Share

Chapter 4

Araw ng sabado, natuloy ang pamamanhikan ni Vincent sa bahay ng mga Francisco. Kasama niya ang buo niyang pamilya, upang opisyal na hingin ang kamay ni Girly sa mga magulang ng dalaga.

"Good evening, Governor, Mrs. Maceda." bating pagsalubong ni Girly sa mga magulang ni Vincent.

Maayos na pinakiharapan ni Girly ang pamilya ng binata dahil nangako siya sa kanyang Mommy na hindi siya gagawa ng eksena para masira ang gabi ng pamamanhikan nila Vincent.

Dahil batid ng ama ni Girly na labag pa rin sa loob ng anak ang pagpapakasal kay Vincent ay hindi nito hinayaan na magsalita ng matagal si Girly. Inililihis ng ama ng dalaga ang usapan kapag panay ang tanong ng ina ni Vincent kay Girly na napapansin naman ni Governor Maceda kaya pinatahimik na ang asawa nito.

Naitakda ang kasal ni Girly kay Vincent, isang buwan matapos ang pamamanhikan. Nagtataka man ang dalaga kung bakit nagmamadali ang pamilya Maceda ay hindi na niya iyon itinanong pa.

Nang makaalis na ang pamilya ni Vincent sa bahay nila Girly ay nilapitan siya ng Daddy niya at kinompronta.

"Bakit hindi ka kumontra ng sabihin nila kung kailan ang araw ng kasal ninyo ni Vincent?"

"Saan ba ninyo ako gustong lumugar Dad? hindi kita maintindihan! Sinunod ko na ang gusto mo, pero parang hindi ka pa rin masaya. Ikaw itong nakipagkasundo sa mga Maceda at nagpilit sa akin na tanggapin ang magiging kapalaran ko sa piling ni Vincent. Ngayong pumayag na ako sa gusto mo ay magtataka ka kung bakit nanahimik lang ako. Ano ba talaga ang gusto mo Dad?!" pikong wika ni Girly.

Natameme naman ang Daddy ni Girly.

"Kung sinabi ko ba ang tunay kong nararamdaman habang namamanhikan sina Vincent, may silbi ba? Wala rin, kase kayo naman ang masusunod sa lahat ng bagay. Now tell me Dad, may sense pa ba sa inyo ang lahat ng magiging opinyon o sasabihin ko?" litanya pa ni Girly sa Daddy niya.

"Magpahinga ka na. May mga lalakarin pa kayo ni Vincent bukas." iyon lang ang nasabi ni Mayor Francisco sa anak.

Bagsak ang balikat ni Girly na tinalikuran ang ama.

Mabilis na lumipas ang mga araw at kalat na sa bayan nila Girly ang pagpapakasal nila ni Vincent. Nakahanda na rin ang lahat sa araw ng kanilang kasal.

"Kasal mo na bukas Girly, ano na ang gagawin mo?" nag-aalalang tanong ni Marina.

Kasalukuyan silang nasa loob ng opisina ni Girly. Nagpilit pa rin siyang pumasok sa trabaho kahit na pinipigilan siya ng kanyang Mommy dahil bukas na ang kasal niya.

"Stick to the plan pa rin, walang magbabago. Dala mo ba ang ipinabili ko sa iyo?"

"Oo, dalawang bote yan, just in case na mawala ang isa, may nakareserba ka. Girly, sigurado ka ba na kaya mong mag isa?"

"Don't worry about me. Nakuha ko na ang tiwala nila Dad, kaya binawasan na ang bantay ko. Yung kausap mong haharang sa mga susunod na kotse sa bridal car, okay na ba?"

"Oo, nakapagbigay na ako ng bayad sa kanila. Alam na nila ang gagawin. Sabi ko sa kanila kapag nagawa nila ng maayos ang trabaho nila ay bibigyan ko sila ng bonus."

"Good, salamat Marina."

"Yung usapan natin, wag mong kalilimutan. Tatawagan mo 'ko agad kapag nakalayo ka na dito."

"Oo, hindi ko kalilimutan. Ayokong mag-alala ka ng sobra ng dahil sa akin. Itabi mo muna ang pera ko, Marina. Five hundred thousand yan. Magsasabi ako sa iyo kapag kailangan kong magparemit. Hindi ko pwedeng gamitin ang mga credit card at ID ko dahil madali akong makikita nila Dad kapag ginamit ko ang mga yun. Makikisuyo ako sa ibang tao na pwede mong padalhan ng pera. Mag iingat ka, Marina. Kapag nakatakas ako, alam kong ikaw ang unang paghihinalaan nila Daddy na tumulong sa akin. Wag kang aamin kahit anong mangyari."

"Alam ko na yun at handa ako magsinungaling para sa ikabubuti mo, Girly. Hindi ang anak ni Governor Maceda, ang lalaking karapat-dapat mong maging asawa. Sasaktan ka lang ng lalaking iyon kapag siya ang nakatuluyan mo. Yun ngang hindi pa kayo ay pinagbabantaan ka niya, ano pa kaya kapag nakasal ka sa kanya." wika ni Marina na hindi talaga boto kay Vincent.

"I'm so blessed to have you. Ang swerte ko dahil sa mayroon akong kaibigan na katulad mo. Makakabawe rin ako sa iyo pagdating ng araw." saad ni Girly na ikinangiti ni Marina sa kanya.

"Alam mo na ba Girly, kung saan ka pupunta?"

"Hindi ko pa alam, bahala na kung saan ako mapadpad. Ang importante makalayo ako dito." sagot ni Girly.

Araw ng kasal...

Maaga pa lang ay aligaga na ang mga tao sa bahay ng mga Francisco dahil tanghali ang oras ng kasal sa simbahan. Nauna na sa simbahan ang magulang at kapatid ni Girly at si Marina na lang ang makakasabay niya na umalis ng bahay.

Hindi sila nag uusap pero panay ang tinginan nila sa salamin.

"Ayan, napakaganda mong bride Ma'am. Bagay na bagay sa iyo ang wedding gown mo." saad ng nag make up sa dalaga.

"True ka diyan, Baks. Sobrang ganda mo talaga Ma'am. Hindi kami magtataka kung bakit baliw na baliw sa iyo ang groom mo."

"Mga tsismosa kayo, ang dami ninyong alam." aniyang nakangiti sa dalawang tumulong sa kanya para mag ayos.

Katok sa pinto ang umabala sa pag uusap nila.

"Ma'am, tumawag na ang Daddy mo. Pinahahatid na po kayo sa akin sa simbahan."

"Sige po Mang Greg, susunod na kami sa labas."

"Tulungan na kita, Girly." saad ni Marina.

"Mauna na kaming lumabas sa inyo ni Baks." wika ng isang nag ayos kay Girly.

"Salamat sa inyo. Mauna na rin kayo sa simbahan, susunod na kami."

Pagkalabas ng dalawa sa silid ay mabilis na ibinulsa ni Girly ang bote ng chloroform at isang panyo sa suot niyang maiksing short pants. Nagbaon din siya ng ilang libong piso dahil alam niyang kakailanganin niya iyon.

"Yung haharang sa daan ok na? hindi magsa-success ang plano kapag hindi nila naharang ang mga nakasunod sa bridal car."

"Easy ka lang, naroon na sila at nakahanda na ang mga baka nilang dala. Mabuti na lang at marami kakilala si Mang Igme na nagpapastol ng mga baka dito sa probinsiya natin. Paglagpas ng bridal car ay ipanghaharang na nila sa daan ang mga bakang alaga nila."

"Thank you...,"

"Ready ka na?" kinakabahang tanong ni Marina.

"Oo, pero ipagdasal mo rin na magawa ko ang plano ko." aniya sa kaibigan na halatang kinakabahan din.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Girly2 De tomas
hahahaha i.pray na makatakas ka.girl
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status