Share

Chapter 5

ANGELICA POV

Nanginginig kong hinahawakan ang palasong lumipad patungo sa akin habang ang aking paningin ay nanatili sa lumiliyab sa himpapawid. Sunod-sunod na ang pagpatak ng aking mga luha ngunit hindi dahil sa lungkot kung hindi dahil sa galit. Nararamdaman ko na ang pag-liyab ng aking kaloob-looban, ang pa-garagal ng aking mga labi at panlalabo ng nanlilisik kong mga mata. Dahan dahan kong inilibot ang aking paningin, doon ko nakita ang mga kawal na patakbong lumalapit sa akin ngunit nakakapagtaka sapagkat napakabagal nila para sa akin. Muli akong tumingin sa itaas, nakikita ko na ang papabagsak na apoy at nasisiguro kong tatama ito sa akin. Ipinikit ko ang aking mga mata, sa sandaling ito hindi ko na alam ang gagawin. Wala akong marinig mula sa paligid kung hindi ang aking paghikbi, wala akong makita kung hindi ang mabagal na pagbasak ng lumiliyab na sasakyan ng aking ama, wala na akong ibang nararamdaman kung hindi ang galit at sakit. 

Gusto kong sumigaw ngunit walang boses ang lumalabas sa aking bibig. Gusto kong tumakbo ngunit hindi ko na maigalaw ang aking katawan. Gusto ko pang mabuhay ngunit hindi ko alam kung bakit pa. Habang tumatagal ay lalong nagiging malinaw sa akin ang lumiliyab na sasakyan at batid kong hindi magtatagal ay babagsak ito sa akin. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata saka labag sa loob na sinasalubong ang papabagsak sa akin ngunit bago pa mangyari ito ay naramdaman kong may kamay sa aking dalwang braso na siyang humila sa akin pataas.

"Devashtaji!" Malutong na pagmumura nito gamit ang lenguwahe ng Sedus. Nanatiling nakapikit ang aking mga mata ngunit pamilyar sa akin ang mga tinig na iyon. Unti-unti kong iminulat ang aking mga paningin at doon ko natagpuan si Lucas na abala sa pagpapatakbo ng tigre habang hawak niya ang aking mga kamay na nakapulupot sa kaniyang bewang.

Muling sumikip ang aking dibdib at gigil na ikinuyom ang aking mga kamay. Bakit nabuhay pa ako? Ito ang tanong na umiikot sa aking isipan ngunit agad din itong natigil nang maramdaman ko ang init sa hangin na naging dahilan upang lingunin ko ang aking likuran at doon ko nakita na bumagsak na sa lupa ang lumiliyab na sasakyan.

"P-p-papa!" Malakas kong hiyaw saka pilit na nagpumiglas sa hawak ni Lucas na naging dahilan upang tumilapon lupa. Buong pwersa kong ibinangon ang aking sarili sa lupa at pilit na itinakbo ang aking mga paa ngunit bago ko pa magawa ang mga bagay na iyon ay may humawak na sa aking mga braso na tila ba pinipigilan akong lapitan ang nasusunog kong ama.

"Bi-bitawan niyo ako ano ba! Let me go!" Malakas kong sigaw habang pilit na nagpupumiglas sa mga kawal na ngayon ay hawak hawak ang aking nga braso. 

"Ano ba! Sinabi ng bitawan niyo akooo!" Galit kong utos saka pwersang nagpumiglas sa kanilang pagkakahawak at mabilis na kinuha ang sandata sa bewang ng isang kawal ngunit bago ko pa maitusok sa katawan ng isa ay may humarang na agad sa espadang hawak ko na naging dahilan upang lingunin ko kung sino iyon at doon ko nakita si Lucas na seryosong umiling-iling sa akin.

"Huwag mong ituloy ang binabalak mo haleya mapapahamak ka lang," serysong saad nito habang nanatili ang pwersa sa kanyang sandata ngunit nag-aalab ang galit sa aking loob at nais kong pumatay ng kahit sino man, kahit ang nasa aking harapan.

"Ahhhhhh!" Galit kong sigaw saka humakbang palayo at mabilis na pumaikot pabalik saka ako nakakuha ng tiyempo upang itarak sa kanya ang espadang hawak ko ngunit lalong uminit ang ulo ko nang agad niya itong sinangga saka hinawakan ang aking kaliwang kamay at pwersang pinaikot ito hanggang sa maramdaman ko ang mga brasong pumulupot sa aking katawan.

"Hahayaan kong saksakin mo ako sa likuran gamit ng hawak mong sandata mahal na haleya pero hayaan mong yakapin kita sa iyong pagluluksa bago mo ako lagutan ng hininga" seryosong bulong nito sa aking tainga saka idinikit ang aking ulo sa kanyang dibdib at pagtakip ng kanyang mga kamay sa aking tainga ngunit kasabay nito ang pag-ugong ng malakas na pagsabog na batid kong galing sa lumiliyab na sinakyan ng aking ama.  Sa sandaling ito, habang umuugong sa aking pandinig ang pagsabog at bumabalot sa aking balat ang init ng apoy ay tila ba nagsibalikan ang mga ala-ala na kasama ko si papa, mga ala-ala na dapat ay binigyan ko ng halaga.

                             [Flashback]

"Angelica! Bakit ganiyan ang kilos mo?! Parang hindi ka pinapakain! Ulitin mo!" Sermon ni papa kung kaya't napabuntong hininga na lamang ako bago pinulot ang espadang nabitawan ko saka matamlay na humarap sa kanya.

"Papa puwedeng bukas na lang ako mag-sasanay? Hihintayin ko na lang si mama," matamlay nitong sabi na ikinakunot ng kanyang noo.

"May inaasikaso ang mama mo kaya ako ang magsasanay sayo pansamantala Angelica."

"Pero gusto kong siya ang magsanay sa akin papa," nakanguso kong sabi na naging dahilan upang magbago ang kanyang ekspresyon na mula sa pagiging istrikto ay naging matamlay na aking isinawalang bahala.

--

"Gusto mo ng ice cream?" Biglang tanong ni papa na naging dahilan upang tumaas ang kilay ko

"Seriously?" Taas kilay kong tanong na ikinatango niya saka lumapit sa isang stall kung kaya't napairap na lamang ako. Pinanood ko na lamang si papa habang bumibili ng ice cream. Hindi ko na matandaan kung kailan ang huling beses na ginawa namin ito, kung hindi ako nagkakamali ay nasa elementarya pa ako noon. 

"Here," biglang ani ni papa habang inaabot ang ice cream kung kaya't agad ko itong kinuha saka marahang tumango sa kanya.

"Thank you," pormal kong sabi na ikinangiti nito saka nag-umpisang maglakad na agad ki namang sinundan.

"Dapat pala ay matagal na natin itong ginawa, masyado akong naging abala sa trabaho," pormal nitong saad ngunit naramdaman ko ang lungkot sa nga sinabi niya kung kaya't napalunok na lamang ako.

---

"Alam kong marami kaming pagkukulang sa'yo ng mama mo at nagsisisi ako dahil hi-hindi ko ginamit ang pagkakataon sa mundo ng mga tao para iparamdam sa'yo na mahal na mahal kita,” lumuluhang saad nito na naging dahilan upang lalo akong mapaluha.

"Sa-sana ay mapatawad mo kami Angelica, you don't deserve to suffer! Be..belive me you don't, because no one Angelica no one deserves it, naiintindihan mo? No one. Gi-ginawa ko ang lahat para maging isang matapang at mabuti kang nilalang kaya nagtitiwala akong magagawa mo ang tungkulin mo ng maayos hahaha na-napakaswerte ng Xeria dahil ikaw ang susunod na hara,” mapait nitong usal habang hinahawi ang buhok ko na lalong nagpasikip ng dibdib ko.

"Pa," lumuluha kong usal ngunit mapait niya lamang akong nginitian.

"Nais kong malaman mo na ipinagmamalaki ko sa lahat na anak kita siguro hindi ko pa nasasabi sa'yo 'to pe-pero ma-mahal na mahal kita anak. Mahal na mahal," lumuluha nitong sabi at sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay siya na mismo ang humila sa akin upang ako ay yakapin. Napapikit ako sa kanyang ginawa, kahit kailan ay hindi ko inasam ang mga salitang 'yan galing sa kaniya, ngunit hindi ko inaasahan na kay sarap pala sa pakiramdam na marinig ang mga iyon mula sa isang ama.

"Si-sige na, kailangan ko ng umalis," saad nito saka kumalas sa yakap kung kaya't mariin akong napapikit saka humagulhol.

"Mag-iingat ka," pilit na ngiti nitong sabi saka ako hinalikan sa noo kung kaya't napahagulhol ako nang napahagulhol. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at doon ko napagtanto na muli na itong naglalakad palayo sa akin kung kaya't gumagargal akong napakagat sa labi.

"Papa!" Tawag ko sa kanya na naging dahilan upang muli itong huminto at dali dali siyang nilapitan at mahigpit itong niyakap kahit na na ito ay nakatalikod.

"I will miss you," lumuluha kong bulong sa kaniya saka hinigpitan ang pagkakayakap. Hindi ko alam kung bakit iyon ang mga lumabas sa bibig ko, batid kong may gusto pa akong sabihin sa kaniya ngunit wala akong lakas ng loob upang bigkasin iyon, hindi ko alam kung bakit napakahirap sa akin na sabihing mahal ko rin siya. Naramdaman ko ang pagtapik niya sa aking mga kamay kung kaya't marahan kong niluwagan ang aking pagkakahawak saka siya binitawan. Napahagulhol na lamang ako habang tinatakpan ang aking bibig nang muli na itong naglakad palayo hanggang sa makasakay na ito sa sasakyan pabalik sa mundo ng mga tao. Wala akong nagawa kung hindi ang lumuha nang lumuha habang  pinapanood ang pag-ilaw ng kaniyang sinakyan hanggang sa bumuga na ito ng usok at dahan-dahang lumilipad hanggang sa isang kurap lamang ng aking mga mata ay nawala na ito sa aking paningin.

"I love you too papa." 

                        [End of Flashback]

"Papa," lumuluha kong usal saka nanghihinang binitawan ang espada at humagulhol nang humagulhol sa balikat ni Lucas. Kung alam ko lang na mangyayari ito, kung alam ko lang na kukunin agad siya sa akin, sana ay hindi na ako naduwag kanina na sabihin ang mga salitang dapat niyang marinig. 

Sana ay hindi ko na sinayang ang pagkakataon na sabihin na mahal na mahal ko siya...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status