Share

Chapter 3

Ihinanda ni Atena ang banka.Pinunasan anh mga bankitong gawa sa kawayan  na uupuan ng pasahero.

Saka siya sumandal at inipit sa kilikili ang sagwan at hinintay ang magiging pasahero. Ilang bese na rin siyang nakapaghatid ng mga dayo sa kabilang Isla, naroon kase ang magandang spot ng dagat at naroon ang malalaking coral reefs. Nakapagserbisyo na rin siya sa dayuhan at dasal niya maulit iyon dahil sa malaki magbigay ng tip.

Sabi ni Mang Isong ay anak daw ng amo niya ang magiging pasahero, naisip ni Athen na baka ang Malditang si Beatris. Yun lang naman ang alam niyang anak ng amo nitong may ari ng bilihan ng mga pagkain ng manok at kung ano anu pa.Medyo mataray ang isng yun kya naman hinanda niAthena ang sarili. Malamang aastang mayaman iyon dahil kilalng spoild brat ang bababe.

“Haist..kung hindi lamang talaga kapos ang kita sa patalan di ko na papatusin ang trabahong ito. Sinkuwenta pesos ang bayan sa paghahatis minsan nattatawad pa ngang trenta.

At kung ganitong balikan with pagaantay masuwertena si Athena kung abutan ng isang daan. Maliit kung tutuusin dahil hindi moa lam kung ilang oras ka maghihintay pero pwede na rin pang ulam na nila yun ng dalawang beses.

Nasa ganung pagmumuni muni si Athenaa ng may magsalitang malagom na boses na parang ang seksi ng may ari.

“Excuse me, I’m looking for Mang Isong. Siya kase ang bangkerongmamghahtid sa akin sakabilang Isla. Kaso kanina pa ako palinga linga di ko siya makita. Sabi niya dito ako sa may Puno ng kambal na niyog magpunta.

Lumingon si Athena para lamang matulala. Para siyang dinala sa shooting ng isang pelikula .Paang artista ang kaharap nila. Teka artist aba ito. naliligaw ba? Nakakalaglag  panty naman ang kaguwapuhan ng lalaki . Parang ibinaba ng langit”

“Ahh miss okay  ka lang? Kilala mo a si Mang Isong. Can you tell me where to find him?”

Sabi ng lalaking pinukaw angtila natuklaw na ahas na babae.

“Anong ginagawa ng Magandang babae sa pangpang? Ahh baka tulad niya ay pasahero din ito at mamamasyal sa kabilang Isla” Sa isip isip ni Miguel.

“Miss....Miss… Hello okay ka lang ba?”

Pukaw ni Miguel sa babaeng hanggang ng sandalign iyon ay nakatitig lang sa kanya.

Bigla naman natauhan si Athena ng marinig ang pitik ng daliri ng lalaki At namula siya sa sobrang pagkapahiya dahil natulala siya dito kaya mabilis na nagisip ang dalaga ng posibleng sabihin para hindi kahiya hiya ang sitwasyun niya.

“Ay Sorry…akala ko kase ikaw yung.... Ay never mind na lang malabo namang ikaw yun dahil kung ikaw yun di sana nakakulong ka na ngayon?”

Saib ni Athena.

“Ano? Sino yung napagkamalan mong ako?”

Takang tanong ni  Miguel.

“Ah, pasensya ka na may gumagalaw kasing serial killer dito at rapist pa daw at binibiktima ang mga babaeng may maamong mukha a probinsyana lalong lalo na daw yung mga nakatambay madalas sa bangka kaya natulala ako sa takot kanina”

Sabi ni Athena.

“Naku naman sorry na mamang poging hulog ng langit sa pagsisinungaling. Eh kase nakakahiya kase ako kanina. Mukha akong si Maria Clara na natigang kay  Ibabara”

Bulong ni Athena sa pagsisinungaling niya.

“Really, e bat parang hindi naman takot ang mukha mo kanina. Saka what? may seriel Killer and rapist sa lugar na ito? then your alone her exposing your legs ike that?”

Namamanghang sabi ni Miguel.

Hindi siya makapaniwalang may ganun a lugar na iyon lao naman hindi siya makapaniwaang napagkamalan siyang serial killer ng cute na babaeng ito.

“Aah eh kuwento lang naman yun ng mga marites sa bayan Sir at… at.. guwapo daw kase kaya akala ko ikaw"

Sabi ni Athena sabay pinagalikop ang mga binti  na akala mo ay maitatago ang mabilog at long legs niya.

“Really? guwapo ang serial killer? Aba sinasayang niya. So, kung napagkamalan mo ako, ibig bang sabihin nun miss guwapo din ako”

Medyo gusto ng matawa ni Miguel.

“Tanong bayan o gusto mo lang mapuri? Anyway anuman ang hitsura nun rapist at serial killer pa rin siya, basta masamang tao para sa akin ay saksakan ng pangit un”

 Sabi ni Athena.

“At buti na lang hindi ikaw yun. Hawig lang Sir”

 Bawi ni Athena sa lalaki.

Nakita niyang natawa ito.

“Nakita ko nga sa tingin mo sa akin kanina mukha ngang hindi rapist ang tingin mo eh”

Sabi ni Miguel na tuluyangn ng tumawa.

“Ano ho yun? “

Kunwari ay  hindi narinig ni Athena ang sinabi nito.

“Ah wala sabi ko sayang  may magandang bingi”

Sabi ni Miguel pero hininaan lamang.

“Nasan na kaya si Mang Isong medyo mahuhuli na ako sa lakad ko eh”

Sabi ng lalaki saka nagkanda haba ang leeg sa pagtanaw kung nasaan ang hinahanap. Doon lamang bumalik ang wisyo ni Athena.

"Oo nga pala hinahanap nga pala nito si Mang Isong at magpapahatid sa kabila. Malamang ay ito ang sinasabi ni Mang Isong na anak ng amo niya"

“Pero babae ang killala niyang anak ng amo nito”

"Aahh baka naman sa ibang amo o baka naman may kapatid yun kilala niya  na hindi niya lang kilala o nakikita" sabi ng dalaga sa sarili.

Agad itinulak ni Athena ang kanyang bangka  patungong  pagpang hanggang sa nasa mababaw na bahagi na ito ng tubig. Saka inayos ang upuan at kinawayan ang lalaki. Kitang kita niya na nanlaki ang mg mata nito ng magisa niyang itulak ang bangka.

“Tara na Sir, wala si Mang Isong at ibinilin ka niya sa akin. Ako ang bankera mo for today, Sir” Sabi ni Athena.

“Ikaw? Are you kidding me? Miss, babae ka eh paano ka naging taga sagwan?” Hindi mkapaniwalang sabi ni Miguel.

"Ahh tatay ko talaga dati sir kaso kinapitan na ni Katam kaya ako na ang nagpatuloy"

"Tara na sir kase bago pa  tumaas ang tubig" Sabi ni Athena. Walang nagawa si Miguel kundi ang sumakay na nga Lang kung hindi lang talaga mahalaga ang sadya niya sa kabilang isla ay hindi na siya tutuloy. Hindi niya kaya maging at ease. At magrelax ng nakaupo habang babae ang nagpapakahirap mag sagwan. Para sinasampal ang pagkalalaki niya nun. Una malaking lalaki siya at mabigat pa. Hindi naman kalayuan ang kabilang Isla pero kakain din  ng halos isang oras ang pagsagwan.

"Paano nakakaya ng isang babae iyon?"

Nang makita niyang nagsagwan na ang babae ay napahanga siya. Mukhang bihasa nga ito at mukhang malakas ang braso. Hindi halata sa hitsura nito na kayang magbanat ng buto.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status