Share

Chapter 5

"Mang Greg, itigil mo saglit ang kotse." utos ni Girly sa driver.

"Bakit po Ma'am?!" nagtatakang tanong ng driver pero sinunod din ang sinabi ni Girly.

Mabilis na kumilos ang dalaga at nagawa niyang ipaamoy ang gamot na pampatulog kay Mang Greg.

Nang mawalan ng malay ang driver ay inalis niya ang mahabang skirt ng wedding dress, ang suot niyang belo at mabilis na lumabas ng sasakyan. Tumakbo siya palayo sa bridal car habang hindi pa niya natatanaw ang mga sasakyang nakasunod sa kanila na naharangan ng maraming baka na ipinapastol. Walang nagawa ang mga tauhan ni Mayor dahil mabagal maglakad ang mga baka na nakaharang sa gitna ng kalsada.

Lakad takbo ang ginawa ni Girly sa tabi ng daan. Hanggang sa makita niya ang nakahintong sasakyan na sa tingin niya ay nasiraan.

Pasikretong pumasok si Girly sa loob ng sasakyang nakabukas.

Pumwesto siya sa bandang likuran upang doon siya makapagtago.

Ilang minuto lang ang hinintay ni Girly ng sumakay na sa driver seat ang lalaking nakita niya kaninang tumitingin sa makina ng kotse.

May tumawag sa cellphone ng lalaki na agad na sinagot nito. "Hello, mali-late ako ng dating dahil tumirik sa daan ang dala kong sasakyan. Nakalimutan siguro ni Mang Cardo na tubigan itong van. Okay na, may napakiusapan akong rider kanina na ibili ako ng tubig ng baterya sa malapit na gasolinahan dito." wika ng lalaking walang kaaalam-alam na may kasama na siya sa loob ng sasakyan nito.

"Nasa talyer ang kotse ko, pinadala ko kay Mang Cardo kahapon. Nakitaan ko ng malaking gasgas sa likuran. Nasagi siguro ng hindi ko namalayan. Mga isang oras mahigit nandiyan na ko, Bye na muna, Tita Remy." turan pa ng lalaki sa kausap nito sa cellphone na nadidinig ni Girly.

Pinaandar na ng lalaki ang sasakyan kaya naman lumuwag na ang paghinga ni Girly dahil hindi mawala ang kaba niya kanina ng masilip niya na hinahanap na siya ng ilan sa mga tauhan ng Daddy niya.

Hindi pa sila gaanong nakakalayo ng mapabahing si Girly at narinig siya ng may ari ng sasakyan. Itinigil nito ang Van at tumingin sa likurang upuan.

"Sino ka?!"

"M-Manong, pasensiya na ho kung nagtago ako sa sasakyan mo. Hinahabol po kase ako ng mga lalaki kanina." hinging paumanhin ni Girly na lumabas na sa pinagtataguan niya.

Nagsalubong ang kilay ng lalaki ng makita ang ayos ng dalaga.

"Runaway Bride ah!" komento ng lalaki.

"Manong, pakiusap tulungan mo ko na makatakas sa mga humahabol sa akin. Babayaran kita kung kinakailangan, ilayo mo lang ako dito."

"Hindi ko kailangan ng pera mo Miss. Bumaba ka na dahil ayokong madawit sa problema mo."

"Manong, parang awa mo na, buhay ko ang nakasalalay dito. Ayokong makasal sa lalaking hindi ko mahal."

"Wala akong pakialam sa problema mo, Miss. Bumaba ka na at sa iba ka na humingi ng tulong."

"Manong naman, wala ka bang puso? Nakita mong liblib na itong lugar at ang ayos ko, nakasuot pa ako ng wedding gown. Kung pababain mo ako rito hindi kaya maging delikado ang buhay ko dito. Ganito na lang, tulungan mo ko na makalayo at hindi na mahabol ng mga tauhan ni Dad tapos lahat ng gusto mong ipagawa sa akin ay gagawin ko."

"Sigurado ka?"

"Oo, marunong ako tumupad sa binitiwan kong salita. Gagawin ko ang gusto mo, basta ilayo mo lang muna ako dito, Manong."

Napangisi ang lalaki sa kadesperadahan ng babaeng makatakas sa mga humahabol rito. "Sige pagbibigyan kita, Miss."

"Mabait ka naman pala Manong, pinahirapan mo pa akong makiusap. Thank you.," napangiti si Girly at umayos na ng upo sa loob ng sasakyan.

Ipinagpatuloy ni Enrico ang pagmamaneho at pareho silang tahimik na nag iisip. Ilang oras ang lumipas at itinigil ni Enrico ang sasakyan.

"May extra shirt akong dala diyan sa bag ko, malinis yon, kunin mo at isuot mo na muna. Malapit na tayo sa pupuntahan natin. Ayokong magtaka ang mga tao roon kung makita ka nilang nakasuot ng damit pangkasal."

"Si-sige, pero wag kang titingin dito ha, sa daan ka lang tumingin." nahihiyang sambit ni Girly sa lalaki.

"As if naman na maghuhubad ka. Hindi ako ma-attract ako sa katawan mo, Miss."

"Bakit Manong, bakla ka ba?"

Nasamid ang lalaki sa sinabi ni Girly sa kanya.

"Ako, bakla?! hindi ka naman bulag Miss di ba?" sarkastikong saad na tanong ng lalaki kay Girly.

"Kung hindi ka pala bakla, bakit hindi ka maaakit sa ganda ko?" nang iinis na wika ni Girly dahil sinadya niya naman sabihang bakla ang lalaki dahil para siyang ininsulto kanina nito. Gumanti lang naman siya.

"Napakatanda ko na bang tignan para tawagin mo akong Manong? kanina ka pa manong ng manong, Miss runaway bride. Enrico Briones ang pangalan ko at hindi pa ako matanda para tawagin mong Manong, thirty two pa lang ako."

Hindi sinagot ng lalaki ang tanong ni Girly bagkus iba ang sinabi sa kanya.

"Sorry, yun kase ang nakasanayan namin. Hindi naman porket tinawag kitang manong ay matanda ka na. Pwede naman kaseng kuya ang ibig sabihin nun. Mukha namang mas may edad ka sa akin kaya pag respeto ko na rin yun sa iyo. Girly Francisco naman ang name ko," paliwanag ng dalaga at pagpapakilala na rin.

Magaan ang loob ni Girly kay Enrico at wala siyang nararamdamang takot para sa lalaki kahit na medyo arogante at suplado ang dating sa kanya kanina ng lalaki.

Napansin niya na guwapo si Enrico pero hindi doon nakatuon ang atensyon niya dahil ang nasa isip niya ay paano niya tatakasan ang mga humahabol sa kanya.

"Malapit na tayo sa bahay, bago tayo tumuloy, gusto kong pag usapan natin ang gusto kong ipagawa sa iyo."

"Huh?! bakit parang bigla akong natakot sa ipapagawa mo. Napakaseryoso mo naman, wala ka naman balak na pagsamantalahan ang pagkababae ko di ba?" may kabang wika ni Girly na ikinailing ng ulo ng lalaki at hindi naiwasan na mapangiti. Nakita iyon ni Girly kaya biglang naglaho ang kaba niya.

"Ano bang ipapagawa mo? sabihin mo na." tanong ni Girly na nakapagpalit na ng damit.

"Magpanggap kang girlfriend ko, hanggang sa makasal ang pinsan kong si Kelvin at ang fiancee niya."

"What?!" gulat na tanong ni Girly.

"Aarte ka lang na girlfriend ko sa harap ng mga kamag anak ko. Ano papayag ka? Nga pala ipapaalala ko lang sa iyo na nangako ka kanina na gagawin mo ang gusto ko."

"Wala naman pala akong choice kundi ang sumunod sa ipapagawa mo, nagtanong ka pa! Sige gagawin ko, basta ipangako mo na itatago mo ako sa Daddy ko at kay Vincent ha."

"Pangako, galingan mo ang pag arte lalo na sa harap ni Caroline."

"Nakakaamoy ako ng love triangle ah!" komentong saad ni Girly.

Nanahimik si Enrico at pinaandar ng muli ang sasakyan.

"Kailangan ko pa lang malaman kung sino ka talaga. Baka mabuko tayo na nagpapanggap kung wala akong alam sa pagkatao mo." wika ni Girly.

"Brix Enrico Ocampo Briones ang full name ko. Ako ang CEO ng Briones group of companies. Binata pa ako sa edad na thirty two, sa Amerika ako nagtapos ng college at isang taon pa lang mahigit mula ng bumalik ako dito sa atin." pagpapakilala uli ni Enrico.

"Bilyonaryo ka pala, ang swerte ng mapapangasawa mo. Bakit pala gusto mong magpanggap akong girlfriend mo sa mga kamag anak mo?" curious na tanong ni Girly sa binata.

"I will tell you later, pagdating natin sa bahay." wika ni Enrico.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Girly2 De tomas
hahahahha nagkita na sila ng dalwa kaso..ginawa mong matanda si enrico
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status