Share

Chapter 2

“Hoy Berting tigilan mo na ang pangaasar mo kay Athena dalaga at binata na kayo  wag mo nang ipaalala na malaki ang mata ng pisga niya na at ako pa ang nagpalabas ng nana" Sabi in Aling Maribel na nangingiti.

“Hala nagtulungan pa ang mag ina. Talaga naman” Sabi in Athena. Tumayo na ito at nanguna ng lumabas.

“Salamat po sa kape. Limang taon na ata akong nakikikape sa inyo. Berting hihintayin na lang kita sa pantalan” Sabi ni Athena na biglang naging matamlay.

"Ay Hindi!  wait...  eto na okay na ako wala ng ligo ligo to mamaya na lang tanghali tara na tara na  at baka yang  haba  ng mukha mo abutin ng pasko"

Sabi ni Berting saka sumabay na sa kanya maglakad.

Ganun ang eksena nila ng kababata araw araw, masaya. Makulit at maingay. Si Berting lamang ang lalaking pinagkakatiwalaan niya. Sa edad niyang Bente tres ay hindi pa siya nangkaka nobyo. Isa lang kase ang crush niya at sekretong malupit pa nabuking lang dahil sa kanyang pigsa.

Pagdating sa pantalan ay agad naglilis ng suot na maluwang na pantalon si Athena saka nililis ang suot na polo longsleeve na bulaklaking gray para ihanda ang sarili sa laban.

Ganito ang eksena sa pantalan. Nakikipag bargain sila ni Berting para lamang maging taga hakot ng isda sa mula sa banyera at isasalin sa styro box maraming yelo at hahakutin sa mga sasakyang ng mga namamakyaw  sa pantalan.

Kada isang banyera ay may katapat na presyo. At sa loob ng isa o dalawang oras na nakatakdang pagaahon ng mga  panindang isda ay nakakalimang  daan piso si Athena pwera pa ang tip kapag galante ang humango o kaya naman ay ambunan siya ng ilang pirasong Isda.

Saglit lang ang kaguluhan na iyon sa pantalan nanahimik ang lugar na iyon kapag tirik na ang araw iyon naman ang panahon para gampanan ni Athena ang obligasyun sa pamilya.

Tulad nga ng sumbat ni Berting walang silbi ang kanyang ama ang kanyang ina ay sakitin at may tatlo siyang kapatid na nakababata isa pa lang ang pwedeng asahan sa kanila.Ang sumunod sa kanya na si Aquiles.Eto naman ang utylusan niyang manguha ng panggatong at magsimot ng durog na uling sa koprahan.Libre kase yun.

Sa hapon ay katuwang niya si Aquiles sa pagiging bankera.Dapat sana ay tandem rin sila dito ni Berting ang kaso kinuha

naman na Bankero si Berting ng mga Salazar  sa kabilang  pantalan kaya magkahiwalay sila ni Berting ng raket kapag hapon.

Isang  araw matapos mananghali ay nagmuni muni si Athena sa kanilang barong barong ay ginambala siya ng pagtawag ni Mang Isong.

Sakang na naglalakad ito palapit sa bahay nila magagambala ka talaga dahil nasa bukana pa lang ito ng bakuran ay nagdadakdak na habang ngungunuya ng nganga ang bibig.

"Nganga" ang tawag sa lokal na tabaco na hindi nakabalot sa tuyong dahon. Sariwa ito na kailangang nguyain para kumatas.

"Mang Isong nadalaw ho kayo,wala rito ang tatay ko.Nameyesta sa kabilang pangpang"

Sabi ni Athena.

"Eh hindi naman ang ama mo ang sadya ko. Eh ikaw talaga sana. Parene ka at ng magusap tayo"

Sabi ng matanda. Pumanaog naman si Athena at niyaya ang matandang maubo sa balkonahe.

"Ano po bang sadya ninyo Mang Isong" Tanong ni Athena nangiisip kong ano kaya ang kaipangan ng matanda.

"Eh kase dumating ang anak ng amo ko dati.Kailangan niya ng service para makapunta sa kabilang pangpang at makabalik naman sa kabila" Sabi nito.

"Ho? Teka naguguluhan ho ako" Sabi ni Athena.

"Kailangan niya ng service na banka payaot parito.At ikaw ang nerecomenda ko dahil hindi ko na kayang magsagwan" anmg matanda na ang sumagot.

"Ahhhh yun lang pala eh sige ho kelan ba siya tutungo sa ibayo?"

Dumating na siya at kapag pumayag ka papupuntahin ko ja sa pangpang" sabi ng matanda.

"Ahh Athena, kailangan mo sin siyang hintayin na umuwi ha" Bilin ni Mang Isong

"Ahh no problem po.H9dni ko pa nararansana yan dahil madalas hatid lang ang gawain ko may mga nakaantabay naman kaseng bangkero doon pero kung magpapaantay po siya eh di hihintayin ko" Sabi ni Athena.

"Double po ang presyo ha dahil bukod sa abala eh ihahatid ko pa siya pauwi " dagdag pa ng dalaga.

"Naku walang problema galante ang anak na iyon ng amo ko. Oh siya gumayak ka na st pasasabihan ko siyang pumayag ka na" Sabi ngatanda at pasakang na uling lumakad palabas ng bakuran nila Athena.

Nag suot lamang ng lumang pimutol na maong short ang dalaga. Kalahati ito sa kanyang legs kaya kahit paaano ay  kita ang Magandang hubog ng kanyang hita bukod pa sa mabalihibo ang dalaga. Kung tuksuhin nga siya noon ay balbon.Pinaghili daw kase siya sa balot ng kanyang ina at sa makopa.

Kaya naman kahit  probinsya na ay likas na mamula mula si Athena. Noon nga ay madalas natutukso ang kanyang ama dahil napagkakamalan siyang ampon o hindi anak ng ama. Minsan naisip niya baka un marahil ang dahilan, marahil napipion ang ama at  hind lang pinahahalata pero siya ang binabawian.

Nagdalaga kase siyang hindi malapit sa ama, at sa totoo lang lumaki siyang kung ituring ng ama ay parang lalaki. Pero sa turing lang naman at sa mga  gawain. Hindi naman niya masisisi dahil siya nga naman ang panganay at maliit pa si Carlo noon.

Nakapagtataka lang na iuutos sa kanya ng ama ang pagiigib sa balon samantalang nagkukuyakoy lang naman ito sa balkonahe Habang nangppapagas ng  mais na inihaw.

Tenernuhan ni Athena ng puting T-shirt na medyo loose lang para  komportable ang dalaga. Hindi na siya nagabalang magayos dahil magsasagwan lang naman siya ng walang humpay. Itinali ng paitaas ang buhok na paran inaburido. Isinuot ang kanyang pangmalakasang Ramboo na tsinelas  at saka kinuha ang kanyang magic sagwan.

Pasada ang kanyang sagwan maiksi ito pero malapad ang tipada pinasadya ito ni Berting para daw hindi siya masyadong mangawit.

Lumakad na patungon pangpang si Athena kung saan nakadaong ang kanyang Bangka. Iilan lamang silang may sariling Bangka sa lugar na iyong ang iba ay sa Lansa sumasakay yun nga lamang hindi ka hihintayin ng lansa at may oras lamang ang dating at alis nito para rin Barko.

Kaya karamihan sa dayo ay umuupa ng banaka para ihatis sila sa kabing Isala o kung saang bhagi ng Isla niya gustong mamgpunta. Karamihan ay foreigner nan ais galugarin ang kanilang probinsya.Mur lamang ang serbisyo kaya naman kumakayod pa si Athena ng iba ng raket matustusan lang ang pamilyar.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status