Share

Chapter 11

Nang magising si Girly ay medyo madilim na sa labas ng bahay dahil pasado alas sais na rin ng gabi.

Pagpasok niya uli kanina ng kwarto ay muli na naman siyang nakatulog pagkahiga niya sa malambot na kama.

Palabas na sana siya ng silid ng marinig niya ang pagkatok at mahinang pagtawag sa kanya ni Enrico sa labas ng pinto.

Binuksan niya ang pintuan at bumungad sa kanya ang maaliwalas na mukha ni Enrico.

"Kanina ka pa ba gising?" bungad na tanong sa kanya ng binata.

"Kakabangon ko lang. Bakit?"

"Nagpahanda na ako ng hapunan natin kina Aling Myrna. Baka kase gutom ka na at nahihiya ka lang na lumabas ng silid mo kaya naman kumatok na ako." saad ni Enrico.

"Ah, medyo nagugutom na nga ako. Actually palabas na ako ng kumatok ka." masayang turan niya na ikinangiti naman ni Enrico.

"May lakad ka ba?" tanong niya sa binata ng mapansin niyang nakaporma ito.

"Wala, dito lang ako sa bahay. Bakit mo natanong?" sagot ni Enrico.

"Nakaporma ka eh! Tapos halatang bagong shave ka pa." pagpuna
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Girly De tomas
wahhhh kilig ako bebe labs
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status