Kasalukuyan nasa living room si Cally nang marinig niya ang nagtatawanang boses nina Vin at Frederico nang makalabas ang mga ito mula sa elevator ng mansion.Nagtataka ang mga mata niyang tiningnan ang mga ito nang mag-angat siya ng tingin dahil sa nakikita niya ay imbis na ayawan ni Frederico si Vin mukang nagkasundo pa nga ang dalawa.Wala sa loob na napatayo si Cally at sinalubong niya ang mga ito habang nakakunot ang kanyang noo."What's happening here?" tanong ni Cally na may pagtataka sa boses na siya rin namang ipinagtaka ng kanyang Lolo."What kind of question is that, apo?" kunot noong tanong ni Frederico sa dalaga.Napagtanto ni Cally na mali pala ang kanyang pagkakatanong kaya pa-simple niyang nasapo ang sariling noo."I mean, mukang magkasundo na kayo ah?" patanong na sagot ni Cally.Tila lihim siyang naguguluhan at dumako ang tingin niya sa nakangising mukha ni Vin kaya pa-simple niya itong tinaasan ng kilay dahil parang nangaasar pa ang ekspresyon ng mukha nito."You have
Inis na pumasok si Cally sa kanyang silid sabay padabog na isinara ang pinto at pasalampak na nahiga sa kama."I hate you! Vin!" sigaw ni Cally habang nagpapadyak dahil labis na pagkarita at isinubsob niya ang sariling mukha sa unan.Hindi niya lubos maisip kung paano nagawang baliktarin ng binata ang gusto niyang mangyari. Ang alam niya wala naman itong maipagmamalaki sa kanyang Lolo kaya tiwala siyang hindi siya nito magugustuhan.Pero sa nangyari ngayon labis ang naging pagdududa niya kung anong mahika ba ang ginawa o ginamit nito para lang mabilog ang ulo ng matanda. Sa paraan pati nang pananalita nito kanina ay parang hindi ito ang Vin ka nakilala niya ilang araw na ang nakalipas. Parang ibang tao ang kaharap niya kanina at nagsusumigaw ito sa kapangyarihan na hindi niya malaman kung saan nanggagaling.Napukaw ang pag-iisip niya nang biglang may kumatok mula sa labas ng pinto ng silid kaya padabog siyang tumayo para pagbuksan ito at bumungad sa kanya si Yaya Jhai."Pasensya na po
"Ma'am, ayos lang ba kayo?" tanong ni Ryan sa boss niyang si Cally na mukang kanina pa masakit ang ulo."Can you get me a medicine for headache?" pakisuyo ni Cally na ikinatango nito at diretso nang lumabas ng opisina.Ilang sandali lang bumalik na rin si Ryan bitbit ang isang maliit na tray na may nakapatanong na isang basong tubig at mga gamot. Kunot noong napatingin si Cally kay Ryan nang mapansin niyang ang daming dala nito."Bakit ang dami namang gamot niyan? Isa lang pinakukuha ko parang isang buwanang maintenance na 'yang dala mo," sabi ni Cally na hindi malaman kung matatawa ba siya."Ah, sorry Ma'am. Para po may stock din kayo ng gamot dito kung sakaling sumakit ulit ang ulo niyo," sagot ni Ryan.Hindi na nagsalita si Cally at kumuha siya ng isang tabletas at diretsong ininom ito kasabay ng tubig. Mayamaya ay automatiko siyang napasandal sa sandalan ng swivel chair habang nakapikit at sapo ang ulo."Mukang masama po ang pakiramdam niyo, gusto niyo po bang magpadala sa Hospita
Pagkapasok ni Vin sa opisina ni Cally ay nagulat siya sa naabutan, maputla ito at tila hindi maganda ang pakiramdam habang nasa gilid nito ang nagaalalang si Ryan."What's happening here?" tanong ni Vin na may pagkabahala sa boses kaya sabay pa silang napa-angat ng tingin sa kanya.Gulat din siyang tinapunan ng tingin ni Cally nang makita siya habang nagtatanong ang mga mata."Bakit ka nandito?!" Mataray na tanong ni Cally na tila sandali niyang nakalimutang masama pala ang pakiramdam niya.Imbis na sagutin siya ni Vin ay lumapit ito sa kanya at sinapo ang kanyang noo kung mainit ba siya o hindi."Tsk, you have a high fever," deklara ni Vin ngunit tinabig lang ni Cally ang kamay niya."Don't touch me," angil ng dalaga."May sakit ka na nakakapag-taray ka pa rin, kung alam mong masama ang timpla mo ay dapat hindi ka na lang pumasok," pagalit ni Vin ka ikinataas lang ng kilay ni Cally."H'wag kang umaktong concern ka, umalis ka sa harap ko," pagtataboy ni Cally ngunit hindi siya nito si
Nagising si Cally na bahagya pang nahihilo at nilibot niya ang tingin sa itaas ng kisame at nangunot bigla ang noo niya nang dumako ang tingin niya sa tabi niya at nakita si Vin habang nakasubsob ang mukha nito sa brasong nakapatong sa kama.Kaagad namang naalimpungatan si Vin nang maramdaman niya ang paggalaw ni Cally kaya agad siyang napaangat ng tingin at tama nga siya gising na ito."You're awake!" masayang bungad ni Vin."Yes, I am, sinong nagdala sa 'kin dito? Si Ryan ba?" nanghihina at mamaos ang boses na tanong ni Cally at umiling lang ito."Ako ang nagdala sa 'yo rito," sagot ni Vin at lihim siyang nakaramdaman ng pagtatampo dahil siya ang nasa tabi nito pero nagawa pa rin nitong magtanong."Thank you," pasalamat ni Cally na ikinabigla ni Vin."Pakiulit nga?" tila nabibinging sabi ni Vin kaya pagak na natawa si Cally."I said thank you for bringing me here," pag-uulit ni Cally hanggang sa unti-unting sumilay ang matamis ngiti sa mukha ni Vin."You're welcome, I thought, susu
Hindi na nagsalita si Cally dahil mukang seryoso nga ito sa sinabing hahalikan siya kaya itinikom na lang niya ang kanyang bibig."Dapat pala sa 'yo ganu'n ang ibinabanta para lang mag-behave ka, takot ka naman palang mahalikan," sabi ni Vin na tila gustong matawa sa pananahimik nito."Bwisit ka," angil ni Cally sabay irap.Sabay pang napalingon sina Vin at Cally nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sina Fredrico at Ryan na biglang umaliwas ang mga mukha ng makita gising na siya."Apo! You're awake!" masayang bungad ni Federico kagaya lang ng reaksyon ni Vin kanina."Mabuti naman Ma'am, gising na kayo," segunda ni Ryan na masaya rin."Yes I am, so stop worrying about me." Nakangiting sabi ni Cally sa kanila na ikinahinga ng maluwag ng kanyang Lolo."H'wag mo nang uuliting magkasakit, hindi mo ako pinatulog na bata ka," sabi ni Fredrico na may pagaalala pa rin sa boses."Kontrol ko po bang magkasakit?" pilosopong tanong ni Cally sa kanyang Lolo ngunit si Vin ang sumagot."Hindi m
"What a sweet home! I miss the smell of this mansion!" bungad ni Cally nang makauwi na sila."Hindi porke't maganda na ang pakiramdam mo aabusuhin mo na ulit ang kalusugan mo," pangaral ng kanyang Lolo ngunit hindi niya na lang pinansin ang sinabi nito."Papasok na ako sa office bukas, pero h'wag kayong mag-aalala hindi na ako masiyadong magpapagod," sabi ni Cally sabay pasalampak na naupo sa sofa."You made me very worried," sabi ni Frederico."Stop thinking Lolo, normal naman ang lahat ng lab test ko kaya h'wag na kayong ma-ano diyan," sabi ni Cally sabay hikab."Vin will visit you and he's now on his way. Hindi ka raw niya napuntahan kanina dahil may importante siyang ginawa kaya naman dito na lang siya didiretso," sabi ni Frederico na ikinairap ni Cally."Mas importante pa kaysa sa 'kin? Kairita siya," wala sa loob na bulalas ni Cally na ikinatawa ng kanyang Lolo."Ikaw talaga, nagtatampo ka na agad sa fiance mo hindi ka lang niya nasamahan sa paglabas mo kanina," panunukso ni Fre
Napatulala na lang si Cally nang mawala na sa paningin niya si Vin at hindi makapaniwala napatingin sa kawalan dahil sa inasta nito sa harapan niya."Kanis!!" sigaw ni Cally mag-isa sabay bato niya ng throw pillow sa sahig nang biglang may maid na lumitaw muli sa kanyang gilid."Ma'am?" nagaalangang tawag ng maid."What?!" bulyaw ni Cally sa maid kaya napapitlag ito sa gulat."Ah, kasi po nandiyan po si Ma'am Ellise sa labas, papasukin ko po ba?" nangingiwing imporma ng maid kaya napairap si Cally sabay natampal ang noo."Of course papasukin mo! Kaibigan ko 'yan nagtatanong ka pa kung papapasukin mo?? Go! Let her in!" pasigaw na sagot ni Cally kaya naman dali-daling umalis agad ang maid at tumungo na sa labas.Mayamaya lang ay naririnig niya na ang yabag ng heels ng kanyang kaibigan ngunit hindi na siya nag-abalang salubungin ito."Babaita! Ang init ng ulo ah! Nasa lang labas pa lang ako pero rinig na rinig ko ang boses mo kung makasigaw ka naman sa katulong," bungad ni Ellise nang ma