Gabi na ng umuwi si Girly sa bahay nila at sinadya niyang magpagabi, upang hindi niya makita ang kanyang ama.
"Ginabi ka ng uwi?" bungad na tanong ni Lydia sa anak. "Mom, bakit gising ka pa?" nagulat na tanong ni Girly dahil hindi niya napansin kanina ang kanyang ina na naghihintay sa kanya sa sala. "Gusto kong makausap ka. Alam kong ayaw mong pag usapan ang tungkol sa kasunduang kasal, kaya ka umiiwas sa amin ng iyong ama." "Mommy, pagod ako." "Galit ka sa Daddy mo at nauunawaan kita. Ako rin naman ay hindi sang ayon sa gustong mangyari ng ama mo. Kausapin mo siyang muli at pakinggan. Baka sakaling maunawaan mo siya." payo ni Lydia sa anak. "Anong gusto mong gawin ko Mommy, magmakaawa kay Dad? makikinig ba siya sa akin? hindi naman di ba?! mag aaksaya lang ako ng laway at luha, dahil kahit na mag iiyak ako sa harapan niya ay hindi niya pa rin babaguhin ang desisyon niya." may hinanakit na wika ni Girly. "Nag usap kami ng Dad mo kanina at gusto niyang ipaintindi sa iyo na kailangan mong sundin ang napagkasunduan nila ni Governor. Maceda, dahil kung hindi ay malalagay sa alanganin ang pangalang iniingatan ng iyong ama. Marami ng nalalaman sa kanya si Governor at naiipit ang iyong ama, kaya siya pumayag na ipakasal ka kay Vincent. Alam mong mataas ang pangarap ng iyong ama, kaya lahat ay ginagawa niya para lang matupad ang pangarap niyang iyon." litanyang wika ni Lydia sa anak. "Ano 'to Mommy, emotional blackmail? kaya mo ako kinakausap ngayon para mapapayag na rin sa gusto ni Dad? Nakumbinsi ka na ni Dad, hindi ka naman sigurado kung totoo nga ang sinasabi niya sa iyo. Paano kung gawa-gawa lang ni Daddy ang sinabi niya sa 'yo?" "Pero paano kung totoo nga, Girly? Paano ang Daddy mo, ang pamilya natin? Hindi kakayanin ng iyong ama ang kahihiyan kung sakali na isiwalat nila Vincent ang pandarayang ginawa ng Daddy mo noong nakaraang eleksyon." "Mom, future ko ang nakasalalay. Kasalanan ko ba na may ginawang kalokohan si Dad, para siya manalo at ngayon natatakot siyang malaman ng ibang tao ang ginawa niyang kabalastugan. Mommy, ayoko..., matuloy man ang planong kasal sa simbahan hindi pa rin ako magsasabi ng yes i do, sa anak ni Governor Maceda." pagmamatigas ni Girly na ikinabuntong hininga ng kanyang ina. "Anak, gawin mo na lang ang gusto ng Daddy mo. Pakasalan mo si Vincent, alang-alang na lang sa akin at sa kapatid mo. Ako na ang nakikiusap sa iyo. Ayokong madawit ang pamilya natin sa iskandalo." aning pakiusap ni Lydia kay Girly. Kilala ni Girly ang kanyang Mommy. Palagay niya ay nadramahan na naman ng kanyang Daddy ang Mommy niya. "Hanggang kailan ninyo ako gustong magsakripisyo para sa inyo ni Dad, Mommy?" malungkot na saad ni Girly. "I'm sorry, anak. Alam kong unfair sa iyo ang hinihingi kong pabor. Iniisip ko lang ang maaaring mangyari sa ating mag anak kung sakali na hindi natin pinagbigyan ang gusto nila Governor. Hindi ko kaya anak na malagay sa alanganin ang lahat ng pinaghirapan namin ng iyong ama. Ayoko rin na maapektuhan si Andrei, mahina ang katawan ng kapatid mo dahil sa sakit niya at hindi pa nakakatapos ng college." pagpapaunawa kay Girly ng Mommy niya. "Pag iisipan ko, hayaan ninyo iko-consider ko ang mga sinabi mo. Sa ngayon hindi ko pa alam ang isasagot ko, Mommy." ang nasabi lang ni Girly at iniwan na ang ina sa sala. Pagpasok ni Girly sa loob ng kanyang silid ay ibinagsak niya ang pagod na katawan sa ibabaw ng malambot na kama. Nanatili siyang nakahiga at nakatitig sa kisame. Gusto niyang pag isipan ang sinabi ng kanyang Mommy ngunit lutang naman ang isip niya. Tunog ng cellphone niya ang nagpabangon sa kanya sa kama. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa loob ng bag na dala kanina. "Napatawag ka?" tanong ni Girly ng iaccept na niya ang call. "Maybe because i know na kailangan mo ng kausap ngayon." sagot ng kaibigan ni Girly na si Marina. "Bakit, anong tsismis ang nakarating na sa iyong radar?" "Tsismis ba talaga?" komento ni Marina. "Bakit hindi ka na lang magpunta dito sa bahay. Dito tayo mag usap sa kwarto ko. I need a hug, Marina." "Malaki pala ang problema mo hindi ka nagsasabi. Kung hindi pa ako tatawag ay wala kang sasabihin. Hintayin mo ko diyan, darating ako." wika ng kaibigan ni Girly. "Dumiretso ka na lang sa room ko, kapag nakarating ka na." bilin ni Girly kay Marina bago niya ini-end ang call. Ilang minuto lang ang pinaghintay ni Girly ng pumasok sa silid niya si Marina at saktong katatapos lang din naman niyang maligo. "Ang higpit ng bantay ninyo ngayon sa labas ng bahay ah! Bakit, anong nangyari?" saad ni Marina ng makalapit sa kanya at yumakap ng mahigpit. "Talagang tinotoo ni Dad, ang mahigpit na pagbabantay sa akin. Alam niya kaseng anytime ay maaari ko silang takasan." "Tatakas?! Alam mo naguguluhan na 'ko sa iyo eh, pwede bang ikwento mo na from the top ng maunawaan ko ang mga pinagsasabi mo." angal ni Marina sa kanya. "Ipapakasal ako ni Dad, kay Vincent. Dahil gusto ni Governor Maceda na maging asawa ako ng anak niya." "What?! bakit pumayag ang Daddy mo?" "Sinabi sa akin kagabi ni Dad, ang napagkasunduan nila ni Governor. Tutulungan siya ng pamilya Maceda sa susunod na eleksyon para manalo. Pero ang gusto ni Governor ay makasal kami ni Vincent kaagad." sagot ni Girly na naunawaan na ni Marina. "Pumayag ka?" tanong ni Marina. "Of course, hindi noh! Alam naman ninyo na hindi ko type si Vincent at ilang beses ko na ngang binasted pero sadyang makapal ang mukha na nagpipilit na gustuhin ko siya." "Anong sabi ng Daddy mo? Ang Mommy mo, anong naging reaksyon?" "What do you think? kilala mo ang Daddy ko, hindi yun tumatanggap ng rejection. Palagi naman gusto niya ang masusunod at kami dito nila Mommy ay tau-tauhan niya lang." paghihimutok ni Girly at sinabi pa niya sa kaibigan ang pinag usapan nila ng Mommy niya kanina. "Malaking problema nga iyan!" sambit ng kaibigan ni Girly. "Kaya nga tulungan mo ko, Marina." "Ha?! papaano naman kita matutulungan?" "May naisip na akong plano kanina habang hinihintay kita. Kooperasyon mo lang ang kailangan ko. Huwag mo na lang ipaalam sa iba ang pinag-usapan natin para hindi makahalata sina Dad sa plano ko." saad ni Girly. "Sure ka na ba diyan? naiintindihan naman kita na ayaw mong makasal kay Vincent pero paano ang Daddy mo? ang Mommy at kapatid mo?" "Hindi ko kayang sundin ang gusto nilang ipagawa sa akin, Marina. Ayokong makasal sa lalaking hindi ko mahal." wika ni Girly. "Hindi ako naniniwala sa sinabi ni Dad kay Mommy. Gusto niya lang gamitin sa akin si Mommy para pumayag na ako sa kasunduan nila ni Governor." saad pa ng dalaga. Bumuntong hininga si Marina dahil masyadong mabigat ang naging problema ng kaibigan. "Ano, maasahan ba kita? tutulungan mo ba ako?" tanong ni Girly kay Marina. "Sige, pero ipangako mo sa akin na ano man ang mangyari iingatan mo ang sarili mo kapag nakalayo ka na dito sa atin." "Oo naman, pangako na kapag maayos na uli ang lahat, babalik ako dito. Hihingi ako ng tawad sa mga magulang at kapatid ko." nangangakong wika ni Girly sa kaibigan. "Dalasan mo ang punta sa opisina ko. Hindi tayo pwedeng mag chat sa messenger tungkol sa plano. Dapat maging malinis ang lahat para hindi na ako higpitan ni Dad. Kukunin ko muna ang tiwala nilang lahat para bawasan ang mga bantay ko." bilin niya pa kay Marina na sinang-ayunan din nito at inihayag na niya ang mga planong naisip niya.Araw ng sabado, natuloy ang pamamanhikan ni Vincent sa bahay ng mga Francisco. Kasama niya ang buo niyang pamilya, upang opisyal na hingin ang kamay ni Girly sa mga magulang ng dalaga. "Good evening, Governor, Mrs. Maceda." bating pagsalubong ni Girly sa mga magulang ni Vincent. Maayos na pinakiharapan ni Girly ang pamilya ng binata dahil nangako siya sa kanyang Mommy na hindi siya gagawa ng eksena para masira ang gabi ng pamamanhikan nila Vincent. Dahil batid ng ama ni Girly na labag pa rin sa loob ng anak ang pagpapakasal kay Vincent ay hindi nito hinayaan na magsalita ng matagal si Girly. Inililihis ng ama ng dalaga ang usapan kapag panay ang tanong ng ina ni Vincent kay Girly na napapansin naman ni Governor Maceda kaya pinatahimik na ang asawa nito. Naitakda ang kasal ni Girly kay Vincent, isang buwan matapos ang pamamanhikan. Nagtataka man ang dalaga kung bakit nagmamadali ang pamilya Maceda ay hindi na niya iyon itinanong pa. Nang makaalis na ang pamilya ni Vincent sa bahay
"Mang Greg, itigil mo saglit ang kotse." utos ni Girly sa driver. "Bakit po Ma'am?!" nagtatakang tanong ng driver pero sinunod din ang sinabi ni Girly. Mabilis na kumilos ang dalaga at nagawa niyang ipaamoy ang gamot na pampatulog kay Mang Greg. Nang mawalan ng malay ang driver ay inalis niya ang mahabang skirt ng wedding dress, ang suot niyang belo at mabilis na lumabas ng sasakyan. Tumakbo siya palayo sa bridal car habang hindi pa niya natatanaw ang mga sasakyang nakasunod sa kanila na naharangan ng maraming baka na ipinapastol. Walang nagawa ang mga tauhan ni Mayor dahil mabagal maglakad ang mga baka na nakaharang sa gitna ng kalsada. Lakad takbo ang ginawa ni Girly sa tabi ng daan. Hanggang sa makita niya ang nakahintong sasakyan na sa tingin niya ay nasiraan. Pasikretong pumasok si Girly sa loob ng sasakyang nakabukas. Pumwesto siya sa bandang likuran upang doon siya makapagtago. Ilang minuto lang ang hinintay ni Girly ng sumakay na sa driver seat ang lalaking nakita niya
Samantala sa loob ng simbahan ay nanlambot ang mga tuhod ng ama ni Girly ng malaman nilang tinakasan ng dalaga ang driver at mga bantay nito. Galit na galit si Vincent ng mabatid niya ang ginawa ni Girly. Kahit na nasa loob sila ng simbahan ay nagwala siya roon. Nagpaputok siya ng baril ng ilang beses at sinuntok ang ilan sa mga bodyguards nila. Nagtakbuhan palabas ang ilan sa mga bisita, abay at mga nakikiusyoso. Pinatigil lang siya ng ama niyang Gobernador dahil napapahiya na sila ng sobra sa mga bisitang nasa simbahan na gustong makasaksi sa kasal, pati na rin sa pari na nag sign of the cross na ata dahil sa takot. Umiiyak naman sa takot at kaba ang ina ni Girly. Ang kapatid naman ng dalaga na si Andrie ay parang balewala lang sa kanya ang mga nangyayari. Napaupo at napayuko na lamang si Mayor Arnulfo Francisco sa nalaman at dahil wala rin siyang mukhang maiharap kina Vincent at Governor Maceda. Tahimik na nilapitan ni Governor Maceda si Mayor Francisco at halos pabulong na k
"Girly.., gising na. Narito na tayo sa bahay." pang iistorbo ni Enrico sa natutulog na dalaga. "Uhmm..," mahinang ungol naman ang isinagot ni Girly kaya napailing ang ulo ni Enrico. "Tulog mantika," usal ng binata. "Narinig ko 'yon! Gising ako, tinatamad lang akong magdilat ng mata." wika ni Girly na nakapikit pa rin at nais makalusot. "Talaga lang ha!" nakangising komento ng binata na halata namang hindi pinaniniwalaan ang sinabi ng dalaga dahil kanina ay sinubukan nito na gisingin ito pero hindi naman nagising. "Oo na, tulog mantika na ko." aminadong wika ni Girly na nagmulat na ng kanyang mga mata. "Halata namang puyat ka at naiintindihan ko rin na napagod ka sa pagtakbo mo kanina. Hindi mo kailangang magpanggap sa akin." wika ni Enrico na inaalis na ang seatbelt sa katawan niya. "Pasensiya ka na, napuyat talaga ako kagabi sa kakaisip sa gagawin kong pagtakas. Malakas ba ang hilik ko?" aning saad ng dalaga. "Hindi naman sobrang lakas, medyo lang." sagot ni Enrico at lumabas
Pagkaakyat ni Girly ay nanatili pa si Enrico sa sala. Hindi pa rin maalis sa kanyang mga labi ang ngiti. "Bebe Labs! in fairness ang cute ng naisip niyang itawag sa akin." mahinang sambit niya ng maalala na naman ang huli nilang pag uusap ni Girly. "May lahi kayang mangkukulam ang babaeng iyon? Paano nangyaring napapayag niya akong tulungan siya?" usal ni Enrico na hindi maunawaan ang naging desisyon niya. Naalala ni Enrico na may nakausap na siyang magpapanggap na girlfriend niya sa plano niyang alamin kung talaga ba na hindi na siya mahal ng dati niyang nobya. Ang usapan ay mauuna lang siya ng tatlong araw at susunod sa kanya si Lynette sa probinsya. Si Lynette ay isang escort girl na baguhan pa lang sa trabaho ng ipakilala sa kanya ng kaibigan niyang si Nick. Naging regular costumer siya ng babae kaya nakapalagayan na niya ito ng loob. Nakapagbigay na nga siya ng paunang bayad sa kanilang usapan. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang nakipag-deal kay Girly at ito
"Nakasabayan ko nga palang mamili si Caroline at ang Mommy niya sa supermarket. Sinabi kong parating ka na at kasama mong darating ang girlfriend mo. Itinanong sa akin ni Caroline kung kailan ang balik mo dito, kaya ko naman nasabi." pagpapabatid sa kanya ni Aling Myrna na isa sa nakakaalam ng dating relasyon nila ni Caroline. "Anong sabi ng malaman niya na may kasama ako?" curious niyang tanong. "Wala naman, tipid lang siyang ngumiti. Ikakasal na siya sa pinsan mong si Kelvin next month kaya dapat lang na okay lang sa kanya na may iba ka na rin." komento ni Aling Myrna na biglang nagpaalam sa kanya na pupunta na ng kusina para makapagluto na ng hapunan dahil biglang siyang nanahimik kaya nakaramdam siguro ang ginang na napasobra na ng kadaldalan. Tinanguan lang ni Enrico si Aling Myrna at naiwan na naman siyang mag isa sa sala. Naisip niya na tama naman ang sinabi ng ginang na ikakasal na si Caroline kay Kelvin at wala na dapat na maramdaman pang pagseselos ang dati niyang nobya
Mabilis namang inilock ni Girly ang pinto at napangiti na lang siya sa nangyari. Wala naman kase talagang kasalanan si Enrico at kasalanan niya ang lahat. Dinadaan lang niya sa galit-galitan ang nakakahiyang tagpo. Mahina siyang natawa ng maalala niya ang reaksyon ng mukha ni Enrico ng makita siya nitong hubad bago tumalikod. Sa ginawang pagtalikod ng binata kanina ay nalaman na niyang safe siya kay Enrico. Dahil kung iba sigurong lalaki ay baka hinila na siya at inihiga sa kama at pinagsasamantalahan na. Ang alam niya sila lang dalawa sa bahay. Magsusumigaw man siya sa loob ng silid ay walang makakarinig sa kanya dahil napansin niyang nakasoundproof ang kwarto ng binata. Nagmabilis na si Girly sa pagligo. Naghanap na rin ang dalaga ng bagong sepilyo sa mga cabinet na nasa loob ng banyo. Nakakita siya kaya nagsepilyo na rin siya. Dahil napansin niyang may bath throbe naman ay ginamit na niya iyon para kung sakali ay hindi na maulit ang nangyari kanina. Nang buksan niya ang pinto
Nang magising si Girly ay medyo madilim na sa labas ng bahay dahil pasado alas sais na rin ng gabi. Pagpasok niya uli kanina ng kwarto ay muli na naman siyang nakatulog pagkahiga niya sa malambot na kama. Palabas na sana siya ng silid ng marinig niya ang pagkatok at mahinang pagtawag sa kanya ni Enrico sa labas ng pinto. Binuksan niya ang pintuan at bumungad sa kanya ang maaliwalas na mukha ni Enrico. "Kanina ka pa ba gising?" bungad na tanong sa kanya ng binata. "Kakabangon ko lang. Bakit?" "Nagpahanda na ako ng hapunan natin kina Aling Myrna. Baka kase gutom ka na at nahihiya ka lang na lumabas ng silid mo kaya naman kumatok na ako." saad ni Enrico. "Ah, medyo nagugutom na nga ako. Actually palabas na ako ng kumatok ka." masayang turan niya na ikinangiti naman ni Enrico. "May lakad ka ba?" tanong niya sa binata ng mapansin niyang nakaporma ito. "Wala, dito lang ako sa bahay. Bakit mo natanong?" sagot ni Enrico. "Nakaporma ka eh! Tapos halatang bagong shave ka pa." pagpuna