Share

iv. Airplane

“Panay ang tulog mo lately," puna ni Mommy isang gabi habang kumakain kaming pamilya ng dinner.

"Hindi kaya nasobrahan ka na sa apple juice and apple dessert?" segunda naman ni Hyacinth.

Napalunok ako ng malaki kasama ng apple pie na nginunguya ko. "H-hindi naman. Tinatamad lang talaga ako lately, iniisip ko na nga na bumalik ng New York, ang boring na kasi dito."

Pinag-isipan ko itong mabuti. Buntis man ako o hindi, babalik ako ng New York City. Hindi na kasi maganda ang nangyayari sa relasyon namin ni Wregan—kahapon lang ay nagkita na naman kami sa isang fashion gig. Inaya niya akong magkapi pero nauwi kami sa isang maiinit na p********k. Palagi na lang niyang ginagamit sa akin ang kasunduan namin ng gabing iyon at pinagpipilitan na girlfriend niya ako. Ako naman ay masyadong marupok. Sa halik at halpos ni Wregan Leath nag-iinit na agad ako, hindi na ako nakakapag-isip ng tama, para bang nahihipnotismo ako sa tuwing nagtatama ang aming mga mata.

Tatlong beses nang nagtagpo ang landas namin at sa bawat pagtatagpo namin ay palagi kaming nauuwi sa p********k, at sa bawat p********k hindi kami gumagamit ng proteksyon, lahat ng iyon ay sa loob niya pinutok. Natanggap ko nang posibleng buntis nga ako, ngunit hindi ko pwedeng hayaan na ganito na lang ako. Hindi nakakabuti sa akin ang paglapit kay Wregan Leath, nawawala ako sa aking sarili kaya naman nagdesisyon akong bumalik na ng New York.

"Sa New York ka na ulit, ate? Goods ‘yan, para naman may ginagawa ka. Hindi 'yong tulog ka lang ng tulog buong araw. Tignan mo, tumataba ka na."

Napairap ako sa sinabing iyon ni Venom—ang bunso sa aming magkakapatid. Wala talaga siyang palya pagdating sa pagsira ng mood ko. Hindi lang sa akin pati na sa iba pa naming kapatid, palibhasa’y nag-iisang lalaki at bunso kaya ang lakas ng loob na mangutya sa aming nakatatanda sa kanya.

"Tigilan mo nga ako, Venom. Sira ulo ka talaga!"

"Mommy, oh! Sira ulo daw ako.”

“Venom, tigilan mo nga ‘yan. Hindi ka na bata,” saway ni mommy.

"Sumbungero pa nga," asik ko nang makitang lumabi pa siya.

"Yabang ne’to. Kala mo naman maganda."

Tinarayan ko siya at sinubo ang peraso ng apple pie na kanina ko pa pinaglalaruan sa plato ko. Ugh, baka nga buntis ako. Wala ng ibang laman ako utak at tiyan ko kundi mga apple products—natatakam agad ako.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mong bumalik sa New York?” pagsasalita ni daddy. Umangat ang tingin niya sa akin. “Hindi kita pipigilan sa gusto mo, pero h’wag mong kakalimutan na umuwi tuwing death anniversary ng Lolo Klimt mo,” bilin niya.

Malapad akong ngumiti. “Yes, dad!”

***

Hindi ako mapakali. Palakad-lakad ako sa aking silid habang hinihintay, ang sabi kasi sa instruction ng pregnacy test  ay maghintay ako ng 5mins, pero bakit parang ang tagal? Ugh! Kinakabahan ako. Ang dami kasing signs of pregnancy, natanggap ko nang posibleng may laman ang sinapupunan ko, pero anong gagawin ko kung makomperma ko nga na meron?

Napalingon ako sa tukador nang tumunog ang aking phone. Times up na! Lumipas na ang 5mins. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko, lakas loob akong bumalik ng bathroom at kinuha ang PT na pinatong ko sa gilid ng sink. Nakasara ang isang mata na sinilip ko ang PT at napamura ako nang makita ang dalawang linya doon.

“Lintik lang, buntis nga ako!”

Hindi ko alam kung ilang weeks itong pinagbubuntis ko, pero malamang kung nabuo siya nang gabing iyon siguro 3 weeks na, at kung nabuo man siya nung sa dirty kitchen malamang 2 weeks na. Hindi naman posibleng iyon sa kotse ni Wregan dahil nung nakaraang araw lang naman iyon, so it’s either 2 or 3 weeks month.

Napabuntonghininga na naman ako. Wala na talagang atrasan to, kailangan ko ng bumalik ng New York bago pa mapansin ng mga tao dito sa bahay na nagdadalangtao ako. Mabuti na lang din at wala akong nararanasang morning sickness.

Lumabasa ako ng bathroom bitbit ang PT. Kinuha ko ang brown envelope sa ibabaw ng aking kama at pinasok doon ang hawak na PT. Pagkatapos ay tinungo ko ang tukador at kinuha doon ang aking cellphone at dinayal ang number ng aking manager sa New York.

"Tilaine, I'm glad that you called. How have you been, sweetheart?"

"Ethan, book me a flight back to New York, I need to leave immediately,"

"What? I thought you wanted a break for a while." Nagpa-alam kasi ako na magpapahinga muna sa pagmo-model ng ilang buwan. Paghahanda ko iyon para sa aking moving on stage mula sa una kong heartbreak.

"I will not be returning to work. I need to leave this place as soon as possible. Please, Ethan, help me." I have no choice but to leave before my family discovers my pregnancy. Hindi ako takot maging single mom, ang kinakatakutan ko ay ang galit ni daddy. Sigurado akong babaliktad ang mundo kapag nalaman niya ang totoo, lalo na kung sino ang ama ng baby ko.

"Okay, calm down, sweetheart. I'm not sure what's going on, but I'll help you. I'll book you a ticket now and call your father to let him know—"

"Please make me an alibi," pakiusap ko at alam kong gets na ng manager ko na may problema kaya kailangan kong bumalik ng New York.

"Sure. I'll hang up now, please take care of yourself." 

Sunod-sunod akong tumango kahit hindi nakikita ang kausap. "Yes, thank you Ethan."

***

Gabi ang flight ko at hapon pa lang narito na ako sa airport dala ang alibi na babalik ako ng New York dahil may malaking project na naghihintay sa akin. Ayokong nagsisinungaling sa pamilya ko pero this is for the best. Hindi nila pwedeng malaman na buntis ako at lalong hindi pwedeng malaman ni dad na membro ng Underground Society ang ama ng bata.

Hindi ako hinatid ng pamilya ko sa airport,  labas-pasok kasi ako ng bansa dahil nasa New York ang trabaho ko, sanay na sila na 'di ako hinahatid..

Tumayo ako sa kinauupuan nang makitang may nagkakagulo sa unahan. Natakot agad ako para sa dinadala ko dahil sa mga taong nag-uunahan. Ano ba ang nangyayari? May artista ba? Napailing ako. Mabuti na lang talaga at todo ang ginawa kong disguise para hindi makilala ng mga tao, goodluck na lang sa taong iyon na nagawa pang rumampa sa airport knowing na ang daming tao.

Umihi ako bago sumakay ng eroplano, pero kalahating oras pa lang mula nang mag-take off ang eroplano, he’to at naiihi na naman ako. Ang hustle talaga! Nasa loob na ako ng maliit na CR ng eroplano at isasara na sana ang pinto nang may tumulak niyon at pumasok ang isang lalaki. Handa na akong sumigaw ngunit mabilis nitong tinakpan ang bibig ko.

“Hindi mo sinabing dadalo ka ng NYFW,” wika ni Wregan.

Nagulat ako nang makita siya, ngunit pinanatili kong maging mahinahon. Tinanong niya ako tungkol sa NYFW, ang ibig sabihin ay wala siyang alam tungkol sa pag-alis ko ng Pilipinas para magtago sa New York.

“Hindi ko alam na kailangan ko pa lang ipaalam sa’yo ang schedule ko.”

“Well… Hindi ko rin naman nasabi na dadalo ako, so kwits na tayo.” Nginisihan niya ako. 

“Whatever!” Itinulak ko siya ngunit sahalip na bumitaw, lalo lamang niyang isiniksik ang sarili sa akin. Hindi na ako nagulat nang sinadya niyang iparamdam sa akin ang umpok sa kanyang harapan. Nanghina agad ang mga tuhod ko dahil doon, namasa ang bagay na iyon sa pagitan ng aking mga hita.

“I miss you,” bulong niya sa aking tainga.

“Not here, Wregan…” 

“But I miss my girlfriend.” Nakasimangot na tugon niya.

“Pero nasa eroplano tayo!”

“Isa lang, please?”

“G*ddamnit! I hate you,” reklamo ko ngunit sa huli ay hinayaan rin naman siyang gawin ang kanyang gusto. Mabuti na lang din at tinupad niya ang pangako, umisa lang siya pagkatapos ay lumabas na kami.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status