Share

The Runaway Bride's Keeper
The Runaway Bride's Keeper
Author: Moonstone13

Chapter 1

"Ayoko, Dad! Hindi ko pakakasalan si Vincent. Ayokong maging asawa niya. Hindi ko susundin ang gusto mo!" mariing saad ni Girly sa kanyang ama.

Binitiwan ng Daddy ni Girly ang hawak na kubyertos at seryosong binalingan ng tingin ang panganay na anak.

"Whether you like it or not, pakakasalan mo ang anak ni Governor Maceda." maawtoridad na wika ni Mayor Arnulfo Francisco sa anak niyang si Girly.

"Dad, gusto mo bang pahirapan talaga ang kalooban ko?" malungkot na tanong ng dalaga sa ama.

Makikita rin sa mga mata ni Girly ang namumuong luha dahil sa sitwasyong ipinipilit sa kanya ng ama.

Hindi siya sinagot ng Daddy niya at ipinakita lang sa kanya ang ginawa nitong pag inom ng tubig sa baso, na para bang sinasabi sa kanya na wala itong pakialam kahit magtampo pa siya.

Nasa hapagkainan sila ng oras na iyon at kumakain ng hapunan, kasabay ang Mommy niya at bunsong kapatid na lalaki na nakikinig lang sa pinag-uusapan nilang mag ama.

Napabuga ng hangin si Girly at muling sinulyapan ang ama niya.

"Mula pa noon sinusunod ko na ang mga gusto mo ng wala kayong naririnig na pag angal mula sa akin, Dad. Ikaw palagi ang nagdedesisyon para sa akin, kahit na nasa tamang edad na ako. Bata pa lang ako alam ninyo ni Mommy na pangarap kong maging Doctor, pero ayaw mo dahil ang gusto mo ang kuhanin kong kurso ay business management para may makatuwang ka sa negosyo natin. Kahit na ayoko ay sinunod kita, Dad. Ngayon lang ako makikiusap sa iyo Daddy, wag mo namang saklawan pati ang desisyon ko sa pagbuo ng sarili kong pamilya. Ayoko pang mag asawa at hindi si Vincent ang lalaking gusto kong pakasalan." paglalabas ng sama ng loob ni Girly.

"Anong masama kung sundin mo ang mga plano ko para sa iyo, Girly?! Gusto ko lang naman na maging secured ang kinabukasan mo. Kung ang anak ni Governor ang mapapangasawa mo, hindi ka makakaranas ng hirap. Mayaman ang pamilya Maceda at kilala ang angkan nila sa buong probinsya natin." singhal ni Mayor kay Girly.

Napapikit ng kanyang mata ang dalaga dahil pakiramdam niya ay useless lang ang pakiusap na sinabi niya sa ama.

"Bakit naghihirap na ba ang pamilya natin? Hindi naman ah! Ako ang nag aasikaso ng lahat ng negosyo natin, kaya alam kong hindi nalulugi ang mga business natin, Dad. Huwag ninyong ibigay sa akin ang ganyang rason para mapapayag ako sa kasal na nais ninyo. Anak mo 'ko, Dad, hindi ako robot na mapapasunod mo sa lahat ng gusto mong mangyari. May sarili akong pag iisip at kagustuhan. Alam ko naman ang tunay na dahilan kung bakit gusto mong makasal ako kay Vincent. Sarili mong kapakanan ang inaalala mo, yun ang totoo!" aniya sa ama.

"Pak!" malakas na sampal sa kanang pisngi ang tinamo ni Girly mula sa kanyang ama dahil da ginawa niyang pagsagot na pabalang.

Napabaling sa kaliwa ang mukha ni Girly sa sobrang lakas ng sampal sa kanya. Napahawak pa nga siya sa kanyang pisngi na nasampal dahil sa sakit na kanyang naramdaman.

"Arnulfo, tama na yan! Ayaw ng anak natin na magpakasal sa anak ni Governor Maceda. Huwag mo ng pakialaman pati ang personal na buhay ni Girly. Hayaan natin siyang mamili ng lalaking gusto niyang maging asawa balang araw." pagsabat na ni Lydia sa usapan ng mag ama at nilapitan ang panganay na anak ng magulat ito sa ginawa ng kanyang asawa.

"Okay ka lang, Iha?!" nag aalalang tanong ng Mommy ni Girly at sinuri din ang pisngi ng anak na nalapatan ng palad ng ama nito.

Tumingin si Girly sa kanyang Mommy at bahagyang tumango ng alisin na niya ang isang kamay niya sa kanyang namumulang pisngi.

"Nakita mo ang ginawa mo sa anak mo, Arnulfo?!" galit na galit na wika ni Lydia sa asawa.

"Manahimik ka, Lydia! Nakapagbitiw na ako ng salita kay Governor. Nakipag-kompromiso na ko sa kanilang mag ama at napag-usapan na namin ang ilang detalye ng magiging kasal nila Girly at Vincent. Matutuloy ang kasal kahit ayaw ng anak mo." pahayag ni Mayor Francisco sa asawa.

"Dad, i can't believe you! You doing this to me, para makasigurado ka na mananalo kang Congressman sa next election. Dahil iniisip mong malaki ang maitutulong ng pamilya nila Vincent sa pangangampanya mo. Akala mo, hindi ko alam ang mga pinaplano mo, pati ako gusto mong idamay matupad lang ang panga--,"

Malakas na hampas sa lamesa ang nagpatigil sa pagsasalita ni Girly.

Iniharang naman agad ni Lydia ang katawan niya sa anak dahil inakala nito na muling sasaktan ng asawa niya ang panganay nila.

"Iha, doon ka na muna sa silid mo. Mag-uusap lang muna kami ng Daddy mo. Ikaw din Andrei, pumasok ka na sa kwarto mo." utos ni Lydia sa dalawang anak.

"S-Sige po," aning sagot ni Andrei sa mommy nila at naglakad na itong palayo sa kanila.

Hindi naman nagpatinag si Girly sa galit ng ama. Imbes na sumunod sa kapatid sa pag alis sa dining room ay nanatili ang dalaga sa kinauupuan.

"Girly, sige na iha, iwanan mo na muna kami ng Daddy mo rito," utos pang muli ni Lydia sa panganay na anak.

"Ayoko, Mommy. Gusto kong marinig ang pag-uusapan ninyong dalawa ni Dad." pagtanggi ni Girly.

Napaupo na lang uli ang mommy niya na wala rin nagawa.

"Kahit ano pa ang sabihin ninyong mag ina buo na ang aking pasya. Ipapakasal pa rin kita Girly kay Vincent," saad ni Mayor sa mag ina niya.

"Arnulfo, maawa ka sa anak natin. Hindi niya gusto ang lalaking nais mong maging asawa niya. Gagawin mo lang miserable ang buhay ng anak mo." pakiusap ng mommy ni Girly.

"Kapag mag asawa na sila, matututunan din niyang mahalin si Vincent." ang sagot naman ng ama ng dalaga.

"Nilamon na talaga ng politika ang pagkatao mo, pati ang anak natin ay nadadamay na. Puro sarili mong kagustuhan ang dapat na masunod, sumusobra ka na, Arnulfo!" galit na turan ni Lydia sa asawa.

"Huwag ninyo akong dramahang mag ina. Final na ang desisyon ko at hindi na mababago pa."

"Ang sama mo! Mabuti ka sa harap ng ibang tao, pero sa aming pamilya mo ay kabaligtaran. Napakawala mong kwentang ama, sa mga anak mo!" pagbulalas ng sama ng loob ng mommy ni Girly.

Nagpanting ang tainga ni Mayor Francisco, kaya mabilis na nahawakan nito sa leeg ang asawa at sinakal.

"Dad.., bitiwan mo si Mommy! Dad, ano ba..?! bitiwan mo ang Mommy ko!!" pag awat ni Girly sa kanyang ama na pilit inaalis ang kamay nito sa leeg ng mommy niya.

"Hayup ka! papatayin mo ba 'ko?!" galit at pasigaw na sambit ni Lydia sa asawa ng matanggal ang kamay ni Arnulfo sa leeg niya at bahagyang umatras sa kanilang mag ina.

"Hindi lang 'yan ang aabutin mo sa akin Lydia, kapag kumontra ka pa sa gusto ko. Ikaw Girly, wag kang magtatangka na tumakas kung ayaw mong saktan ko uli ang mommy mo." wika ni Mayor na pinagbantaan pa ang mag ina niya.

Masamang tingin lang ang ipinakita ni Girly sa ama, na binalewala lang naman.

"This coming saturday, mamanhikan na ang pamilya ni Vincent dito sa bahay. Ang gusto ko ay maghanda kayo, lalong-lalo ka na Girly. From now on, hindi ka na makakalabas ng bahay ng wala kang kasamang body guard. Bahay at sa trabaho lang iikot ang buhay mo ngayon hanggang sa maikasal kayong dalawa ni Vincent." aning turan ni Mayor sa anak na mahahalata sa facial reaction ni Girly na tuluyan ng sumama ang loob sa Daddy niya.

Tinalikuran ni Girly ang Daddy at Mommy niya at iniwan ang dalawa sa hapagkainan. Hindi na kase mapigilan ng dalaga ang pagbagsak ng kanyang mga luha.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
GIRLY DE TOMAS
bakit ksi pipilitin nyo ayaw ngah hahahha ...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status