Share

Chapter 25

WALANG nagsalita sa amin ni Kevin nang makaalis sila Karen. Walang emosyon akong nakatitig sa kanya habang siya ay nakatungo; mukhang umurong ang buntot at nawalan ng lakas ng loob na kausapin ako.

Wala akong naging balita sa kanya pagkatapos ng pakikipaghiwalay niya sa akin ilang buwan na ang nakakaraan. At ngayon, narito siya sa harapan ko bitbit ang kaisa-isang bagay na hindi ko aakaling makikita ko sa kanya sa muli naming pagkikita. 

Napakabigat ng nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Sa sobrang bigat ay hindi ko kinakaya ang kumilos o magsalita man lang. Kahit ang sumbatan o kwestiyonin siya sa ginagawa niya ngayon ay hindi ko na magawa. Pakiramdam ko muli na naman niya akong pinagtaksilan. Pakiramdam ko natalo na naman ako sa pangalawang pagkakataon.

"Kumusta ka na?" tanong niya pagkatapos ng mahabang katahimikan.

Kung sa ibang pagkakataon siguro ay natuwa ako dahil nagawa niya akong kumustahin man lang. Pero mas lalo lang naging mapait ang

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status