“Berting…!! Berting…..!Berting…!!!.” Tawag mula sa binata ng isang malagom na boses ang nagpa balikwas kay Berting na himbing na himbing sa pagtulog.
“Bertin….. ! Berting!.. Bumagon ka na kung hindi ay hihilahin kita at itutulak sa balon” Sabi ng boses na malagom. Pero lalo lamang naghilik ang lalaking tinatawag. Matapos bumalikwas ay nagpalit lang pala ng puwesto ng tulog.
“Berting bibilangan kita ng tatlo kapag hindi ka pa bumangon at nangangawit ako dito humanda ka sa akin lintek ka” Sabi ng malagom na boses na walang iba kundi si Athena.Sinadya niyang akihan ang boses. Balak sana niyang takutin ang matatakuting kaibigan pero wa epek dito, malamang nilasing na naman ito ni Dencio ang isa pa nilang kababata na mahilig umakyat ng niyog.
Bumilang nga ang dalaga at nakatatlo na ay naghihilik pa rin ang lalaki walang choice si Athena kundi ang kunin at tinelas at batuhan ito sa mukha. Pinagdasala na lamang nito na hindi masapol ang ina nito at kapatid na katabi nito matulog.
Ito ang nakapuwesto malapit sa bintana kung saan siya nakadungaw ng konti . Hindi kase niya maiangat ang bintana ng mataas dahil nasa loob ang tukod. Doon pa lamang naalimpungatan ang kaibigan ng masapol iyon ng tsinelas niya sa mukha. RAMBO pa naman ang tsinielas niya kaya mabigat.
“Ano ba..? ano yun..? sino ba yun? Aray ko naman” Reklamo nito na biglang napabalikwas.
“ Masakit yun Teteng ha, sumusobra ka na” Sabi ni Berting na makita siyang sa bintana.
“Batukan pa kita gusto mo. Bumangon ka na diyan at kanina pa ako ngawit dito malamig kaya” Sabi ni Athena.
“Bahala ka dyan antok pa ako. Aga aga pa eh masyado kang early bird tulog pa ang mga isda” Sabi nito at bumalik sa pagkakahiga.
“Oh my God Berting ano yun? Ano yun dios ko po totoo ba ang kuwento ni Aling Esang Diyos ko mahabaging langit tulungan nyo po ang kaibigan ko” nangiinis na sabi ng dalaga.
Napabalikwas naman ang matatakuting si Berting ng maalala ang kumakalat ng kuwento na nakakita ng manananggal si Aling Esang .
“Berting ano yang nasa bubong nyo sinulid ba yan ,Berting..Berting dila ba ng mananggal yan? Berting Dali. kumuha ka ng gunting putulin mo bilisan mo”
Sabi ni Athena na pigil na pigil ang pagtawa. Nakita niyang nataranta si Berting at agad namang tumayo at parang hilong talilong na hindi malaman kung saan hahanapin ang gunting. Nang makita ang gunting ay saka ito takot na pumuwesto sa gitna ng banig na nanginging pa ang mga kamay Habang hawak ang gunting at inaaninag ang sinulid na sinababi ni Athena gamit ang lampara.
Nang hindi mahanap ay tumingin ito kay Athena para sana magtanong kung paano niya nakita ang sinulid pero makita na niyang tawa tawa si Athen na ulo lamang ang nakadungaw sa bintana.
“Ay Buwisit ka Teng yari ka sa akin” Sabi ni Berting saka mabilis na pumanaog at pinagbuksan ng pinto si Athena.
“Hala sige tumawa ka riya sikmurain ka sana o kaya sakitan ng tiyan” Sabi pa ng lalaki.
“Eh paano naman kase napakaduwag mo saka hello? anong oras na alas singko na ng madaling araw tingin mo may mananaggal pa nyan eh hayun at maingay na sa pantalan” Sabi in Athena.
“Eh sa matatakutin yung tao bakit ba?”
“Diyos ko bente kuwatro ka na Berting , hanggang ngayon ba matatakutin ka pa rin” sabi ng dalaga.
“Saka hoy ano ka ba as if namang may bunts sa inyo para dalawin kayo ng mananaggal. Bakit? Berting ilang buwan na yan ha?”
“Utot mo bulate lang yan 24 years na. Oo na tumigil ka na oh ayan kape. Alam kung hindi ka na naman nagkape dahil yang tatay mo walang silbi” inis na sabi ni Berting.
“Oh kape ang ang usapan bakit nauwi sa tatay ko. Sus Wag mo baguhin ang usapan. Duwag ka yun ang usapan dito oy. Isa kang dambuhalang duwag”
“Oo na Oo na, duwag na kung duwag. Oo na kaya tumigil ka na TengTeng pigsain” Sabi nito sabay tawa ng malakas at humigop ng kape.
Ewan ni Athena malakas siyang mamgasar sa kabigan siya ang bully sa kanilang dalawa. Lahat naman kaya sakyan. Pero pag pisa na talaga ang usapan eh talo na siya ewan niya pero bigla siyang napipikon.
“Hoy! Roberto Dela Cruz, tumigil ka na hanggang dun na lang shut up na. Binaon ko na sa ilaim ng kawayanan yun karanasan na yun” Sabi ni Athena.
Isa kase itong karanasang na labis talaga siyang nahiya at doon din nabukig ang isa pa niyang sekreto kaya ayaw niya itong pinaguusapan.
“Aba..Aba Maria Athena Pagaspasin, tantanan mo din ako para manahimik ang bibig ko. Bilisan mo magkape. Hindi ko malaman sayo bakit ganyang ka, kalahating mainit lang tapos lalagyan mo ng malamig na tubig eh di malamig na yun tapos kung higupin mo parang kasabay ko lang. Akala mo mainit eh .Ewan napakawierd mo minsan bakit ka ganyan?”
“ Ewan ko din tanong mo sa tatay ko? " pangbubuska ng dalaga.
“Hindi na gusto mo umbagin ako nun di ko pa man natatapos ang tanong. Kaya nga ata Athea ang ipinangalan sayo eh gusto ka atang maging the next wonder Woman eh” Sabi ni Berting.
“Aba lahat na ng gawaing panlalaki sa iyo na inaasa eh tapos siya nangunguyakoy lang sa banka at hinihintay ang biyaya. Lintek talaga. Kung mayaman lang ako” naiiling na sabi ng binata.
“Kung mayaman ka ano?” Sabi ni Athena na kinulit ang kaibigan dahil nahinto ito magkuwneto at tumitig sa kanya.
“Kung mayaman lang ako pauutangin kita ng patubuan ahahah para mabaon ka ng utang sa akin para pwede kita utos utosan” Sabi ni Berting.
“Ah ganun halika nga rito eto oh may isa pa akong kabilang RaMBo gusto mong mapokpk nito sa ulo” Sabi ni Athena na hinabol pa ng amba si Berting na umikot ikot naman sa kahoy na lamesa. Sakto namang nagising na ala ang ina ni Berting.
“Sabi ko na nga ba at kayo ang maingay dyan kaya ako nagising eh” Sabi ni Aling Maribel.
“Sorry po nay Maribel, ito kaseng si Berting po inaasar na naman ako sa pigsa ko”
Sabi ni Athena na naghanap ng kakampi.Nakatulis pa ang nguso nito.
“Hoy Berting tigilan mo na ang pangaasar mo kay Athena dalaga at binata na kayo wag mo nang ipaalala na malaki ang mata ng pisga niya na at ako pa ang nagpalabas ng nana" Sabi in Aling Maribel na nangingiti.“Hala nagtulungan pa ang mag ina. Talaga naman” Sabi in Athena. Tumayo na ito at nanguna ng lumabas.“Salamat po sa kape. Limang taon na ata akong nakikikape sa inyo. Berting hihintayin na lang kita sa pantalan” Sabi ni Athena na biglang naging matamlay."Ay Hindi! wait... eto na okay na ako wala ng ligo ligo to mamaya na lang tanghali tara na tara na at baka yang haba ng mukha mo abutin ng pasko"Sabi ni Berting saka sumabay na sa kanya maglakad.Ganun ang eksena nila ng kababata araw araw, masaya. Makulit at maingay. Si Berting lamang ang lalaking pinagkakatiwalaan niya. Sa edad niyang Bente tres ay hindi pa siya nangkaka nobyo. Isa lang kase ang crush niya at sekretong malupit pa nabuking lang dahil sa kanyang pigsa.Pagdating sa pantalan ay agad naglilis ng suot na maluw
Ihinanda ni Atena ang banka.Pinunasan anh mga bankitong gawa sa kawayan na uupuan ng pasahero.Saka siya sumandal at inipit sa kilikili ang sagwan at hinintay ang magiging pasahero. Ilang bese na rin siyang nakapaghatid ng mga dayo sa kabilang Isla, naroon kase ang magandang spot ng dagat at naroon ang malalaking coral reefs. Nakapagserbisyo na rin siya sa dayuhan at dasal niya maulit iyon dahil sa malaki magbigay ng tip.Sabi ni Mang Isong ay anak daw ng amo niya ang magiging pasahero, naisip ni Athen na baka ang Malditang si Beatris. Yun lang naman ang alam niyang anak ng amo nitong may ari ng bilihan ng mga pagkain ng manok at kung ano anu pa.Medyo mataray ang isng yun kya naman hinanda niAthena ang sarili. Malamang aastang mayaman iyon dahil kilalng spoild brat ang bababe.“Haist..kung hindi lamang talaga kapos ang kita sa patalan di ko na papatusin ang trabahong ito. Sinkuwenta pesos ang bayan sa paghahatis minsan nattatawad pa ngang trenta.At kung ganitong balikan with pagaant
Maganda ang babae , yung pinaghalong maganda at cute. Kaya wala kang maipipintas. Kung sa kaseksihan para sa kanya ay pasok. May mga lalaking gusto ang payat yung tipong modelo pero mas pasok sa kanya ang medyo may laman and this woman fits the narrative.Alas Dos ng tanghali at tirik ang araw at walang kaarte arte ang babae, wala rin itong kolorete o kahit anumang burloloy sa katawan..also fits his ideal type.Pinakatitigan ni Miguel ang babae, may malalim pero maliit pala itong dimple sa malapit sa bibig katulad ni Mikee na asawa ni Dodot Jaworski na Idol niya noon sa basketball.Marahil mga limang dipa na ang layo nila sa pangpang ng makita ni Miguel na pawisan na ang babae at mamula mula na ang pisnge sa init ng araw.Seryoso ang babae sa pagsasagwan kaya naman naisipan niyang lumipat ng puwesto sa isang upuan na nakadikit sa bangka mas malapit sa babae siya pumuwesto.“Sir teka wag po kayong malikot baka tumaob ang bangka. Bumalik po kayo sa dulo para balance” bilin ng dalaga.
“Miss naman relax na please. Oh eto na yung paddle at least natulungan kita .Ayan o nangangalahati na tayo sa layo. Yun lang naman ang point ko ang sungit mo naman sayang yang ganda mo Miss ano…. Ano nga ulit ang pangalan mo?”“Tse! matagal ko ng alam yan, nananawa na nga ako sa gandang yan walang silbi. Nambola ka pa dyan ihulog kita eh” Sabi ni Athena na dahil sa buwisit ay binilisan ang pag sagwan kahit pa nga mangalay at nananakit na ang braso niya. Tagaktak ang pawis ni Athena ng makadaung sa kabilang pangpang.May maingay na togtog siyang naririnig, baka may liga ng basketball. Malapit kase ang court ng isla sa daungan kaya dinig niya.Kita rin sa kabilang pangpang kung saan sila galing kapag may ilaw dito tuwing pyesta.“Sir anong oras ka babalik?” Tanong ni Athena.“Huh? hind ako sigurado miss eh” sagot ni Miguel Habang may iniisip.“Naku Sir hindi ho tayo pwedeng magpagabi ha, bangka lang tayo. Malalim po ang tubig sa gabi dahil nagsasalubong na ang tubig ilog at dagat
Kumaway kaway si Athena para mapansin nito na nasa tindahan nga siya at kasalukuyan bumabanat ng nguya ng cropek."Ah miss tauhan daw pala ni Kapitana yun pinapupunta ako sa court eh may gagawin daw ako.Mag ja- judge ata ako ng dance contest" sabi ni Miguel na akala mo talaga ay noon lang nalaman ang gagawin."Paano ba ito, nahihiya ako akala ko may paguusapan lang tungkol sa proyekto ng kapistahan nila iba pala" Sabi ni Miguel habang masid ang magiging reaksiyun ng babae."Naku pangmalakasan ka pala Sir.Ihatid na lang kita sir sa plaza sa basketball court sir tapos pag okay ka na dun at makita mo na ang mga mag a assist sayo saka na lang kita iwan dun sir " Sabi ni Athena. Inisip niya kase na dahil sa sinabi nito na magja judge ito ay pahiwatig na iyon na matataglan ito kaya pwede na siyang bumalik. Pagdating nga nila sa court ay nakahanda na ang venue."So kaya pala may malakas na togtog" Sa isip isip ni Athena.Hindi na kinailangan ng lalaki na magtanong. Agad na kase itong sinalu
Pero kasabay ng pagpuring iyon sa lalaki ay ang kurot sa damdamin ni Athena. Nangarap ang dalaga na isang araw ay may isang lalaki rin na sasabihan siya ng ganun yung totoo na hindi na kunwari lang. Sinulyapan ni Athena si Miguel na noon pala ay nakatingin pa sa kanya. Nasa mukha nito ang tila paghingi ng paumanhin kaya tinanguan niya ito. Saka niya ito nakitang ngumiti at nakipagkuwentuhan na sa mga kapwa hurado ng gabing iyon.Samantalang si Miguel naman ay hindi pa nakakamove on sa gulat sa mga nasabi. Dapat sana ay sasabihin lang niya ang salitang thank you at huwag sanang mainip pero kung anu- ano ang nasabi niya at gulat na gulat siya ng sabibin niya pa ang I love you sa dulo ng mensahe niya."Ano yun Miguel?kelan ka pa naging aktor?" Sabi ng niya sa sarili."You're in trouble Miguel... you better be prepared" Babala ng binata sa sarili.Ang buong akala ni Miguel at ni Athena eh matatagalan ang patimpalak. Hindi naman pala. Pitong contestant lang naman ang pagpipilian at kada k
Sinulyapan ni Miguel ang dalaga na tahimik na sa isang sulok at panay ang inom ng tubig. Parang hindi niya gustong matapos ang gabi . Kung pwede lang sabihan ang dalagang dumito lang ito sa kanyang tabi ay ginawa na niya.Pero wala siyang karapatan.Saka baka makakahalata na ang babae na sinasadya na niysng palagi itong malapitan at baka masampal na siya ng tuluyan at baka mapagkalan pa siyang may saltik. Inaya na niya ang babae na uuwi na sila dahil una boring naman na ikalawa ay lumalalim na ang gabi. Tumango naman ito sa kanya at nakayukong lumakad at nanguna na. Nanibago si Miguel dahil hindi madaldal ang babae lalong hindi siya senermunan nito bagkos ay tahimik lang na sumunod.Siguro nga ay talagang pagod na ito at antok na kaya agad tumayo ng yayain niya. Nakaramdam siya ng awa dito. Hindi bagay dito ang ganitong trabaho bukod sa hindi pangbabae ay delikado pa. Mula sa likuran ay pinagmasdan ni Miguel ang dalaga. Mukhang mabagal ito kumilos ngayon kaya lalo niyang naisip na pa
Pagdating sa pang pang ay may ilaw siyang nakita. Tangan ng isang lalaki. Pagdaong ng kanilang bangka ay sinalubong agad sila ng isang lalaking mas labis na nagaalala para sa babaeng kasama niya.Hinila nito ang bangka ng tulyang makasampa sa tabing dagat saka itinali agad sa isang nakabaon na kahoy. "Teng... Teng..anong nangyari?bakit ka ginabi at wala man lang ilaw ang bangka mo. Anong nangyayari dito?" Nagaalalalng tanong ni Berting. "Ah pasensya na medyo ginabi ang event na pinuntahan ko. Ako na ang nagsagwan kase nahihirapan siya huminga" Paliwanag ni Miguel.Pero laking gulat ni Miguel ng lalong magpanic ang lalaki. "Ano? kelan pa?ilang oras na? P*tcha Teng...Teng..." Sabi ni Berting pero hindi na halos makausap si Athena pulang pula na ang mukha nito at mainit na din ang dalaga. "P*tcha ka Teng, anong ginawa mo? nakalimot ka na naman ba?" Sabi ni Berting na biglang binuhat si Athena at inuwi sa kanila. Nakaramdam naman ng panibugho si Miguel dahil sa binuhat ng lalaki ang