Share

Chapter 51

MATAAS na ang sikat ng araw nang magmulat ako kinabukasan. Nanusok agad ang mga labi ko nang mapagtantong wala na pala akong katabi. Dumeretso na lang tuloy ako sa banyo para maligo. Ang lagkit na ng katawan ko.

Bumagsak pang lalo ang mga balikat ko nang paglabas ko ng CR ay wala pa rin si France sa kuwarto. Saan na kaya ang walanghiya? Alas-diyes na ng umaga at medyo gutom na ako. Ni hindi man lang ako ginising bago lumayas. Ni message wala ring iniwan sa akin.

Binuksan ko ang walk-in closet niya at doon naghanap ng masusuot na damit. Hindi ko trip suotin ang mga pinagdadala ko. At kahit halos umabot na sa tuhod ko ang t-shirt niya ay pinilit ko pa rin. Kumuha pa ako ng boxer at i-t-in-uck in ang pantaas paloob.

"Hmmm..." Okay namang tingnan. Nagpaikot-ikot pa ako sa harap ng salamin. Nag-praktis pa ng ngiti.

Lumabas na ako ng kuwarto. Naaalala ko pa ang sinabi niya sa akin kagabi na bawal akong lumabas doon nang wala niyang pahintulot, pero hindi naman ako sumang-ayon na susundin k
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status