Share

Kabanata 25.2

“Alam kong marami akong kasalanan pero hayaan mo naman sana akong makausap na muna ang kapatid mo.”

“Hindi mo siya makakausap, umalis ka na Aidan bago pa kita mapatay.” Matigas na saad ni Anthony at itinutulak niya na si Aidan.

“Monique, let’s talk please!” malakas na sigaw ni Aidan. “Monique!” tawag pa niya.

“Are you insane?! Huwag mo akong pilitin na paalisin ka sa dahas Aidan! Umalis ka na and leave my sister alone!”

“Monique! Lumabas ka dyan! Kausapin mo ako!” malakas pa ring sigaw ni Aidan. Nagtataka naman na sina Monique at ang mga magulang niyang nasa sofa sa naririnig nilang sigaw sa labas ng bahay nila.

“What’s that noise?” tanong na ng kaniyang ina.

“Monique, kausapin mo ako!” muling rinig nila sa sigaw. Nagsalubong na ang mga kilay ni Monique dahil kilala niya ang boses.

“Damn it!” napapamura niyang saad. Tumayo na si Monique at hinila ang anak niya. “Mom, pwede bang pakidala na muna sa kwarto si Brylle, please?” wika niya. Alam niyang boses ni Aidan ang sumisigaw sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status