Share

Throne of Glass
Throne of Glass
Author: WhiteSmight

Chapter 1

ANGELICA POV

"Stunning"

"Fearless!"

"Elegance!"

"Brilliance!"

"And class!" 

"These are the few words that will give a justice to the one and only Angelica San Andres." 

"San Andres is the President and CEO of SA Corporation and one of the leading entrepreneur in the modern history. And today in Probes Show she will share her experiences on being one of the top executives of a leading company and, she will also give us some advice specially for those entrepreneurs who are starting out! good day Ms. Angelica." 

"Ms nandito na po tayo," dinig kong saad ng driver na marahan kong tinanguan. Diretso lamang ang aking paningin habang patuloy na pinapakinggan ang radyo kung saan ipinapakilala ako. My name is all over the world, I have fame, money,  I have everything but it never satisfy me. Malalim na lamang akong napabuntong hininga dahil sa paglalaro ng aking isipan at nang maramdaman ko ang pagbubukas ng pintuan ay taas noo akong bumaba ng sasakyan at katulad ng inaasahan, ang nakakasilaw na camera at maiingay na hiyaw ang sumalubong sa akin. Mabilis na dumami ang mga paparazzi sa paligid, ngunit nanatiling seryoso ang aking mukha habang pinapanood ang mga gwardiya na pilit na pinipigilan ang pagpapailaw sa camera.

"Angelica! Angelica! Angelica! Here!" 

"Angelica!"

"Angelica! Angelica!" Ito ang paulit ulit na tawag ng mga paparazzi ngunit hindi ko ito pinagtutuunan ng pansin bagkus taas noo lamang akong naglakad hanggang sa mapasok ko ang kompanya.

"Good morning Ms," mabilis na bati ng nagmamadali kong assistant ngunit taas noo ko lamang inabot sa kaniya ang lahat na papel na nasa aking kamay habang eleganteng naglakad sa hallway.

"The Creseant Magazine called, they want to confirm for tonight's interview."

"No," tipid kong sagot na ikinagulat nito.

"I called you to block those paparazzi, bakit nagkakagulo pa rin sa labas?" Mahinahon ngunit seryoso kong tanong habang taas noong huminto sa harapan ng elevator.

"I'm sorry Ms, you called 5 minutes before your arrival, hindi na namin—" pagdadahilan nito na agad kong pinutol.

"Oh tash! Do not use the detail of your idiocracies as an excuse 'cause you know how it exasperate me, I've been thinking about where on Earth can you find a person that is good enough to compliment my name. Do I really have a high standards here?" mahinahon kong bulong ngunit sapat na ang lakas nito upang marinig niya ang aking mga sinabi bago pumasok ng elevator.

“No Ms.”

“I know,” mabilis kong sagot.

"I'm sorry Ms." Napapahiya nitong usal ngunit hindi ko na ito tinapunan ng attensiyon hanggang sa bumukas ang elevator na naging dahilan upang agad kaming lumabas at 'tulad na lamang ng inaasahan ko ay agad na nagsipaghintuan ang mga empleyadong nakakasalubong ko. 

"Goodmorning Ms." salubong sa akin ni Tali saka dali daling lumapit at ibinigay ang isang folder sa akin na agad ko namang tinanggap.

"Pinapatawag po kayo ni Sir Fred sa opisina niya, 9 am sharp he didn't mentioned why pero urgent daw po,” mabilis na saad nito ngunit ang attensiyon ko ay nanatili sa papel na hawak ko na ngayon ay may maliit na gusot sa gilid na naging dahilan upang ibalik ko sa kaniya ang folder. Magsasalita pa sana ito ngunit taas noo ko na itong nilampasan, narinig ko pa ang pasimple pagkausap ni Krista sa kaniya, tila ba pinapaliwanag kung anong mali ngunit napairap na lamang ako saka  nagpatuloy sa paglakad papunta sa opisina ni papa. Nang marating ko ang opisina nito ay agad akong sinalubong ng kanyang sekretarya at magalang na bumati sa akin ngunit pagtango lamang ang itinugon ko. Marahan niya akong pinagbuksan ng pinto na naging dahilan upang makita ko si papa na ngayon ay abala sa pagbabasa ng mga papel sa kaniyang mesa.

"Sir," mahinahon  kong tawag sa kaniya na naging dahilan upang lingunin ako nito.

"Angelica, have a sit." 

"What is it?" Tanong ko sa kanya at ngiwi-ngiwi niyang binitawan ang hawak nitong papel.

"Coffee?" Pormal na alok nito na naging dahilan upang pagkunotan ko ito ng noo. Coffee?... Naninibago ako sa paraan ng pagkilos nito, buong buhay ko ay ngayon ko pa lang naranasan ang yayain niya ako ng mga simpleng bagay katulad ng pagkape. Madalas ay engrade ang inaalok nito o kung minsan ay kusa niya na lamang ibinibigay o ako na mismo ang humingi. Pareho kaming abala sa trabaho kung kaya't ang pag-gawa ng mga simpleng bagay katulad ng pagkape ng magkasama ay hindi na namin pa pinag-aaksayahan ng oras.

"No, thank you," pormal kong sagot kung kaya't napatango-tango na lamang ito na naging dahilan upang mapabuntong hininga ako.

"What do you want?" Diretso kong tanong na ikinatikhim nito ngunit tinitigan ko lamang ang kanyang nga mata ngunit hindi ko mabasa kung anong emosyon ang mayroon ito.

"Let's have a date," seryosong sagot nito na ikinagulat ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa mga sinabi niya. Date? Seriously? Sa edad naming ito ay yayain niya pa akong lumabas. 

"Funny," mahinahon kong komento ngunit tanging pag-iling ang kanyang isinagot sa akin na agad kong ipinagtaka.

"Okay what's going on?" Takang tanong ko saka unayos ng upo at taas noong tumitig sa nakangiti niyang mukha.

"Gusto lang kitang makasama, masama ba 'yon?" Nakangiting saad nito habang inaayos ang mga gamit na nagpakunot ng aking noo.

"I have so many meetings to attend and—"

"You can cancel it Angelica," pagpuputol niya sa sinasabi ko.

"But papa—"

"Enough! I am your father so we will have a date whether you like it or not. That's final!" makapangyarihang saad nito kung kaya't wala akong nagawa kung hindi ang bumuntong hininga na lamang bago taas noong umiwas ng tingin dahil sa hindi normal na paraan ang pagtitig niya sa akin. Sa isang araw, napakaswerte ko na kung tatapunan niya ako ng paningin na tumatagal ng isang minuto. Sa sobrang dami ng  trabaho namin ay kahit magkamustahan ay hindi na namin maggawa. Nais ko mang basahin ang tumatakbo sa kaniyang isip sa pamamagitan ng kaniyang kilos ay hindi ko magawa dahil hindi ko magawang titigan ito ng matagal. 

Agad akong nahinto sa pag-iisip nang maramdaman ko ang pagtayo ng aking ama na agad ko namang sinundan. Taas noo akong tumingin sa kanya ngunit marahang pagtango lamang ang ibinigay niya sa akin saka naunang maglakad. Mabilis akong sumunod dito, taas noo kaming naglakad palabas ng kompanya hanggang sa nakapasok ng kotse. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, napuno ng mga tanong ang aking isipan, hindi ko batid kung matutuwa ba ako dahil sa hinaba-haba ng panahon ay nagkaoras ito sa akin o kakabahan dahil sa kakaibang ikinikilos nito.

"Saan mo gustong mamasyal?" Tanong ni papa kung kaya't napabuntong hininga ako.

"Kahit saan," tipid kong sagot habang itinutuon ang attensyon sa daan.

"I already told your secretary to cancel your meetings today," seryosong saad nito kung kaya't marahan na lamang akong tumango habang ang attensyon ay nasa daan pa rin. Tahimik lamang kami sa loob ng kotse , kahit isa ay walang nagtatangkang magsalita na matagal ko ng kinasanayan. Nang maramdaman ko ang paghinto ng sasakyan ay agad akong umayos ng upo hanggang sa pagbuksan ako ng pinto ng isa naming guwardiya kung kaya't marahan kong sinuot ang shades ko bago bumaba.

"Angelica," tawag ni papa sa akin kung kaya't agad ko itong nilingon ngunit tinalikuran niya na ako at nag-umpisang maglakad papasok sa mall kung kaya't wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya. Naramdaman ko muli ang mga flash ng camera, batid kong mga paparazzi ito na sumusunod kahit saan ako magpunta. Muli kong narinig ang masakit sa tenga na pagtawag sa pangalan ko, nararamdaman ko na rin ang pagdumog sa akin ng mga tao at ang pagdami ng ilaw na dumadapo sa aking balat ngunit nahinto ito nang matagumpay kong napasok ang mall.

"Dont be too serious Angelica, wala tayo sa opisina," ani ni papa na ngayon ay sinasabayan na ako sa paglakad.

"I don't have a time for this stuff pa, bumalik na tayo sa opisina I have so many meetings to attend to," seryoso kong saad na ikinangiwi niya habang ako ay napabuntong hininga na lamang. Tahimik muli kaming naglakad, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung saan kami pupunta o kung may pupuntahan ba talaga kami. Kanina pa kami paikot-ikot sa mall ngunit nanatiling nasa daan ang aming paningin. Kahit isa sa amin ay walang nag-abalang tingnan ang mga bilihin, tanging paglakad lamang ang aming ginagawa.

"Gusto mo ng ice cream?" Biglang tanong ni papa na naging dahilan upang tumaas ang kilay ko

"Seriously?" Taas kilay kong tanong na ikinatango niya saka lumapit sa isang stall kung kaya't napairap na lamang ako. Pinanood ko na lamang si papa habang bumibili ng ice cream. Hindi ko na matandaan kung kailan ang huling beses na ginawa namin ito, kung hindi ako nagkakamali ay nasa elementary pa ako noon. 

"Here," biglang ani ni papa habang inaabot ang ice cream kung kaya't agad ko itong kinuha saka marahang tumango sa kanya.

"Thank you," pormal kong saad na ikinangiti nito saka muling nag-umpisang maglakad na agad ko namang sinundan.

"Dapat pala ay matagal na natin itong ginawa, masyado akong naging abala sa trabaho," pormal nitong saad ngunit naramdaman ko ang lungkot sa nga sinabi niya kung kaya't napalunok na lamang ako.

"Kailangan mo ng bumalik sa Sedus," mahina at kaswal niyang usal na naging dahilan upang mahinto ako sa paglalakad at gulat itong tinitigan.

"I beg your pardon?" Gulat kong usal habang nasa kaniyang mga mata ang aking paningin ngunit agad itong umiwas.

"Angelica kailangan ka sa Sedus, nangako ako sa mama mo na babalik ka roon kapag nasa wastong edad ka na," pormal nitong sabi na pilit na itinatago ang kanyang emosyon. 

"Papa," mahinang usal ko kung kaya't marahan niya akong tinitigan.

"Hindi ako babalik sa planetang 'yon," mariin at gigil kong bulong habang tinititigan ito sa mga mata.

"Angelica kailangan mong bumalik doon." 

"Para patayin! Come on Pa! Gusto mo bang ipadala ako sa isang planeta kung saan maraming magtatangka sa buhay ko!" Mariin kong bulong habang nililingon ang paligid kung may nakakarinig sa amin ngunit laking pasasalamat ko na wala masyadong tao sa kinaroroonan namin.

"Hindi ka na bata Angelica! Marunong ka nang lumaban! Kailangan mong pumunta roon sa lalong madaling panahon, huwag na nating hintayin na sila ang pumunta rito" seryosong sabi nito ngunit umiling-iling ako saka taas noo siyang tinitigan.

"No! Hindi ako babalik doon! Pinaalis na nila ako there's no reason para bumalik pa! Masaya na ako sa buhay ko rito sa mundo ng mga tao!" Mariin kong sabi saka taas noong naglakad palayo sa kinaroroonan nito. Naramdaman ko ang sarili ko sa loob ng ladies room, mabilis kong hinugasan ang aking mga kamay habang gigil na tinititigan ang sarili sa salamin na naging dahilan upang makita ko ang mga luha sa aking mukha na hindi ko man lang namalayan na pumatak na pala kasabay ng pagsilitawan ng mga imahe na ayaw ko ng maalala.

"Sige na umalis na kayo!" Makapangyarihang utos ni mama na naging dahilan upang lalo akong nagpumiglas sa pagkakahawak ni papa.

"Mama! Hi-hindi maa!" Umiiyak kong pagmamakaawa habang pilit na nagpupumiglas sa pagkakahawak ni papa. 

"Angelica, halika na huwag ng matigas ang ulo kailangan na nating umalis,” bulong ni papa na naging dahilan upang lalo akong umiyak. 

"Mama! Ayaw ko! Mamaa mama!" Umiiyak kong sigaw saka malakas na kumalas sa pagkakahawak ni papa dahilan upang makawala ako at mabilis na tinakbo ang kinaroroonan ni mama at mahigpit itong yinakap saka umiyak nang umiyak.

"Mama dito lang ako parang awa mo na! Ayokong sumama!" Umiiyak kong usal saka humagulhol nang humagulhol. Naramdaman ko ang paghawak ni mama ang mga braso na nakapulupot sa kaniyang bewang at marahan itong tinanggal saka lumuhod kasabay ng marahang paghaplos sa basang basa kong mukha.

"Angelica anak makinig ka ka-kailangan mong umalis dito sa Sedus pansamantala may kailangan lang ayosin si mama rito pero huwag kang mag-alala dahil babalik ka rin naman dito, magkakasama ulit tayo. Mabubuo ulit tayo kaunting tiis lang muna," emosyonal nitong paliwanag kung kaya't lumuluha akong umiling-iling tanda ng hindi pagsang-ayon sa kaniyang kagustuhan.

"A-ay'oko mama dito lang ako," lumuluha kong pagmamakaawa kung kaya't mariin itong napapikit saka nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

"Hindi puwede Angelica, hindi pu-puwede. Hi-hindi na ligtas ang planetang ito para sa'yo," mahinang usal nito kung kaya't lalo akong napaluha.

"A-ayaw mo ba akong kasama? Hindi mo ba ako mahal?" Umiiyak kong sumbat na ikinagulat nito ngunit agad ding umiling-iling.

"A-angelica ano bang—? Mahal kita, mahal na mahal at gustong gusto kitang makasama, kung puwede lang sumama gagawin ko anak pero—"

"Kung gano'n sumama ka! Mama sumama ka na  lang sa amin ni papa! Ayokong mahiwalay sa'yo ma sige na!" umiiyak kong sabi saka mahigpit kong ipinulupot ang aking mga braso sa kaniya saka lumuha nang lumuha. 

"Angelica!" dinig kong tawag ni papa kubg kaya't mariin akong napapikit at lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap kay mama.

"Mama!" Umiiyak kong usal.

"Angelica, hindi puwedeng umalis si mama rito, hindi ko puwedeng iwan ang kaharian. Kailangan ko silang protektahan at alagaan," mahinahong sabi nito na naging dahilan upang matigilan ako habang dahan-dahang kumakalas sa kaniyang yakap. 

"Poprotektahan mo sila habang ako papabayaan mo?" Lumuluha at dismayado kong usal na ikinagulat nito.

"Angelica tama na yan, halika na!" pag-awat ni papa ngunit hindi ko ito pinakinggan. 

"Angelica anak hindi iyan ang—"

"Ngayon ay pinatunayan mo na mas mahalaga ang kaharian mo kaysa sa akin na sarili mong anak!" mariin kong saad saka tumakbo palayo sa kaniya.

"Angelica!" Dinig kong tawag ni mama ngunit hindi ko na ito nilingon pa. Sumakay na lamang ako sa napakalaking sasakayan na aming gagamitin saka taas noong pinunasan ang aking mga luha habang kuyom ang kamaong pinipigilan ang umuusbong na pagkasuklam at galit.

Mariin akong napapikit nang pumasok sa aking isipan ang mga ala-ala na pilit kong kinakalimutan. 

Pinaalis na nila ako sa planetang iyon, wala ng dahilan upang bumalik pa ako...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status