Share

The Seven Sins Series: Wrath (Wregan Leath)
The Seven Sins Series: Wrath (Wregan Leath)
Author: Eu:N

i. Wedding Reception

Hawak ang Negroni, a cocktail drink, walang emosyon sa mga matang pinanood ko  ang couple na nakangiti sa isa't-isa habang romantikong nagsasayaw sa gitna ng piging. I took a sip from my glass, at agad na nalasahan ko ang pinaghalong sarap ng vermouth rosso, campari at gin. 

Ito ang pinaka masayang araw para sa bagong kasal. Ngunit para para sa akin, ito ang araw kung kailan ililibig ko ang luhaan at talunan kong puso. Kaibigan ko ang groom—ang lalaking unang nagpatibok ng aking puso at siya ring nagpatigil ng pagtibok niyon. Napakasakit na makitang masaya sa piling ng ibang babae ang lalaking minahal ko ng buong puso, nagparaya ako dahil hindi ko maatim na pilitin siyang piliin ako.

Nagpalakpakan ang mga bisitang dumalo sa kasal nang masayang nagtapos ang sayaw ng groom at bride. Isa-isang pumalit sa dance floor ang magkakapares nang bisita para mag-sayaw. Tumalikod tumalikod ako upang bigyang daan ang ibang bisita na nais sumali sa sayawan, ngunit nabungo ako ng isang matipunong katawan.

"I'm sorry, hindi kita nakita," agad na paghingi ko ng paumanhin sa nabakabanggaan.

"May I dance with you?" 

Nag-angat ako ng tingin sa lalaking nasa harap. Umasim agad ang timpla ng mukha ko nang makilala ang lalaking kaharap.

"Wregan Leath," tawag ko sa ngalan nito.

"Yes, Miss. Doukas?" Matamis ang ngiti na tugon niya sa akin.

"Move. I want to go home."

"Why? Hindi pa tapos ang party. Don't tell me, nasasaktan ka pa rin sa tuwing nakikita silang dalawa na magkasama at masaya?" tudyo ni Wregan na nagpainis lalo sa akin.

"It's not your damn business, Wregan Leath."

"Dance with me." Inilahad ni Wregan ang kamay sa harap ko.

Tinaasan ko siya ng isang kilay. ‘Ano naman kaya ang gimik ng lalaking ito? Wala ba itong taong magugulo kaya ako ang kinukulit?’ tanong ng aking isipan.

"Sorry, but I don't want to dance with—"

"Talagang ipapakita mo sa kanila na affected ka? Do you want to show them na hanggang ngayon ay hindi ka pa rin maka-move on?” Ngumisi siya sa akin. “Hindi mo pa rin ba malimutan si Lu—”

"Fine. I'll dance with you. Happy?"

Nagkibit balikat siya.

“Gusto ko lang naman ipakita sa kaibigan ko at ex-fiance na okay na ako; na masaya akong masaya sila,” tukoy ni Wregan sa groom at bride.

Umirap ako upang ipakitang nayayamot ako sa topic niya.

Tinanggap ko ang kamay ni Wregan. Dinala niya ako sa gitna ng dance floor. Mabagal ang tugtugin. Ang mga couple na naroon at kasama namin  ay magkayakap na nagsasayaw sa saliw ng musika. Tanging ako at si Wregan lang ang nagsasayaw na halos isang dipa ang layo sa isa't-isa.

"Ang awkward mo isayaw,” mamaya ay reklamo niya sa akin.

"Hindi mo dapat ako niyaya dito kung marereklamo ka lang naman, napapahiya lang tayo pareho." Pagsusungit ko. 

Ngumisi lang si Wregan sa sinabi ko, para bang hindi siya apektado sa pagsusungit ko, mukhang nag-e-enjoy pa nga siyang tinatarayan ko.

"Hindi na 'ko magtataka kung tumanda kang dalaga. Masyado kang masungit para i-date," bulong niya.

“I'm not looking for a date—"

"Type ko ang masungit,” putol niya at maingat na hinawakan ako sa baba. Inangat niya ang aking mukha at tinitigan ng mabuti. “Pero mas type kita.”

Natigilan ako sa sinabi niya, ngunit nanatili akong kalmado, kahit pa ang bilis ng tibok ng puso ko—para itong lalabas na sa rib cage ko. No. Hindi ako dapat magpaapekto sa mabulaklak na salita ng lalaking ito, kilala ko ang mga uri niya. Alam kung kukunin lang niya ang tiwala ko, pa-iibigin ako, at kapag nahulog na ako ng tuluyan sa kanya ay iiwan na ako ng luhaan at duguan ang puso. 

"Sorry, hindi ako interesado sa mga bolerong lalaki na katulad mo."

"Ouch!” Hinawakan nito ang kaliwang d*bdib na para bang nasaktan talaga ito sa sinabi ko. "Hindi pa nga ako pomoporma binasted na,” wika niya at lumabi. “Hindi ko alam kung pinanganak kang bitter o dahil minsan ka ng nasaktan kaya tinutulak mo palayo ang mga lalaking lumalapit sa’yo."

"Both," walang emosyon na tugon ko..

Wregan Leath chuckled. “Cute,” sabi pa niya na hindi nakaligtas sa pandinig ko.

Nagulat ako nang bigla niya akong hinatak at yumapos sa baywang ko ang isang kamay niya, dahilan para hindi ako nakahakbang palayo.

"W-what are you doing?" nataranta kong tanong at nilingon ang paligid. Walang nakatingin sa amin, busy ang mga tao sa paligid namin sa pagsasayaw. Ngunit ‘di ko pa rin gusto ang posisyon naming dalawa!

‘What the f*ck? My heart is beating like crazy!’ sigaw ng aking isip.

"Dancing?" Kibit-balikat, patanong na sagot niya.

Binigyan ko ng masamang tingin ang kaharap. Gusto kong pakawalan na niya ako, ngunit tila hindi man lang ito nakaramdam. Sa halip ay ngumisi lang siya na mas lalong nagpairita sa akin. 

Huminto ako kaya napahinto rin siya sa pagsasayaw. Pareho kaming nakatayo lang sa gitna ng dance floor na parang mga timang.

"Let me go," mariin, puno ng awtoridad na utos ko kay Wregan Leath.

Hindi siya kumilos, ngunit nang mapagtanto na seryoso ako sa aking sinabi, binitawan nito ang baywang ko at itinaas ang parehong mga kamay na para bang kriminal na sumusuko sa mga pulis.

"Saan ka pupunta?" Pinigil niya ako sa braso nang tinalikuran ko siya.

Napairap ako at hinarap siyang muli. Itinuro ko ang roof ng ballroom. "Casa de Lujuria,” sagot ko, tinutukoy ang nightclub sa rooftop ng hotel.

"Can I go with you?"

Pinaningkitan ko ng mata ang lalaki. Now, what? Ang akala ko ay ayaw nitong lisanin ang party. Bakit bigla itong nagpresenta na sumama sa akin?

"I'm heartbroken too. I need a drink or two?" Hindi ko pa man tinanong ay nagdahilan na agad siya. Wala na tuloy akong nagawa kundi hayaan itong sumama sa akin. Tutal naman mapilit siya, siya na ang pagbayarin ko ng mga inumin ko. Okay lang naman sigurong magpalibre sa lalaking ito, as far as I can remember may share rin siya sa hotel katulad ni Luca.

Napahinto ako sa exit at muling tinanaw ang couple sa ibabaw ng platform, nakaupo sa kanilang pwesto. Mapait akong ngumiti…

'Oras na lumabas ako sa function hall na ito, iiwan ko na rin ang feelings ko para sa'yo, Luca.'

"Come on, tigilan mo na ang katitig sa kanya. Ako ang kasama mo, hindi maganda na tumitingin ka sa ibang lalaki, Miss Doukas. You're hurting me."

Hinarap ko si Wregan Leath at sinamaan ng tingin, nginisihan lang naman ako nito.

"Ayos, ah? Ganyan mo rin kaya ako tingnan kapag dinala kita sa langit?"

"Shut up! I'm not going to f*ck you."

“Okay, sabi mo, eh!” Casual niyang tugon at inakbayan ako. “Tara, inom na inom na ako,” anya at hinatak na ako palabas ng function hall kung saan ginaganap ang wedding reception ni Luca at Carnation.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status