"Nakasabayan ko nga palang mamili si Caroline at ang Mommy niya sa supermarket. Sinabi kong parating ka na at kasama mong darating ang girlfriend mo. Itinanong sa akin ni Caroline kung kailan ang balik mo dito, kaya ko naman nasabi." pagpapabatid sa kanya ni Aling Myrna na isa sa nakakaalam ng dating relasyon nila ni Caroline. "Anong sabi ng malaman niya na may kasama ako?" curious niyang tanong. "Wala naman, tipid lang siyang ngumiti. Ikakasal na siya sa pinsan mong si Kelvin next month kaya dapat lang na okay lang sa kanya na may iba ka na rin." komento ni Aling Myrna na biglang nagpaalam sa kanya na pupunta na ng kusina para makapagluto na ng hapunan dahil biglang siyang nanahimik kaya nakaramdam siguro ang ginang na napasobra na ng kadaldalan. Tinanguan lang ni Enrico si Aling Myrna at naiwan na naman siyang mag isa sa sala. Naisip niya na tama naman ang sinabi ng ginang na ikakasal na si Caroline kay Kelvin at wala na dapat na maramdaman pang pagseselos ang dati niyang nobya
Mabilis namang inilock ni Girly ang pinto at napangiti na lang siya sa nangyari. Wala naman kase talagang kasalanan si Enrico at kasalanan niya ang lahat. Dinadaan lang niya sa galit-galitan ang nakakahiyang tagpo. Mahina siyang natawa ng maalala niya ang reaksyon ng mukha ni Enrico ng makita siya nitong hubad bago tumalikod. Sa ginawang pagtalikod ng binata kanina ay nalaman na niyang safe siya kay Enrico. Dahil kung iba sigurong lalaki ay baka hinila na siya at inihiga sa kama at pinagsasamantalahan na. Ang alam niya sila lang dalawa sa bahay. Magsusumigaw man siya sa loob ng silid ay walang makakarinig sa kanya dahil napansin niyang nakasoundproof ang kwarto ng binata. Nagmabilis na si Girly sa pagligo. Naghanap na rin ang dalaga ng bagong sepilyo sa mga cabinet na nasa loob ng banyo. Nakakita siya kaya nagsepilyo na rin siya. Dahil napansin niyang may bath throbe naman ay ginamit na niya iyon para kung sakali ay hindi na maulit ang nangyari kanina. Nang buksan niya ang pinto
Nang magising si Girly ay medyo madilim na sa labas ng bahay dahil pasado alas sais na rin ng gabi. Pagpasok niya uli kanina ng kwarto ay muli na naman siyang nakatulog pagkahiga niya sa malambot na kama. Palabas na sana siya ng silid ng marinig niya ang pagkatok at mahinang pagtawag sa kanya ni Enrico sa labas ng pinto. Binuksan niya ang pintuan at bumungad sa kanya ang maaliwalas na mukha ni Enrico. "Kanina ka pa ba gising?" bungad na tanong sa kanya ng binata. "Kakabangon ko lang. Bakit?" "Nagpahanda na ako ng hapunan natin kina Aling Myrna. Baka kase gutom ka na at nahihiya ka lang na lumabas ng silid mo kaya naman kumatok na ako." saad ni Enrico. "Ah, medyo nagugutom na nga ako. Actually palabas na ako ng kumatok ka." masayang turan niya na ikinangiti naman ni Enrico. "May lakad ka ba?" tanong niya sa binata ng mapansin niyang nakaporma ito. "Wala, dito lang ako sa bahay. Bakit mo natanong?" sagot ni Enrico. "Nakaporma ka eh! Tapos halatang bagong shave ka pa." pagpuna
"Ma'am Ging-ging, sigurado kang gusto mong gawin 'to?" napapakamot sa ulong tanong ni Shiela. "Nagtataka ka ba kung bakit ginagawa natin 'to?" sagot na patanong niya sa anak ni Aling Myrna. "Oo Ma'am eh," nahihiyang sagot ni Shiela. "Ngayong gabi lang naman ito. Ang totoo ay gusto ko lang pagtripan ang mga pinsan ng sir Enrico mo. S'yempre ipapakilala akong girlfriend ni Enrico sa mga relatives niya sa mother side niya mamaya, gusto ko makilala at makita nila akong nerd ngayong gabi. I'm sure pag uwi nila ipapamalita nila sa ibang kamag anak nila na ang girlfriend ni Enrico ay panget na nerd." Nakita niya sa salamin na napangiwi si Shiela sa isinagot niya. Tahimik naman din siyang natutuwa sa reaction ng kasambahay at ipinagpatuloy ang kanyang pagpapakapal sa kilay gamit ang eyebrow pencil. "Ma'am, wag kang magagalit sa itatanong ko ha. May something ka ba?" Natawa si Girly sa sinabi ni Shiela. "Something what? straight to the point, Shiela. What do you mean?" aniya na nakang
Samantala si Enrico naman ay nasa ibaba pa rin at iniisip ang pinag-usapan nila kanina ni Girly habang sila ay naghahapunan. Ang mga gawa-gawang kwento na hinabi nila para maging katotohanan ang pag arte nila mamaya at sa mga susunod pang araw. Napag-usapan nila ang mga ilang bagay na maaaring itanong sa kanilang dalawa na dapat ay pareho sila ng maisasagot. Kung sakali na hindi magtutugma ay dapat malusutan nila ng maayos upang hindi sila paghinalaan na nagsisinungaling. Sinabi sa kanya ni Girly na magpapakita muna siyang nerd sa mga pinsan niya mamaya at bukas ay gagawin na nila ang plano ng dalaga na make over. Pumayag siya sa plano ni Girly dahil ayaw niya munang makipagtalo sa dalaga dahil maraming gumugulo sa isipan niya ngayon. Natawagan at nakausap na niya si Lynette at nasabi na niya sa babae na hindi na niya itutuloy ang plano nila dahil may iba siyang naisip na magandang idea. Hindi niya ipinaalam kay Lynette ang tungkol kay Girly dahil hahaba lang ang kanilang usapan.
"Bebe Labs, ayos ba?" tanong ni Girly na mabilis na nilapitan si Enrico. "Ano yang itsura mo? bakit naman ganyan?" takang tanong niya sa dalaga na naiiling pa ang ulo at nakangiti. "Huwag kang aangal, pinaghirapan ko ito." angil ni Girly. "Hindi kaya ako pagtawanan nung dalawa kapag nakita ka. Akala ko simpleng ayos lang ang gagawin mo. Bakit naman ganyan, Girly?" reklamo ni Enrico. "Sabi ko sa iyo Ma'am, hindi magugustuhan ni Sir ang ayos mo." sabat ni Shiela na ikinatawa ni Girly ng mahina. "Hayaan mo na, babawi ako bukas. Wala akong preparation para makipagkilala sa mga relatives mo ng hindi nila ako mamumukhaan eh! nag iingat lang ako, okay!" pabulong na usal ni Girly kay Enrico. "Ay may pagbulong!" wika ni Shiela na hindi pinansin ng dalawa. "Ma'am, Sir Enrico, okay lang naman kayo, ano?" tanong ni Shiela ng mapansin niyang sumeryoso na ang amo. Napasulyap ng sabay kay Shiela sina Girly at Enrico. "Nakita mo ang kakulitan ng girlfriend ko Shiela, wag mong idadaldal yan s
"Ayoko, Dad! Hindi ko pakakasalan si Vincent. Ayokong maging asawa niya. Hindi ko susundin ang gusto mo!" mariing saad ni Girly sa kanyang ama. Binitiwan ng Daddy ni Girly ang hawak na kubyertos at seryosong binalingan ng tingin ang panganay na anak. "Whether you like it or not, pakakasalan mo ang anak ni Governor Maceda." maawtoridad na wika ni Mayor Arnulfo Francisco sa anak niyang si Girly. "Dad, gusto mo bang pahirapan talaga ang kalooban ko?" malungkot na tanong ng dalaga sa ama. Makikita rin sa mga mata ni Girly ang namumuong luha dahil sa sitwasyong ipinipilit sa kanya ng ama. Hindi siya sinagot ng Daddy niya at ipinakita lang sa kanya ang ginawa nitong pag inom ng tubig sa baso, na para bang sinasabi sa kanya na wala itong pakialam kahit magtampo pa siya. Nasa hapagkainan sila ng oras na iyon at kumakain ng hapunan, kasabay ang Mommy niya at bunsong kapatid na lalaki na nakikinig lang sa pinag-uusapan nilang mag ama. Napabuga ng hangin si Girly at muling sinulyapan ang
Kinaumagahan, bago umalis ng bahay ang Daddy ni Girly, ay ipinaalala muna nito sa kanya na hindi siya pwedeng lumabas ng walang kasamang bodyguard. Nagkibit balikat lang si Girly sa sinabi ng Daddy niya. Sinadya niya rin na hindi kausapin ang ama dahil gusto niyang ipakita at ipadama ang sama ng loob niya. Dahil sa bad mood ang dalaga, hindi na siya nag almusal pa sa bahay nila at maaga siyang nagpunta sa main office nila na may nakabuntot na mga bantay. Si Girly ang namamahala ng lahat ng negosyo ng pamilya nila. Mula ng maupong Mayor ng bayan nila ang kanyang ama ay sa kanya na ipinagkatiwala ang pagpapatakbo ng negosyo. Ang Mommy naman nila ay may sariling dental clinic. Dentista kase ang kanyang ina. Habang ang bunso niyang kapatid na si Andrei ay nag aaral pa rin sa university. Oras na ng lunch break, nasa loob pa rin si Girly ng opisina niya. Tumaas ang isang kilay ng dalaga ng makita niyang pumasok si Vincent sa loob ng opisina niya na may bitbit na mga bulaklak. "Hi, f