"Bebe Labs, ayos ba?" tanong ni Girly na mabilis na nilapitan si Enrico. "Ano yang itsura mo? bakit naman ganyan?" takang tanong niya sa dalaga na naiiling pa ang ulo at nakangiti. "Huwag kang aangal, pinaghirapan ko ito." angil ni Girly. "Hindi kaya ako pagtawanan nung dalawa kapag nakita ka. Akala ko simpleng ayos lang ang gagawin mo. Bakit naman ganyan, Girly?" reklamo ni Enrico. "Sabi ko sa iyo Ma'am, hindi magugustuhan ni Sir ang ayos mo." sabat ni Shiela na ikinatawa ni Girly ng mahina. "Hayaan mo na, babawi ako bukas. Wala akong preparation para makipagkilala sa mga relatives mo ng hindi nila ako mamumukhaan eh! nag iingat lang ako, okay!" pabulong na usal ni Girly kay Enrico. "Ay may pagbulong!" wika ni Shiela na hindi pinansin ng dalawa. "Ma'am, Sir Enrico, okay lang naman kayo, ano?" tanong ni Shiela ng mapansin niyang sumeryoso na ang amo. Napasulyap ng sabay kay Shiela sina Girly at Enrico. "Nakita mo ang kakulitan ng girlfriend ko Shiela, wag mong idadaldal yan s
"Ayoko, Dad! Hindi ko pakakasalan si Vincent. Ayokong maging asawa niya. Hindi ko susundin ang gusto mo!" mariing saad ni Girly sa kanyang ama. Binitiwan ng Daddy ni Girly ang hawak na kubyertos at seryosong binalingan ng tingin ang panganay na anak. "Whether you like it or not, pakakasalan mo ang anak ni Governor Maceda." maawtoridad na wika ni Mayor Arnulfo Francisco sa anak niyang si Girly. "Dad, gusto mo bang pahirapan talaga ang kalooban ko?" malungkot na tanong ng dalaga sa ama. Makikita rin sa mga mata ni Girly ang namumuong luha dahil sa sitwasyong ipinipilit sa kanya ng ama. Hindi siya sinagot ng Daddy niya at ipinakita lang sa kanya ang ginawa nitong pag inom ng tubig sa baso, na para bang sinasabi sa kanya na wala itong pakialam kahit magtampo pa siya. Nasa hapagkainan sila ng oras na iyon at kumakain ng hapunan, kasabay ang Mommy niya at bunsong kapatid na lalaki na nakikinig lang sa pinag-uusapan nilang mag ama. Napabuga ng hangin si Girly at muling sinulyapan ang
Kinaumagahan, bago umalis ng bahay ang Daddy ni Girly, ay ipinaalala muna nito sa kanya na hindi siya pwedeng lumabas ng walang kasamang bodyguard. Nagkibit balikat lang si Girly sa sinabi ng Daddy niya. Sinadya niya rin na hindi kausapin ang ama dahil gusto niyang ipakita at ipadama ang sama ng loob niya. Dahil sa bad mood ang dalaga, hindi na siya nag almusal pa sa bahay nila at maaga siyang nagpunta sa main office nila na may nakabuntot na mga bantay. Si Girly ang namamahala ng lahat ng negosyo ng pamilya nila. Mula ng maupong Mayor ng bayan nila ang kanyang ama ay sa kanya na ipinagkatiwala ang pagpapatakbo ng negosyo. Ang Mommy naman nila ay may sariling dental clinic. Dentista kase ang kanyang ina. Habang ang bunso niyang kapatid na si Andrei ay nag aaral pa rin sa university. Oras na ng lunch break, nasa loob pa rin si Girly ng opisina niya. Tumaas ang isang kilay ng dalaga ng makita niyang pumasok si Vincent sa loob ng opisina niya na may bitbit na mga bulaklak. "Hi, f
Gabi na ng umuwi si Girly sa bahay nila at sinadya niyang magpagabi, upang hindi niya makita ang kanyang ama. "Ginabi ka ng uwi?" bungad na tanong ni Lydia sa anak. "Mom, bakit gising ka pa?" nagulat na tanong ni Girly dahil hindi niya napansin kanina ang kanyang ina na naghihintay sa kanya sa sala. "Gusto kong makausap ka. Alam kong ayaw mong pag usapan ang tungkol sa kasunduang kasal, kaya ka umiiwas sa amin ng iyong ama." "Mommy, pagod ako." "Galit ka sa Daddy mo at nauunawaan kita. Ako rin naman ay hindi sang ayon sa gustong mangyari ng ama mo. Kausapin mo siyang muli at pakinggan. Baka sakaling maunawaan mo siya." payo ni Lydia sa anak. "Anong gusto mong gawin ko Mommy, magmakaawa kay Dad? makikinig ba siya sa akin? hindi naman di ba?! mag aaksaya lang ako ng laway at luha, dahil kahit na mag iiyak ako sa harapan niya ay hindi niya pa rin babaguhin ang desisyon niya." may hinanakit na wika ni Girly. "Nag usap kami ng Dad mo kanina at gusto niyang ipaintindi sa iyo na kail
Araw ng sabado, natuloy ang pamamanhikan ni Vincent sa bahay ng mga Francisco. Kasama niya ang buo niyang pamilya, upang opisyal na hingin ang kamay ni Girly sa mga magulang ng dalaga. "Good evening, Governor, Mrs. Maceda." bating pagsalubong ni Girly sa mga magulang ni Vincent. Maayos na pinakiharapan ni Girly ang pamilya ng binata dahil nangako siya sa kanyang Mommy na hindi siya gagawa ng eksena para masira ang gabi ng pamamanhikan nila Vincent. Dahil batid ng ama ni Girly na labag pa rin sa loob ng anak ang pagpapakasal kay Vincent ay hindi nito hinayaan na magsalita ng matagal si Girly. Inililihis ng ama ng dalaga ang usapan kapag panay ang tanong ng ina ni Vincent kay Girly na napapansin naman ni Governor Maceda kaya pinatahimik na ang asawa nito. Naitakda ang kasal ni Girly kay Vincent, isang buwan matapos ang pamamanhikan. Nagtataka man ang dalaga kung bakit nagmamadali ang pamilya Maceda ay hindi na niya iyon itinanong pa. Nang makaalis na ang pamilya ni Vincent sa bahay
"Mang Greg, itigil mo saglit ang kotse." utos ni Girly sa driver. "Bakit po Ma'am?!" nagtatakang tanong ng driver pero sinunod din ang sinabi ni Girly. Mabilis na kumilos ang dalaga at nagawa niyang ipaamoy ang gamot na pampatulog kay Mang Greg. Nang mawalan ng malay ang driver ay inalis niya ang mahabang skirt ng wedding dress, ang suot niyang belo at mabilis na lumabas ng sasakyan. Tumakbo siya palayo sa bridal car habang hindi pa niya natatanaw ang mga sasakyang nakasunod sa kanila na naharangan ng maraming baka na ipinapastol. Walang nagawa ang mga tauhan ni Mayor dahil mabagal maglakad ang mga baka na nakaharang sa gitna ng kalsada. Lakad takbo ang ginawa ni Girly sa tabi ng daan. Hanggang sa makita niya ang nakahintong sasakyan na sa tingin niya ay nasiraan. Pasikretong pumasok si Girly sa loob ng sasakyang nakabukas. Pumwesto siya sa bandang likuran upang doon siya makapagtago. Ilang minuto lang ang hinintay ni Girly ng sumakay na sa driver seat ang lalaking nakita niya
Samantala sa loob ng simbahan ay nanlambot ang mga tuhod ng ama ni Girly ng malaman nilang tinakasan ng dalaga ang driver at mga bantay nito. Galit na galit si Vincent ng mabatid niya ang ginawa ni Girly. Kahit na nasa loob sila ng simbahan ay nagwala siya roon. Nagpaputok siya ng baril ng ilang beses at sinuntok ang ilan sa mga bodyguards nila. Nagtakbuhan palabas ang ilan sa mga bisita, abay at mga nakikiusyoso. Pinatigil lang siya ng ama niyang Gobernador dahil napapahiya na sila ng sobra sa mga bisitang nasa simbahan na gustong makasaksi sa kasal, pati na rin sa pari na nag sign of the cross na ata dahil sa takot. Umiiyak naman sa takot at kaba ang ina ni Girly. Ang kapatid naman ng dalaga na si Andrie ay parang balewala lang sa kanya ang mga nangyayari. Napaupo at napayuko na lamang si Mayor Arnulfo Francisco sa nalaman at dahil wala rin siyang mukhang maiharap kina Vincent at Governor Maceda. Tahimik na nilapitan ni Governor Maceda si Mayor Francisco at halos pabulong na k
"Girly.., gising na. Narito na tayo sa bahay." pang iistorbo ni Enrico sa natutulog na dalaga. "Uhmm..," mahinang ungol naman ang isinagot ni Girly kaya napailing ang ulo ni Enrico. "Tulog mantika," usal ng binata. "Narinig ko 'yon! Gising ako, tinatamad lang akong magdilat ng mata." wika ni Girly na nakapikit pa rin at nais makalusot. "Talaga lang ha!" nakangising komento ng binata na halata namang hindi pinaniniwalaan ang sinabi ng dalaga dahil kanina ay sinubukan nito na gisingin ito pero hindi naman nagising. "Oo na, tulog mantika na ko." aminadong wika ni Girly na nagmulat na ng kanyang mga mata. "Halata namang puyat ka at naiintindihan ko rin na napagod ka sa pagtakbo mo kanina. Hindi mo kailangang magpanggap sa akin." wika ni Enrico na inaalis na ang seatbelt sa katawan niya. "Pasensiya ka na, napuyat talaga ako kagabi sa kakaisip sa gagawin kong pagtakas. Malakas ba ang hilik ko?" aning saad ng dalaga. "Hindi naman sobrang lakas, medyo lang." sagot ni Enrico at lumabas