It's been a year and half. So far maayos naman ang lagay ni Shane sa Manitoba. Dalawang taon na simula nang patagong umalis siya ng Pilipinas. Wala siyang kadala-dala maliban sa damit na suot niya at ang mga importanteng dokumento na kailangan niya. Sinikap niyang makalabas ng bansa at permanenteng makapamuhay malayo sa mga taong nakapaligid sa kanya.
At dito nga siya napadpad. Banyagang lugar na walang nakakakilala sa kanya kahit na sino. Kahit ang mismong pamilya niya. Mahigit isang taon na din siyang nagtatrabaho dito sa La cuisson café isang coffee-tea shop na siyang sikat na sikat dito sa buong Winnipeg city. Pinay ang may ari ng café.
Si Cashy Marquez na kalaunan ay naging kaibigan na rin niya. Mabait ito sa kanya at maganda pa. Kaya di maiwasang madalas talaga silang magkasama. Kahit pa sabihing empleyado lamang siya nito. Hindi rin kasi maiitanggi na naging malapit na silang magkaibigan.
“Hindi ka pa ba uuwi?”
Nagulat siya nang marinig niya ang boses ng kaibigan slash boss niya na si Cashy. Pina-file niya kasi ang whole week inventory at saka ipapasa sa accounting.
“Pauwi na rin. Inaayos ko lang ang mga ito,” sabi niya.
Kapag Pilipino ang kausap niya. Talagang Tagalog ang salita niya. Sa kulang-kulang dalawang taon niya dito, hindi pa rin siya fluent sa French kaya mas pinipili na lamang niya manahimik kapag Canadian na ang kausap niya. Nakakaintindi siya pero hindi siya makapag- response agad. Parang palaging rumorolyo ang dila niya sa pagkautal sa tuwing pinipilit niyang magsalita ng salitang French.
Tinapik siya nito sa balikat. ”After that, you can signed out na. Then, sumabay kana sa akin. Ihahatid na kita.”
Dakilang commuter siya simula ng dumating siya dito sa Canada. Mas may kailangan siyang pagkagastusan kaysa ang bumili ng sasakyan.
“Naku Cash, hindi na. Mauna ka na alam kong may importante kang lakad,” sabi niya sa kaibigan. Isa pang lagi nitong paalala sa kanya ay ang wag itong tatawaging "Ma'am" kaya first name basis silang dalawa.
“Sigurado ka? Dadaanan ko kasi sa hotel si kuya. Pwede kitang isabay para hindi ka na mag-commute,” sabi muli nito. Kilala niya ang tinutukoy nitong kuya. Ang kapatid nitong si Lukas Marquez. Isang kilalang negosyante sa Pilipinas.
Umiling lamang siya. “Hindi na talaga at saka dadaan pa ako sa grocery naubusan na kasi kami ni Greene ng supplies sa bahay.”
“Okay. Hindi na kita pipilitin. Mauna na ako sayo,” paalam nito sa kanya.
Nginitian niya ito. Nauna na nga itong umalis. Siya naman ay tinapos muna ang filling ng mga inventory at saka umalis na din. Tapos na kasi ang shift niya.
Hindi kasi siya pwede sa night shift na four in the afternoon till quarter to twelve dahil walang kasama si Greene sa bahay. Kaya fixed ang schedule niya na eight ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon. Tanging si Patty lang ang kasama nila sa bahay. Isang katiwala na napapagkatiwalaan niya sa pag-aalaga kay Greene kapag nasa trabaho siya. Si Patty rin ang nakasama na nila nang matagal na panahon dito sa Manitoba.
Naalala pa niya ang unang pagkikita nila ng babae. Nabiktima ito ng isang illegal recruitment agency sa pilipinas at pagdating nito sa Canada ay tinakbuhan lamang siya ng ahensyang pinasukan nito at tangay ang lahat ng perang ibinayad nito ng buo. At upang makaligtas sa embassy para di mapasama sa mga ide-deport ay nakapagpatulong sila kay Cashy upang makapagproseso ito ng employment clearance sa nasabing bansa at malayang makapaghanapbuhay.
Nasa labas siya ng café at naghihintay ng taxi cab nang may mapuna siyang itim na Lamborghini di kalayuan sa café. Tila pamilyar sa kanya ang sasakyan na iyon dahil minsan na niyang nakitang naka-park iyon di kalayuan sa apartment niya. Natatandaan niya rin ang plate number nito kaya nasisiguro niyang iyon ang sasakyang madalas niyang makita sa lugar kung saan siya nakatira. Pero anong ginagawa nito dito? Inisip na lamang niya na baka nagkakataon lang ang lahat. Baka nagkataon lang na kung nasaan siya ay doon din niya ito nakikita.
Once the taxicab parked in front of her ay agad na sumakay si Shane doon at di na muling nilingon pa ang sasakyang nakita niya malapit sa kinatatayuan niya kanina. Iniwasan na niya rin isipin ang tungkol doon.
Dahan-dahan binuksan ni Shane ang pinto ng apartment nila. Pasado alas sais na ng gabi. Nagtagal siya sa grocery kaya inabot siya ng kulang kulang dalawang oras. Balak niyang magluto ngayon ng pang hapunan nila. Nitong mga nakaraang gabi ay madalas puro sila food delivery o kaya naman ay bumibili na lamang siya sa mga take-out restaurant.
Halos matalapid siya nang maapakan niya ang isang laruan. Binuksan niya ang ilaw kaya bumaha ang liwanag sa paligid. Nagkalat ang iba't ibang klase ng mga laruan. Robot, kotse-kotsehan, bola at kung ano-ano pa. Isa-isa niyang pinulot ang mga iyon at saka iniligay sa covered box na siyang lagayan talaga ng mga laruan.
Pagkalapag ng mga pinamili niya sa kusina ay pumasok siya sa nag-iisang silid doon. Buhay ang heater, winter na kasi kaya napakalamig na ng panahon. Naaninag niya ang dalawang taong nakahiga sa kama. Nang maramdaman ng babae ay mabilis itong bumangon.
“Ate!”
Agad itong bumangon. Mukhang naalimpungatan.“It's ok Patty.”
Ngumiti siya dito. At saka nilapitan ang natutulog na si Greene. “Kumusta siya maghapon?” tanong niya.“Naku madaldal na si Greene ate. Kung ano-ano na ang mga natutunan,”
Patty said with an excitement. Magaan naman ang loob niya dito kaya nagagawa niyang ipagkatiwala si Greene para makapagtrabaho siya. She look at her sleeping baby. Her son. Greene.Hinaplos niya ang buhok ng kanyang anak. “Don’t grow so fast, honey. Mommy still wanna enjoy you as a baby.”
Isang one and half baby na bata pa lamang ay kitang-kita na ang angkin talino at galing. Si Greene ang kabuuan ng buhay niya. Without her son she wouldn't able to live alone. Sa lugar kung saan estranghero ang lahat sa kanya. Mamatay siya kapag nawala ang anak niya sa kanya. Ito na lang ang mayroon siya kaya baka hindi niya kayanin. Nagpaalam na si Patty sa kanya. Bukas na muli ang balik nito.
Hindi stay-in ito sa kanila. Under ito ng isang Home Service Agency na nagpo-provide ng serbisyo na inilaan lang sa tamang oras. Nang matulungan kasi ito ni Cashy ay nakahanap agad ito ng trabaho. Kinumutan niya si Greene at saka inihatid si Patty sa labas.
“Maraming salamat, Patty. Bukas muli,” paalam niya sa yaya.
Magalang na ngumiti si Patty sa kanya. “Wala pong anuman. Hindi naman po mahirap alagaan si Greene. Sa katunayan niyan ang sarap niyang alagaan.”
Tumingin na si Patty sa relong pambisig nito. Sasakay pa ito ng bus kaya kailangan na rin niyang makaalis. “Mauna na po ako sa inyo, Ate.”
Tumango siya at saka kinawayan ito.
She was about to close and lock her door nang makaaninag muli siya ng tila nakamasid sa kanya. Tinubuan siya ng kakaibang kaba. Kabang matagal na simula noong huli niyang nadama. Ngunit sa pagkakataong ito ay iyon ang pamilyar na kabang laging bumubundol sa dibdib niya noon. Kabang may kasamang takot at bangungot.
Mabilis niyang iniikot ang paningin. Manitoba is a most secured place sa buong Canada. Bukod sa zero crime rate ito. Wala pang naitatala na kahit na anong kaso ito kahit robbery o holdap man lang. Mula sa di kalayuan ay isang bulto ng lalaki ang nakita niya. Nakatayo ito sa gilid ng itim na Lamborghini.
Katulad na katulad ng sasakyan na nakita niya sa labas ng café kanina. Halos panlamigan siya ng may isang pangalan na pumasok sa isip niya. Pamilyar sa kanya ang bultong iyon na kahit yata ilang taon ang makalipas ay di niya basta makakalimutan iyon.
Greg... Piping saad niya. Malayo iyon at tanging ilaw sa poste ang tumatanglaw dito.
Mas dumoble ang takot at kabang kanina lamang niya nararamdaman nang tila di natitinag ang bultong iyon at nanatili lamang nakatayo doon at sa tantiya niya ay nakatitig din sa kanya.
Oh! No! Not now...
Mabilis siyang pumasok sa loob ng bahay at sinara mabuti ang pinto. Bumalik sa silid at saka niyakap ng mahigpit ang anak na natutulog. Yakap na alam niyang poprotekta dito kahit ano mang mangyari. Naisip niya si Greg. Hindi maaaring nasundan siya nito.
Matagal na panahon na. Na maski ang mga magulang niya ay hindi alam ang kinaroroonan niya at mananatiling walang alam ang mga ito dahil hindi na niya nais pang magkaroon ng gulo at bumalik na naman siya sa araw araw na bangunot ng buhay niya. Tinitigan niya ang anak na natutulog. Binaha ng takot ang
kanyang puso.
Kaya na niya mabuhay na malayo sa lahat. Pero ang malayo sa anak niya ang di niya kakayanin.
Dahil off ni Shane ngayon, mas pinili niyang i-pasyal si Greene. May ilang linggo na rin kasi silang hindi nakaka-labas maliban sa check-up nito sa kanyang pedia. Ilang linggo matapos ang gabing iyon. Palagi niyang binibilinan si Patty na huwag na huwag magpapasok ng kahit na sino lalo na kung wala siya. Maya't maya rin siyang tumatawag lalo na kapag nasa café siya. Palagi din siyang undertime mabuti na nga lamang at naiintindihan ni Cashy ang mga ginagawa niya. Wala siyang inililihim sa kaibigan. Alam nito ang lahat. Maliban sa isang bagay. Her marriage. And all the lies behind that unsuccessful union. Na kung bakit ginusto niyang lumayo at wag na magpakita sa kahit na kanino pa man. At mas gugustuhin niyang ibaon na lamang iyon sa limot kaysa ang paulit-ulit na maalala pa.But it seems like, nothing can hide forever. Kahit sa sarili niya. Dahil may mga oras at sandali na parang sirang plaka na paulit-ulit na bumabalik sa kanya.Tulalangnakatitig 
Shane opened her eyes. Asul na kisame ang namulatan niya. Pakiramdam niya pagod na pagod siya. Ang mga talukap ng kanyang mga mata ay gusto ulit mag-sara. Ang likod niya ay gusto ulit mahiga sa komportableng kama.Kama?Mabilis na inayos niya ang takbo ng kanyang utak. Pilit ina-alala ang huling nangyari sa kanya. Ang huling natatandaan niya ay hinahanap niya si Greene. Dahil nawawala ito. Nilibot na niya halos ang buong park pero hindi niya ito makita. Binundol muli ng takot ang puso niya. Nasaan ba siya? Paano niya hahanapin ang anak niya?Akma siyang bababa sa kama nang mapuna ang suot niya.Red see-through lingerie?Kanino ito? Wala siyang matandaan na may ganoon siyang damit pantulog. Mahilig siya sa pajamas kaya hindi niya alam kung kanino ang damit na suot niya. Halo-halo na ang takot sa puso niya. Takot para sa anak niya at takot para sa kanyang sarili. Ngayon siya naniniwalang na-kidnap nga siya. Iginala niya ang paning
Ang matayog at mahabang hagdan ay walang pinagbago, maski ang kulay niyon at ang disenyo ay walang naging pagbabago sa nakalipas na taon. Even the antique vase ay naroon pa rin sa gilid ng hagdan. Pero hindi niya na masyadong pinansin ang lahat. What matters to her right now is to get her son away fromhim.Mali na ma-punta pa sila dito at maibalik. Mali na naririto sila. At lalong mali na magkasama pa sila ni Greg. Maling-mali na makita nito ang anak niya dahil hinding-hindi siya papayag na mapunta ang anak niya sa lalaking iyon. She heard some laughters. And it came outside the living room. Dahan-dahan niyang binuksan ang screen door at saka lumabas. Bumigat ang dibdib niya when she saw her son Greene laughing while hispapaislifting him in the air. May butil nang luha ang nag-landas sa pisngi niya. Kung sana sa ibang pagkakataon ay masisiyahan siya sa nakikita pero iba ngayon. Takot ang nararamdaman niya. Lalo pa't napakaramin
Tatlong araw nang wala si Greg. At kahit ganoon, mahigpit ang bantay nilang mag ina. Kulang nalang kahit sa pagtulog ay may bantay sila. Naiinis na siya dahil tila nawalan na sila ng karapatang makalabas at sumagap man lang ng hangin sa labas. Tila sila isang mga preso sa loob ng kulungan na ang tawag ay, tahanan. Umalis nga si Greg pero ikinulong naman sila nito sa bahay. At si Greene ay mukhang nasanay na sa presensya ng ama nito kaya palaging umiiyak sa gabi. Hindi naman dating ganoon ang anak niya. Nagpasya siyang bumaba ng hagdan. Ang una niyang gustong gawin ay magpahangin sa pool area at tanawin ang maliliwanag na bituin sa kalangitan. Iniwan niyang natutulog si Greene sa silid nila kaya malaya siyang nakalabas upang makapagpahangin. Gabi na at tahimik na ang buong kabahayanan. Dati-rati, natutulog siya sa sofa makita lamang niyang dumating ang asawa niya tuwing gagabihin ito. Hindi siya makatulog ng mahimbing hangga’t di niya alam kung ku
"Baby..." Humakbang siya palayo kahit nangingig ang mga tuhod niya. "W-Wag kang lalapit sa ‘kin," sabi niya. Her voice were shaking. Parang may mga yelo sa balat niya. Hindi niya rin alam paano niya ito titigan sa mga mata nito nang hindi niya naiipakita dito ang kakaibang trauma niya. Pumataysiya.Pumataysiyang tao. He killed someone right in front of me. Right in my eyes!Humakbang siya. Akala niya, bali-balita lang na kaya nitong gumawa ng ganoon klaseng bagay, pero kaya nga nito. Kaya nitong pumatay nang walang babala. "Baby, It's me." Humakbang pa ito papalapit sa kanya. Bumaha ang liwanag at nagmamadaling pumasok ang mga tauhan nito na may dalang kanya kanyang armas. Hindi na siya nagulat na makita sa mukha nang mga tauhan nito na tila sanay na sila sa mga ganoong aktibidades. Wala man lamang kahit na anong pagkagulat sa kanila na makakita sila nang bangkay na nakahandusay at nagkalat na dugo. Bumaling ang mg
"Isla Rosal?" Ulit ni Shane sa sinabi ni Gregory nang sa wakas ay makababa ang helicopter na sinasakyan nila. Ngayon lang kasi umimik si Gregory pagkatapos ng pagtatalo nila kagabi at ang mga binitiwan nilang salita sa isa’t isa na alam niyang hanggang ngayon ay nasa isip pa rin nito. Maging ang huling sinabi nito ay nasa isip pa rin niya. Pero hindi na niya ipinilit ang gusto niya na umalis na hindi ito kasama dahil kahit anong gawin niya ay alam niyang hindi ito papayag. Mula Maynila ay sumakay sila sa isang private plane patungong Palawan at saka doon sumakay ng helicopter patungo dito sa isla. Maaga siyang ginising ng isang kasambahay upang sabihin na mag-empake na daw siya ng mga gamit nila ni Greene kaya kanina ay mabilis siyang gumayak. Hindi pa rin kasi mawala sa isip niya nab aka may isa pa sa mga tauhan ng asawa niya ang mag-tangka sa buhay niya o sa kanilang mag-ina sa oras na malingat si Greg. Isang tagong isla na nasa dulong bahagi ng Palawan ang
“Can we talk?”Shane stood up from her seat when she heard what Greg have said. They had a normal dinner along with their helpers. Nalaman niya kasi na malapit si Greg sa mga kasama nito sa bahay kaya normal palang sumabay ang mga ito sa hapag. Pero mukhang mahiyain ang mga kasama nila kaya mabilis din silang namaalam matapos kumain.Si Greene naman ay nakatulog na ng maaga pagkatapos niyang ipagtimpla ng gatas.“Para saan?” tanong niya.When he rose up to his seat ay humarap ito sa kanya. “Us. Let’s talk about us,” he said.“Us? Hindi ba’t tapos na tayo?” may diin niyang sabi.She avoided his stares para hindi niya makita ang mga emosyong iniiwasan niyang makita sa mga mata nito. Hanggang sa papel na lamang ang kasal nila at hindi na babalik iyon sa dapat asahan nila dahil matagal nang tapos ang pagsasama nila.“Pero wala akong sinabi sa ‘yo na tapos na tayo. I a
Alas diyes na pasado na nang magmulat siya ng mga mata. Ang mga maliliit na daliri ni Greene ang gumising sa kanya."Mimi-mi" narinig niyang sabi nito habang nakapasok sa ilong niya ang daliri nito. Sinusundot-sundot niya iyon at sabay hahagikhik na akala mo’y kinikiliti.Humalik muna siya sa pisngi nito. "How's your sleep little Man?"Tumawa si Greene sa kanya. Nilingon niya ang katabing bahagi nila pero bakante na iyon. Gising na marahil si Greg at nasa baba na. Nilinis muna niya ang bata. Pinalitan niya ang diaper nito pati na rin ang damit na naipantulog niya. Saka siya nag-ayos ng sarili. Isang simpleng floral dress lamang ang naisipan niyang suotin kung saan siya presko at komportable.Nang makababa silang mag-ina ay hindi nila naabutan si Greg sa baba. "Wala na po si Sir Ma'am," ani ng kasambahay na dinatnan niya sa kusina."S-Saan siya nagpunta?" di niya mapigilang itanong. Iniisip niya na baka nasa Maynila na ito at iniwan na sila sa