Share

Chapter 56

Nasa may pinaka-rooftop ng isang sampung palapag na gusali si Selena at nakatanaw sa papaliwanag na langit. Ilang minuto na lamang at lalabas na ang sikat ng araw. Pinili niya sa puwestong ito dahil ito ang agad na masisikatan ng araw.

Tinignan niya si Elmhurst na nakatayo dalawang metro ang layo sa kaniya. Kahit na magkasama sila hindi man lang siya nito pinapansin o kinakausap. Simula nang nanggaling sila sa isla hanggang sa makarating sila rito ay nanatiling tikom ang bibig nito. Naglagay din ito ng distansya sa pagitan nilang dalawa. Sa tuwing susubukan niyang lumapit ay pasimpleng lalayo ito at iiwas sa kaniya.

At kapag naman nagsisimula siya ng topic ay nagkokomento lang ito kung kinakailangan. O kaya naman ay tatango lang at hindi sasagot. Kaya naman hindi na siya nagpumilit na kausapin pa ito. Para kasing hangin ang kasama niya. Mas mabuti pa na naiwan na lang ito sa isla.

Nagbawi siya ng tingin at muling tinignan ang sumisikat nang araw. Wala siyang maramdaman na pag-asa na s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status