Share

Chapter 4

ANGELICA POV

Dahan-dahan akong naglalakad at sinusundan sina papa. Nakababa na ang aming sasakyan sa lupa at hangga't maari ay pilit kong binabagalan ang aking paglakad habang hinihiling na sana lumipad na ang sasakyang ito at bumalik sa mundo ng mga tao. 

"Angelica," tawag sa akin ni papa kung kaya't tuliro akong lumingon sa kaniya at binilisan ang pagkilos sapagkat binigyan na ako nito ng makahulugang tingin.

"Mukhang hindi komportable ang iyong anak sa akin rama," natatawang saad ni Lucas na ngayon ay  nakatingin sa akin na naging dahilan upang ayosin ko ang aking tindig at pilit na ginagawang normal ang aking mga kilos. Hindi ko maintindihan kung bakit pagkatapos ng nangyari kanina ay may mukha pa rin itong naihaharap sa akin habang ako ay nais ng magpalamon sa lupa sa tuwing nakikita ko ang presensya niya. 

"Pagpasensyahan mo na lang ang anak ko Lucas, mahaba-haba rin ang panahon ang pagtira namin sa mundo ng mga tao kaya siguro naninibago pa," nakangiting saad ni papa kung kaya't tumango-tango si Lucas habang binibigyan ako ng nanunuksong tingin na naging dahilan upang taasan ko ito ng kilay.

"Nanibago? Wala bang ganito kagwapo sa mundo ng mga tao rama?" tango-tangong saad nito habang nakangising nakatitig sa akin na ikinatawa ni papa.

"Hindi ka pa rin nagbabago Lucas hahaha hangin pa rin ang nasa bibig mo hahaha!" natatawang saad ni papa habang tinatapik tapik ang balikat na Lucas. Taas noo na lamang akong umiwas ng tingin, sasayangin ko lamang ang aking lakas kung pag-aaksayan ko pa ng panahon ang isang katulad niya tsk. Nang marating namin ang dulo ay napaayos ako na lamang ako ng tindig sapagkat unti-unting bumubukas ang pinto kasabay ng  pagbungad sa aking balat ng sariwang simoy ng hangin.

"Welcome home," nakangiti ngunit seryosong usal ni papa ngunit hindi ko na lamang ito pinansin sapagkat hindi ako nasisiyahan sa aking pagbabalik. Bumungad sa akin ang malaparaisong tanawin, nasa isang malawak na lupain kami na natataniman ng kulay berdeng damo na may maliliit na bulaklak. Ilang hektarya ang lawak ng lupaing kinatatayuan namin, sa hindi kalayuan natanaw ko ang mga kulay asul at kulay puti na puno na nakapalibot sa kapatagan at nang iangat ko ang aking paningin ay doon ko natanaw ang palasyo ng iba't ibang kaharian. Sa kanan ay nangibabaw ang malatoreng kaharian ng Armania, sa kaliwa naman ay ang kulay puti na kaharian ng Siemen habang ang nagigibabaw ay ang palasyo ng Xeria na may kulay puti na hinaluan ng ginto. Pinangunahan ni Lucas ang paglalakad pababa sa sasakyan na agad na sinundan ni papa na naging dahilan upang sundan ko rin ito. Taas noo kong iginala ang aking paningin at doon ko napagtanto ang pinagbago ng Sedus. Mas dumami ang mga puno. Hindi katulad sa mundo ng mga tao ang aming planeta, di hamak na mas maunlad ang kanilang pamumuhay kaysa sa Sedus. 

"Anong pakiramdam mahal na haleya? Nakita mo ang ganda ng Sedus hindi ba? Lalo na kapag mukha ko ang— Mahal na haleya!" Tawag nito sa akin nang agad ko  itong iniwan at sinabayan na lamang sa paglakad si papa sapagkat wala akong panahon para pakinggan ang mga pamumuri niya.

"Magbigay galang ka sa mama mo at huwag na huwag kang gagawa na ikasasama ng loob niya" dinig kong utos ni papa na naging dahilan upang kumunot ang aking noo.

"At bakit ko naman gagawin 'yon?" Nagtatakang tanong ko kung kaya't huminto ito sa paglalakad at deretso akong tinitigan.

"Dahil magulang mo siya," saad nito at halata sa kanyang tono na nauubusan na ito ng pasensya kung kaya't bumuntong hininga na lamang ako. Taas noo kaming nagpatuloy sa paglalakad, wala na sa amin ang nagtangkang magsalita hanggang sa marating namin ang nakahelirang kawal. Matikas ang mga tindig nito, diretso lamang ang kanilang mga mata at walang kahit na sino sa kanila ang nag-abalang tapunan kami ng tingin. Tulad ni Lucas ay nakasuot din ang mga ito ng long black coat at metal na boots habang nakasabit sa tagiliran nila ang espada na hawak ng kaliwang kamay nila.

"Bigay pugay!" Dinig kong annunsiyo ng isa sa mga kawal na naging dahilan upang sabay-sabay na tumungo ang mga lalaki na nasa aming harapan.

"Mahal na hara," dinig kong usal ng aking ama kung kaya't agad naming tinapunan ng tingin ang kanyang kausap at napalunok na lamang ako nang makita ko ang isang babae na ngayon ay nakasuot ng kulay puting coat na ngayon ay kumikinang dahil sa gintong disenyo nito. Nakita ko ang nananabik at napakatamis niyang ngiti ngunit seryoso ang aking mukha nang lumapat sa akin ang kaniyang paningin.

"Mahal na hara," dinig kong usal ni Lucas kung kaya't napunta sa kaniya ang aking attensyon at taas noo akong tumingin nang makita kong nakatungo na ang dalawang katabi ko habang ako ay nagmamataas pa ring nakatayo. 

"Angelica!" dinig kong nananaway na bulong ng aking ama ngunit nanatiling deretso ang aking paningin sa hara na aking kaharap ngayon. Batid kong kailangan kong magbigay pugay at isang pangbabastos na ang pagtaas ko ng noo at nakatataas na tindig sa harap ng pinakamataas na nilalang sa aming kaharian. 

"Maligayang pagbabalik sa Sedus Angelica," nakangiting usal nito kung kaya't marahan na lamang akong tumango ngunit ikinabigla ko ang pagpulupot ng kanyang mga braso sa akin. Hindi ko maintindihan kung ano ang aking mararamdaman, matagal kong inasam-asam ang kanyang mainit na yakap ngunit tila ba paninikip ng dibdib ang aking nararamdaman ngayon.

"Matagal kong hinintay na mayakap ka ulit," nakangiting bulong nito saka kumalas sa pagkakayakap ngunit nanatili akong nakatitig sa kaniya saka taas noong umiwas ng tingin at dumapo iyon kay papa na ngayon ay binibigyan na ako ng makahulugang tingin.

"Siguro ay napagod ang ating anak Crieselda mas makabubuti siguro kung umuwi na kayo sa palasiyo," biglang sabat ni papa na ikinagulat ko.

"Kayo? Excuse me you're not coming with us?" Kunot noo kong tanong sa kanya kung kaya't agad itong tumikhim.

"Anak babalik sa mundo ng mga tao ang papa mo para magbantay, kailangan siya doon," sabat ng hara ngunit hindi ko ito pinagtuunan ng pansin, nanatili kay papa ang aking paningin na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.

"Sasama ako," taas noo kong sabi na ikinakunot ng noo nito habang ang iba naman ay nagulat sa sinabi ko.

"Hindi!" deritsong sagot nito na ikinakunot lalo ng aking noo.

"Mahal na rama, nakahanda na ang sasakyan palabas ng Sedus," sabat ng isang kawal kung kaya't dali-dali akong lumapit kay papa at mahigpit na hinawakan ang kanyang mga kamay.

"Pa!" nagmamakaawa kong tawag sa kaniya habang tinititigan ito sa mga mata. 

"Sundin mo na lang ang utos ko," seryoso at maawtoridad nitong sabi na ikinakunot ng aking noo. 

"Hanggang kailan ko susundin ang utos niyo?" Dismayado kong bulong habang tinititigan ito sa mga mata. 

"Hangga't nabubuhay kami," seryoso nitong sagot saka kumalas sa aking pagkakahawak at walang alinlangan akong tinalikuran. Mariin akong napapikit sa kaniyang ginawa, sunod-sunod na rin ang pagpatak ng aking mga luha kung kaya't mariin at taas noo ko itong pinunasan habang pilit na pinapalakas ang sarili at binabalewala ang tingin ng paligid.

"Ikaw na ang bahala sa anak natin, huwag mo siyang kukunsentihin," dinig kong bilin ni papa.

"Makakaasa ka, mag-iingat ka sa mundo ng mga tao," saad naman ng hara, naramdaman ko ang paningin nilang lahat sa akin ngunit nanatiling diretso ang aking paningin sa sasakyan na ngayon ay muli na namang umiilaw.

"Ang pinag-usapan natin Lucas huwag mo akong bibiguin," dinig kong saad ni papa.

"Makakaasa ka rama, hanggang sa muli nating pagkikita," seryosong saad ni Lucas kung kaya't taas noo akong humarap kay papa na naging dahilan upanh makita ko ang namamasa nitong mga mata.

"Mag-iingat ka Angelica," sinserong usal nito habang tinititigan ang aking mga mata na nagpasikip lalo ng aking dibdib, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya, hindi ko gustong magpaalam at ayo'ko ring magmakaawa. Ano nga bang mali sa akin at kailangan nilang gawin ito?

"Hanggang sa muli," mapait ngunit seryosong usal ni papa ngunit hindi nakaligtas ang pagpiyok nito sa aking pandinig. Mariin akong napapikit nang tumalikod na ito sa akin. Sunod-sunod na pagluha ang pinakawalan ng aking mga mata nang unti-unting lumalayo si papa sa amin. Naramdaman ko ang paghawak sa akin ng hara ngunit nanatili akong estatwa. Umaasa na sana bumalik ang aking ama at isama ako sa pag-alis niya. Sa mga sandaling ito, muling bumalik ang mga ala-ala kung paano ako magmakaawang magpaiwan upang makasama ang aking ina. Naalala ko ang mga panahong labis ang aking pag-iyak sapagkat nais kong manatili sa Sedus. Ang sakit ng mga panahon na iyon ay hindi ko maasahan na mararanasan ko muli ngayon. Pareho ang sakit, pareho ang lungkot, ang pinagkaiba lamang ay noon nais kong magpaiwan upang makasama ang aking ina ngunit ngayon ay nais kong umalis upang makasama ang aking ama. 

"Papa!" Lumuluha kong tawag sa kanya ngunit hindi ito humihinto sa paglakad palayo sa amin. 

"Ssshhh Angelica halika na, kailangan na nating umalis," bulong sa akin ng hara habang pinipisil ang aking mga braso na tila ba pinapaalo ako ngunit taliwas no'n ang nararamdaman ko sapagkat pagkamuhi at galit ang bumabalot sa aking isip, puso, at pagkatao.

"Papa!" Umiiyak ko muling tawag ngunit imbes na huminyo ay nakita ko ang pagbilis ng kanyang paglakad na lalong nagpasikip sa aking dibdib at nagpaluha sa aking mga mata, gusto kong tumakbo upang lapitan si papa ngunit tila ba nakapako ang aking mga paa sa lupa, hindi ko maigalaw at hindi ko maihakbang.

"Pa!" Lumuluha at pabulong kong usal saka humagulhol nang humagulhol. Nakita ko ang paghinto ng paglalakad ni papa, napakagat labi ako habang umaasang babalik ito ngunit nagkamali ako. Pinanood ko si papa sa malayo habang hinihiling sa aking isipan na tumigil at bumalik sa kinaroroonan ko ngunit natigilan ako nang huminto ito sa paglalakad at dahan-dahang pumihit paharap sa amin kung kaya't mabilis akong kumalas sa pagkakahawak ng hara at dali-daling tumakbo palapit sa aking ama. Sa mga sandaling ito hindi ko nakikita ang kapangyarihan sa kaniyang pagkatao. Hindi ko nakikita sa kaniya ngayon ang pagiging istrikto, at seryoso. Tanging ang lungkot sa kaniyang mga mata na tila ba ipinapabatid sa akin na siya ang aking ama. 

Nang marating ko ang kanyang kinaroroonan ay hindi na ako nagdalawang isip pa na yakapin ito ng mahigpit. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata, ngayon ko lamang naramdaman ang kanyang nga yakap. Siya ang nakasama ko sa mahabang panahon ngunit kahit isang beses ay hindi ko naramdaman at ipinaramdam sa kaniya ang isang mainit na yakap.

                                [Flashback]

"Angelica kailangan mong bumangon, hindi ka puwedeng mahuli sa pagsasanay," makapangyarihang utos ni papa na naging dahilan upang matamlay akong bumangon.

"Napakaaga pa," matamlay kong usal habang nanatiling nakapikit ang aking mga mata.

"Mabilis tumakbo ang oras Angelica, bangon na!" Istriktong saad nito na ikinanguso ko.

"Nasaan si mama?" Tanong ko sa kanya habang matamlay kong iminumulat ang aking mga mata.

"Kausap niya ang mga konseho, may kailangan ka ba?" 

"Wala naman pa, naninibago lang ako na hindi siya ang gumigising sa akin, ipapakita ko pa naman sana ang bago kong kaalaman sa paghawak ng espada," nakangusong sabi ko saka bumuntong hininga.

"Puwede mo namang ipakita sa akin iyon Angelica, gusto kong makita ang mga natutunan mo," dinig kong saad nito na naging dahilan upang mapatitig ako sa kanya saka tipid na ngumiti.

"Saka na lang pa, kapag nandito na si mama," pilit na ngiting saad ko habang tinititigan siya sa mga mata kung kaya't natigilan ito.

"Gano'n ba? Kung gano'n bilisan mo na ang pagkilos ayokong nahuhuli ka," umiiwas ng tingin nitong utos saka ako tinalikuran kung kaya't napabuntong hininga na lamang ako bago sumunod.

                            [End of Flashback]

"Papa, please!" nagmamakaawa kong bulong habang hinihigpitan ang pagyakap ko sa kanya, naramdaman ko ang paghaplos nito sa aking buhok habang marahang tinatapik ang aking likod.

"Mag-iingat ka rito, huwag mong papabayaan ang sarli mo at pagbalik ko dito dapat maayos na ang relasyon niyo ng mama mo," gumagargal na saad nito na naging dahilan upang kumalas ako sa pagkakayakap na nagingdahilan upang masaksihan ko ang kaniyang mga luha na pumapatak sa kanyang mga mata.

"Papa naman please! Please papa i-isama mo na lang ako! I promise hinding hindi ako magiging pabigat sayo, I will do my best para iangat lalo ang kompanya natin! I will do everthing to make you proud, ma-mas pagbubutihin ko pa ang trabaho ko I promise you! Pa please ayoko rito pa!" Umiiyak kong pagmamakaawa sa kaniya na naging dahilan upang suminghap ito ng hangin saka ako hinawakan sa balikat at seryosong tinitigan sa mga mata.

"Angelica kailangan ka ng Sedus," mariin nitong bulong na nagpasikip ng dibdib ko kung kaya't nagkukunot ang noo kong tinitigan si papa habang bibigyan ito ng mapait na ngiti.

"Lahat na lang kailangan ng Sedus pa! Si mama kailangan! Ikaw kailangan! Hindi ako kailangan ng planetang ito!" Umiiyak kong sumbat ngunit hinawi niya lamang ang aking buhok saka mapait na ngumiti sa akin.

"Balang araw ay maiintindihan mo rin ang lahat," mapait na saad nito kung kaya't napaluha na lamang ako.

"Alam kong marami kaming pagkukulang sa'yo ng mama mo at nagsisisi ako dahil hi-hindi ko ginamit ang pagkakataon sa mundo ng mga tao para iparamdam sa'yo na mahal na mahal kita," lumuluhang saad nito na naging dahilan upang lalo akong mapaluha.

"Sa-sana ay mapatawad mo kami Angelica, you don't deserve this suffering! No one deserves it, naiintindihan mo? No one. Gi-ginawa ko ang lahat para maging isang matapang at mabuti kang nilalang kaya nagtitiwala akong magagawa mo ang tungkulin mo ng maayos. Na-napakaswerte ng Xeria dahil ikaw ang susunod na hara," mapait nitong usal habang hinahawi ang buhok ko na lalong nagpasikip ng dibdib ko.

"Pa," lumuluha kong usal ngunit mapait niya lamang akong nginitian.

"Gusto kong malaman mo na ipinagmamalaki ko sa lahat na anak kita siguro hindi ko pa nasasabi sa'yo 'to pe-pero ma-mahal na mahal kita anak. Mahal na mahal," lumuluha nitong sabi at sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay siya na mismo ang humila sa akin upang ako ay yakapin. Napapikit ako sa kanyang ginawa, kahit kailan ay hindi ko inasam ang mga salitang 'yan galing sa kaniya, ngunit hindi ko inaasahan na kay sarap pala sa pakiramdam na marinig ang mga iyon mula sa isang ama.

"Si-sige na, kailangan ko ng umalis," saad nito saka kumalas sa yakap kung kaya't mariin akong napapikit saka humagulhol.

"Mag-iingat ka," pilit na ngiti nitong sabi saka ako hinalikan sa noo kung kaya't napahagulhol ako nang napahagulhol. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at doon ko napagtanto na muli na itong naglalakad palayo sa akin kung kaya't gumagargal akong napakagat sa labi.

"Papa!" Tawag ko sa kanya na naging dahilan upang muli itong huminto at dali dali siyang nilapitan at mahigpit itong niyakap kahit na na ito ay nakatalikod.

"I will miss you," lumuluha kong bulong sa kaniya saka hinigpitan ang pagkakayakap. Hindi ko alam kung bakit iyon ang mga lumabas sa bibig ko, batid kong may gusto pa akong sabihin sa kaniya ngunit wala akong lakas ng loob upang bigkasin iyon, hindi ko alam kung bakit napakahirap sa akin na sabihing mahal ko rin siya.

Naramdaman ko ang pagtapik niya sa aking mga kamay kung kaya't marahan kong niluwagan ang aking pagkakahawak saka siya binitawan. Napahagulhol na lamang ako habang tinatakpan ang aking bibig nang muli na itong naglakad palayo hanggang sa makasakay na ito sa sasakyan pabalik sa mundo ng mga tao. Wala akong nagawa kung hindi ang lumuha nang lumuha habang  pinapanood ang pag-ilaw ng kaniyang sinakyan hanggang sa bumuga na ito ng usok at dahan-dahang lumilipad hanggang sa isang kurap lamang ng aking mga mata ay nawala na ito sa aking paningin.

"I love you too papa," bulong ko sa hangin habang nakatitig sa taas. Ito ang mga salita na nais kong sambitin kanina ngunit hindi ko magawa sa hindi malamang dahilan. Gustong gusto kong sabihin na mahal na mahal ko rin siya, gustong gusto kong sabihin ang mga iyon ngunit hindi ko magawa. 

Natigil ako sa pag-iisip kasabay ng pagkunog ng aking noo nang may humampas sa aking balat, isang kakaibang hangin hanggang nanlamig na lamang ang aking katawan nang  umugong ang kakaibang tunog at hindi nga ako nagkamali, isang palaso ang paparating sa akin. 

"Angelica!!"

"Protektahan ang haleya!" Dinig kong sigaw ni Lucas ngunit nanatili ang aking paningin sa palaso na aking nasalo saka taimtim na ipinikot ang aking mga mata at pinakiramdaman ang hangin saka tumingala sa himpapawid at napamaang na lamang ang aking bibig nang makita ko ang apoy na ngayo ay papabagsak na sa akin. 

Papa..

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status