Share

Chapter 47

PUMARA ako ng jeep at sumakay kami pabalik sa Carmona. Hindi niya pa nasasagot ang tanong ko kung paano niya ako natunton pero naisipan kong mamaya na lang mag-usisa.

"Parang mas gumanda ka ngayon, 'nak. Naging blooming, siguro masaya ka na ngayon sa kinalalagyan mo," sabi pa ni mama habang nasa biyahe na kami. Medyo naipit pa kami sa traffic nang nasa San Pedro na kami. 'Pag alas-singko ng hapon talaga, rush hour pa rin.

Asiwa lang akong ngumiti. Hindi ko alam kung paano ko sasabihing masaya na kasi ako sa buhay ko dahil stress-free na ako ngayon. Plus may partner akong mayaman. Ayokong maging mayabang sa harap niya.

"Kumusta ka naman ngayon? Saan ka tumutuloy?" tanong niya pa. Parang hindi ako sanay na ginaganito niya ako. Dati naman kasi wala siyang pakialam sa akin, ang mahalaga lang sa kaniya ay magbibigay ako ng pera kapag sahuran na.

"Okay naman ho. Nagbo-boarding house ako sa malapit sa pinagtuturuan kasama ang isa pang co-teacher ko." Sorry kung kailangan kong magsinungali
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status