Chapter fourteen Hindi ko alam kung ilang oras kaming nasa loob ng store na iyon at ina-asikaso dahil pagkalabas namin ay ramdam ko ang pananakit ng pwetan ko sa ilang oras na naka-upo ako doon. Tinignan ko muli ang sarili ko pagkalabas namin. Mukha akong isang mayamang dalaga kung tignan ngayon. Mula ulo hanggang paa at talagang nagbago. Ang kaninang mukha kong walang make up ngayon ay meron na. Pati na rin ang buhok ko. Nakalugay lang ito kanina pero ngayon sobrang ayos na nito at talagang may mga palamuti pa ang nilagay para daw mas magandang tignan ang ulo ko. Hinawakan ko ang dress na suot ko ngayon. Gusto kong matuwa dahil sa suot ko ngayon. Hindi ako makapaniwalang makakasuot ako ng ganitong dress sa tanang buhay ko. Isang dress na mamahalin pero simple ang tignan. "May I had your beautiful hand, Ms. Petras." magiliw na bati nya sa akin bago inimuwestra ang katawan sa pagyuko at sa paglahad ng kamay sa akin. Kahit nabigla ako sa ginawa nya ay magiliw ko pa ring binigay s
Chapter fifteen "You okay?" Nagalalang mukha agad ni gwapong driver ang bumungad sa mukha ko. Mabilis n'yang hinawakan ang mukha ko bago pinagtitigan at kalaunan ay niyakap. "God, I'm worried." Sinukulian ko ang mainit n'yang yakap at mas inilapit ko ito. Hindi ko alam kung ano ang pinupunto nong babaeng iyon pero para sa akin ay mas papaniwalaan ko ang kilos ni gwapong driver bago ang kanyang mga salita. Walang kahit sino mang taong paniniwalaan ko kung hindi si sya lamang, si Easton Haven Brooks, ang taong tinitibok ng puso ko sa di malamang dahilan. "Okay lang po ako sir." Pinagtitigan nya muna ang mukha ko muli bago napunta ang kanyang paningin sa mga mata ko. "Maybe I'm just getting paranoid that she might do something to you." Umakto akong walang alam at ngumiti na parang wala lang. "She? Sir, okay lang naman po ako sa loob, wala pong nangyari." Kinagat nya muna ang kanyang sariling labi bago tumango at iginaya ako para umalis na. Bumalik kami sa lamesa namin kanina at h
Chapter sixteen Inilahad ni gwapong driver ang kamay nya sa akin at ginaya nya uli ako. Tapos na kami sa pagkain kaya ngayon ay paalis na kami sa restaurant. Malambot kamay n'yang nasa bewang at kamay ko ito nakahawak. Hindi talaga tama ang labis na tuwa sa puso ko pero wala akong choice kung hindi lubos-lubosin 'to. Dahil alam kong pagdating namin sa mansion sasapak naman sa akin ang katotohanang isa lamang akong katulong at sya ay aking amo. Pero wala na akong magawa kung mas pumapangibabaw sa akin ang naramdaman ko ngayon. Puso laban sa isip na ang usapan eh. May the best choice win nalang talaga. Pero never ko pa ring iwawala sa isip ko ang goal ba't ako nandito at nagtatrabaho. Para sa pamilya. Akma na sana akong papasok sa kotse ni gwapong driver ng may biglang tumawag kay gwapong driver. Pareho kaming napatingin sa babaeng parang modelo kung maglakad palapit sa pwesto namin. Sobrang ganda nya talaga,pero sure akong kasalungat nito ang ugali nya base sa pinakita nya sa aki
Chapter One Maggie Petras POV Malansang amoy at maingay na lugar ang bumungad sa akin sa entrada ng palengke. Narito ako sa palengke ngayon at pilit hinanap ang babaeng baliw kung maituring ng iba. Nasa kalagitnaan na ako ng pagtingin sa paligid nang may kumirot sa tagiliran ko. "Mayang!" ungot ko sa babaeng kumirot sa akin. Ngumiti ito sa akin at pumalakpak. "Taray, ang fresh mo ngayon ah," aniya at pinasadahan nang tingin ang kabuoan ko. "Saan lakad mo?" tanong nito sa 'kin bago hinawakan ang braso ko at pinaupo sa upuang malapit lamang sa pwesto namin. "Barangay. Kukuha sa requirements na sinabi mo,” saad ko bago tumingin sa isdaang pwesto namin. "Gusto mo samahan kita?" Umiling ako. "Wag na, Dumaan lang ako rito upang ipabantay sayo iyong dalawang anghel ko," sabi ko bago tumayo at handa nang umalis. "Sige, ingat ka sa lakad mo. Ako na bahala sa kapatid mo," paalam nito at inihatid ako sa tricycle na nakaparada sa gilid ng daan. "Ikaw rin," sabi ko bago pum
Chapter TwoSigurado akong namumula ang dalawang pisngi ko habang pabalik sa bahay namin. Hindi ako maka get over sa lalaki. Hay! Gusto kong sampalin nang paulit ulit ang utak na meron ako. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin nag re-replay ang mukha ng lalaki sa utak ko. Iyong matangos n'yang ilong, iyong panga n'yang may kurba, iyong makinis n'yang skin, iyong amoy n'yang kay bango sa ilong ko akala moy hindi driver dahil hindi man lang amoy pawis at ang panghuli ay ang mata n'yang kulay asul. Habang nag eye contact kami kanina ay para akong nakatitig sa karagatan sa sobrang linaw nito lalo na ang kulay na para bang inaakit ako, pati na rin ang kanyang mga maninipis na labi. Ang kanyang maninipis na labi na akala moy may lipstick nilagay dahil sa mapupula ito. Ano kaya ang lasa ng labi nya paghinahalikan?"Ate!" "Aray!" ungot ko ng maramdaman ko ang labis na sakit sa ulo ko. "Ang sakit!" saad ko habang hinihimas ang ulo kong binatukan ni Mayang.Kunot noong tumingin ako kay Manang. "
Chapter Three Kailangan ko ang trabahong ito para sa kanila. Matatag at buo ang loob ko na humarap kay Mayang. Kailangan kong maging matatag para sa pamilya ko. "Asan na?" Binigay nya sakin ang limang t-shirt, tatlong pajama at dalawang short. "Tanggapin mo iyan, hindin ko rin naman magagamit ang mga iyan." Nanlaki ang mata kong tumingin sa hawak ko ngayon. Ang bago pa nito. "S-Sigurado ka? Eh, mayang ang bago pa nito oh." Pinakita ko sa kanya ang tag. "At may tag pa." Akma kong ibabalik sakanya ng inunahan nya akong itago ang mga kamay nya mula sa akin. "Hindi mo pwedeng ibalik sa 'kin ang mga iyan, nahawakan mo na kaya sayo na." finale nitong sabi bago tumalikod at binuksan ang pinto. "Nandito na rin pala ang pogi mong driver," aniya pagkatapos binuksan ang pinto. Nanlaki ang mga mata kong nakatitig sa taong nakatayo malapit sa 'kin. May ngiti ito sa labi at mukhang friendly kung tignan dahil kumaway pa ito sa akin. Sya? Sya ang driver ko ngayon? Sya ang maghahatid
Chapter Four Feeling ko nakita ko na 'to o nararamdaman pero hindi ko maalala. Baka iyong ganyang eksena ay nakita ko lamang sa television sa palengke kaya familiar sa akin. "A forgettable memory is an unforgettable experience. They are so perfect right?" Bigla akong napalingon sa lalaking nakatayo sa gilid ko. Nakaharang ng malaking sombrero ang mukha nito kaya hindi ko ito makita ng masinsinan. "A perfect scene is a tearful page." Kasabay nang pagsabi ng mga katagang iyon ay ang pag angat ng kanyang ulo sa akin. Ngayon ay malinaw kong nakikita ang mukha nya, iyong kulay ng mata nya, kurba ng panga, ang matangos nitong ilong at ang panghuli ay ang maninipis nitong labi na alam kong nakaka addict pag ito ay maramdaman. "Gwapong driver..." aniya ko ng makilala ko na ito. "Finally to see you here in my home, Gia." Halos hindi ko masagap ang tamang salita sa bibig ko dahil sa nakita. My home? Ibig sabihin... "Oh, nagkita na pala kayo ng amo mo Maggie." nakangiting sabi
Chapter five Siguro ito ang tinatawag nilang instincts ng isang tao. "Maggie, ito oh, kain ka muna bago pumunta sa magiging kwarto mo." aya sa akin ng Manang at tinulak sa akin ang bagong lutong adobo at kanin. "Pero Manang busog pa po kase ako." pag aayaw ko dito. Nakakahiya lang talagang kumain lalo na sa harapan ni Reagan. Hindi ko alam pero nahihiya talaga ako. "Ano ka ba, huwag kang mahiya ito naman oh, kasamahan mo lang din naman ako." Pinilit talaga ni Manang na tanggapin ko ang nilagay nya sa lamesa na nasa gilid ko lang din. Sa huli kahit nahihiya ay tinanggap ko lamang ito. Ayaw kong makikipagtalo sa taong palalakihan ka ng mata pag umayaw ka. Nakakatakot ang mata ni Manang Nina. Parang umuudlot iyong mata nya kanina. Gusto na atang lumabas eyeballs nya. Alas singko pa ng umaga nang ginising ako ni Manang Nina sa pagtulog. Pinuntahan nya talaga ako dito sa kwarto ko upang makapag simula na daw sa trabaho. Pagkatapos kong maligo ay tumingin ako sa kwarto ko. Ganiton