Share

viii. Stupid Feelings

Six o'clock ng umaga tumulak ako patungo sa condominium ni Wregan Leath. Kagabi niya binigay sa text ang password ng kanyang unit na agad kong na-save sa notes ng aking phone, hindi ko kasi iniiwan ang text thread namin sa inbox ko. Binubura ko agad ang conversation namin para safe, minsan kasi pinakikialaman ng hacker kung kapatid, si Venom, ang cellphone ko.

Pagkatapos kung i-park ang sasakyan at bumaba ng kotse, tinawagan ko si Wregan para ipa-alam sa kanya na nasa ground floor na ako at pa-akyat na ng unit niya. Pero lintik lang talaga, hindi sumasagot sa mga tawag ko ang mokong! Ilang beses ko pang dinayal ang number niya pero wala talagang sumasagot kaya sumuko na lang ako.

Pagkarating ko sa pinto ng unit ni Wregan, agad kong pinasok ang pin at nag-unlock naman ang pinto. Napairap ako. Akala ko jino-joke time lang ako ng lalaking iyon, binigay nga talaga sa akin ang password ng bahay niya. Ibang klase!

"Wregan?" tawag ko nang makapasok. Napalingon ako sa center table ng salas at agad napailing nang makitang nagkalat doon ang empty bottle ng mamahaling mga alak at tira-tirang pulutan. "Nakakaloka! Ganito ba siya sa bahay niya? Takaw ipis at daga!” reklamo ko at tinungo ang salas. 

Inilapag ko sa sofa ang aking shoulder bag at sinimulan ang paglilinis sa center table. Una kong pinulot ang mga bote ng alak na wala ng laman at itinapon iyon sa trash bin. Sunod kong tinapon ang mga basura at ang panis na mga pulutan, saka hinugasan ang mga utensils at glasses na ginamit kagabi. Bakit ba kasi hindi siya naglinis bago natulog? Pambihira talaga ang lalaking iyon!

Pagkatapos kong maglinis ng salas, nagluto na din ako ng breakfast namin habang tulog pa si Wred at ang ama nito. Mahirap ng gumalaw sa bahay kapag gising na si Wred, kailangan nasa kanya ang buong atensyon namin para mabantayan at maalagaan siya ng maayos. Simpleng French toast at black coffee lang ang hinanda ko for breakfast. After preparing the food, umakyat na ako sa second floor ng condo para gisingin ang mag-ama. Napaka ironic. Talagang mag-ama ang sinabi ko? Ano complete family ang peg?

“Wregan?” Kumatok ako sa unang pinto na nakita ko at maingat iyong binuksan. Nahigit ko ang hininga at naistatwa sa aking kinatatayuan nang makita ang mag-ama na mahimbing na natutulog sa ibabaw ng kama. Bahagya akong natawa nang mapansin ang dalawang unan na nilagay ni Wregan sa kabilang bahagi ng kama bilang harang upang hindi malaglag si Wred kung sakaling gumalaw ito sa kabilang dereksyon.

“Hindi ko alam na may maternal instinct ka,” komento ko nang makalapit sa kanila. “Pero in fairness bagay sa ‘yo,” dagdag ko at maingat na umupo sa gilid ng kama. Nilibot ko ang tingin sa buong silid. Malinis naman, hindi tulad sa sala na sobrang kalat. Mahina akong tumawa nang makita ang mga baby bottle ni Wred na wala ng laman sa side table. Tatlong empty bottle ang naroon, napailing ako dahil natumba ang lahat ng picture frame na naroon at ang baby bottles lang ang nakatayo ng maayos. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para kunin ang isa sa apat na picture frame na naroon. Pero ang tuwa ko sa lalaking buong gabi na nag-alaga sa baby ko ay napalitan ng pagka-irita. Sino ba ang hindi maiirita? Larawan lang naman iyon ni Carnation, ang ex-girlfriend niya na asawa na ngayon ng kaibigan niya.

“Good morning, beautiful.” Parang binuhusan ako ng malamig na tubig na binalik sa ibabaw ng side table ang hawak na picture frame. Dahil sa pagkataranta nasagi ko pa ang mga baby bottle kaya nahulog ang mga iyon sa carpeted floor ng kwarto.

“I’m sorry," paumanhin ko at pinulot ang mga baby bottle. "Nagulat lang ako, gising ka na pala.” Nahuli ko siyang sumulyap sa frame na hawak ko kanina, ngunit agad din binaling sa akin ang atensyon niya.

“Ang aga mo naman.”

“Tanghali na kaya, tulog mantika ka lang talaga. May laway ka pa!”

“Oh! Sorry.” Mabilis niyang pinahid ang labi kahit wala talagang laway doon, nagbibiro lang naman ako. “I typically wake up at 5 a.m. to jog. Puyat lang talaga ako kagabi. Ilang beses kasing nagising si Wred para humingi ng gatas.”

“Tatlong beses siyang gigising sa gabi, at isang beses siyang gigising sa madaling araw para humingi ulit ng gatas,” sabi ko at nag-iwas ng tingin sa kanya, at ibinaling iyon kay Wred.

"Yeah, nabasa ko sa notes na iniwan mo." Tamango ako sa sinabi niya. Now, what? Bigla na lang naging awkward ang atmosphere dahil sa lintik na picture frame na iyon. Hindi ko alam kung paano siya pakikitunguhan kapag ganito siya kaseryoso.

"Ah, pwede ka ng kumain ng breakfast sa ibaba, naghanda ako ng French breakfast. Ako na ang bahala kay Wred." Tumango siya at tumayo ng kama. Hindi siya nagsalita at diretso lang na lumabas ng kwarto. Ako naman ay nakangiwing kinamot ang ulo. Pambihira. Paano ko ngayon lalampasan ang isang buong araw na kasama siya?

***

Bumaba ako ng hagdan na karga si Wred. Tapos ko na siyang i-breastfeed at paliguan. Sa kusina namin naabutan ang ama ni Wred, naghuhugas ito ng pinagkainan namin kanina. Pakanta-kanta pa ito.

"Marunong ka pa lang maghugas," sarkastiko kong sabi at hinila ang upuan sa ilalim ng dining table, saka ako naupo doon, karga pa rin si Wred.

"I live alone, Miss Doukas."

"I figured."

"Hindi ko lang talaga nailigpit ang mga kalat kagabi dahil hindi tumigil sa kaiiyak ang anak natin," anya. Tuloy pa rin sa ginagawa.

"Anak ko, Wregan Leath.." Doon siya natigilan, pero agad din namang natauhan at nagpatuloy sa paghuhugas na ginagawa. "Huwag mong kalimutan na sandaling panahon lang ang binigay ko sa ‘yo para makasama si Wred."

"Hindi lang ikaw ang may karapatan sa anak natin. Tandaan mo. Itinago mo sa ‘kin si Wred," tugon niya at hinarap ako. "Hindi mo pwedeng tanggalin ang karapatan ko sa anak natin, kahit baliktarin mo pa ang mundo o patayin ako, ako pa rin ang ama ni Wred. Dugo ko ang nananalaytay sa mga ugat niya."

"Gosh! Napaka-exaggerated talaga! Bakit naman kita papatayin? Hindi ako kriminal para gawin 'yon." Grabe. Bayolente din pala ang lalaking ito. Patayan talaga? Seriously?

"Hindi mo naman kasi kailangan ilayo sa akin si Wred. Okay na akong makita siya isa o dalawang beses sa isang linggo, huwag mo lang itago ulit sa ‘kin ang anak natin." 

Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko. 

"Fine. Pagkatapos nito pwede mong dalawin si Wred sa New York kahit kailan mo gusto. Just make sure that nobody knows about Wred...especially my family." Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Wregan Leath. Bigla na lang nag-igting ang bagang nito dahil sa sinabi ko. 

"Tapatin mo nga ako Miss Doukas, ikinahihiya mo ba ang anak natin?" Nagulat ako sa tanong niya kaya hindi agad ako nakatugon. Bakit ko naman ikahihiya ang anak ko? That's bullsh*t! Si Wred ang pinaka gwapong bata sa buong mundo, at proud ako doon!

"That's not true."

"O baka naman ako ang ikinahihiya mo? Nahihiya ka bang malaman nila na ako ang ama ni Wred? Nahihiya kang malaman nila na nakipag one-night-stand ka sa akin sa gabi ng kasal ng first love mo—"

"That's enough!" Galit kong sigaw, at mukhang natauhan naman siya. "Wala kang karapatan na pagsalitaan ako. Ama ka lang ng anak ko, Wregan Leath." Tumayo ako mula sa upuan at umalis ng kusina bago pa man siya makalapit sa akin. Narinig ko ang pagtawag niya sa akin pero hindi ako huminto, tuloy-tuloy lang akong umakyat ng hagdan at pumasok ng kwarto niya saka nag-lock ng pinto. 

Nakakainis ang lalaking iyon. Bakit kailangan pa niyang banggitin ang nakaraan? Anong pinalalabas niya? Nagsisisi akong nabuo si Wred? Of course, not! Hindi ko pinagsisihan ang nangyari sa amin. Hindi ko ikinahihiya ang nangyari sa amin. Paano ko pagsisisihan kung ang gabing iyon ang pinakamagandang nangyari sa akin sa buong buhay ko? Nakakainis talaga siya! Ano bang alam niya sa nararamdaman ko? Estupido. It’s because I'm just a coward, I'm afraid of my father—hindi dahil sa ikinahihiya ko siya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status