya ng sasakyan ay agad nya rin itong pinaandar at agad na nagtungo sa school ng anak.Tinawag na nya lahat ng santo para lang hilingin na maging ok ang kaniyang anak at walang nangyaring masama rito. Minuto rin ang tinagalnat hindi iyon napansin ni Iza. Agad syang bumaba ng sasakyan nang maiparada nya ito sa tapat. Nakita nya na mayroong nagkukumpulan sa harap ng gate kaya naman agad syang sumugod doon. Nakita nya roon si Lily na nakaupo malapit sa guard house na umiiyak habang hawak ang karate team ng kaniyang anak na si Aikee na ngayon ay president umiiyak na rin.Kinabig ni Iza ang mga nakaharang. Wala syang pakialam kung nasaktan man nya ang mga ito, ang importante ay makalapit sya sa kaniyang anak.Lalong lumaka
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.