Share

Kabanata 3

Alas-singko pa lang ng hapon nang umalis ako sa aking klinik. Nauna pa akong nagpaalam sa aking sekretarya at nagbilin ng mga importanteng bagay. Tumuloy agad ako sa bahay ng aking Tita, kapatid ito ng aking ina. May birthday gathering ang pamilya at lahat ay imbitado.

Sa Forbes subdivision ito ginanap. Sa marangyang bahay nito. Marami itong handa at ang lahat ay may dalang regalo, ako lamang ang wala. Lahat din ng dumalo ay mga kilala sa lipunan. Pare-parehong makapangyarihan at matunog ang pangalan. 

"Naku, Olive! Kailangan niyo ba balak na magkaanak ni Atlas? Aba'y sampung taon na akong naghihintay ng apo mula sa 'yo!" Ngumiti si Lola sa akin. Nasa hapagkainan kami at magana ang lahat na kumakain.

Si Lola ang nanay ng Mommy ko. Seventy na ito at maganda pa rin. Presidente ito ng isang cosmetic products na isa sa nangunguna sa bansa. Habang ang mga tita ko naman ang isa sa mga distributor ng cosmetics sa iba't ibang bahagi ng mundo.

Ininom ko muna ang hawak kong wine glass. Pinaikot ko pa iyon na may ngiti sa labi bago ko binalingan si Lola. "Hindi pa kasi kami handa, Lola.  Lagi naman po kaming nag-uusap ni Atlas tungkol doon. Maybe, in right time,"

"Baka mag-menopause ka na Olive, bago pa maisipan ni Atlas na gusto na niyang magkaanak," biro naman ng aking Tito, he was a well known judge. Isa rin sa hinahangaan sa bansa. Judge Condrad Aguirre.

"Tito naman, huwag mo naman akong biruin ng ganiyan." Ngumuso ako. Nagpipigil ng isang ngiti.

Tumawa ang mga Tita ko. Maging ang aking Lola ay natawa rin. Lahat ng naroon sa hapag ay natawa. Maging ako ay natawa rin ngunit, damang-dama ko ang pait niyon. Alam na alam ko naman kasi ang gusto ni Atlas. He hated having a child with me. He forced me to take contraceptives just to avoid it. Ayaw na ayaw niyang magbunga ang ginagawa niya sa akin.

"Hay naku, Ate Olive. Kapag si Tito nainip, baka, maunahan pa kayo ni Atlas!" wika naman ng pinsan ko. Binuntutan pa nito ang sinabi ng isang malutong na tawa.

Nagpailing ako at nakitawa na rin. Sa sinabi nito ay bigla kong naisip ang Daddy. Saglit ko ring sinilip ang aking relong pambisig. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong may oras pa bago ang pagkikita namin ng aking ama.

"Bilisan mo na, Apo. Gusto ko nang makita ang maliit at makulit na Olive," pahabol ni Lola sa akin.

Nginitian ko na lamang ito. Hindi ko ibinuka ang aking bibig sa kung anupaman na maaaring pagsimulan ng bago na namang pag-uusapan. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko rin alam kung paano ko nakaya na pakiharapan ang aking mga kamag-anak nang nakangiti at taas noo.

"Do you have problem, Olive?"

Nilingon ko si Lola. Nasa veranda kaming dalawa at umiinom ng tsaa. Pasado alas-syete na nang gabi ngunit hindi na ako umalis sa bahay ni Tita. Palilipasin ko na lamang ang ilang oras bago ko pupuntahan si Daddy. Wala rin namang maghihintay sa aking pag-uwi mamaya sa bahay ko sa South Ridge.

"Wala po, Lola. I'm very happy and contented," mahinang wika ko rito. Hindi ko nga lamang alam kung nakumbinsi ko ito. Nakatitig lamang ito sa akin nang mariin.

"I don't know." Umiling ito. "When I looked in your eyes there something missing, Hija. I loved the glow in your eyes way back. But, it's different now. It's very different." Napailing ito.

I got dumbfounded from the words my grandmother said. Hanggang ngayon, kilalang-kilala pa rin ako nito. Alam na alam pa rin nito ang mga bagay na hindi basta-basta makikita ng iba. Marahil, maging ang damdamin ko ay nababasa rin nito.

Umiling ako kahit pa totoo naman ang sinabi ni Lola. Pilit na pinapaskil sa aking labi ang isang matamis na ngiti. I blinked once more to shrug the unwanted feelings that was visible in my eyes. Alam ko kasi na hindi bulag si Lola. We lived together for so long that she knew me and the things I couldn't afford to tell heroo. Kahit ang kadulu-duluhang tikwas ng buhok ko.

"I miss your mother so much, Olive. Ikaw na lang ang ala-ala niya sa akin. You are a spitting image of her. I hope,  Atlas is taking good care of you. Just like, how your father takes care of my daughter. Busy si Menandro pero kahit kailan hindi niya nakalimutang alagaan ang anak ko." Hinawakan ni Lola ang aking kamay. She smiled to me and kissed the back of my hand. "I will always be here. I will always protect you," dagdag pa nito.

Tumango ako. My heart was filled with too much emotions that I couldn't contain. Gustong sumabog ng puso ko sa lahat. I wanted to cry in my Lola's lap. I wanted to tell her the life I had for the past ten years, but I kept my mouth shut. Instead, I stood up and walked closely to her. I gave my warmest hug to the woman who was not just my granny but my mother. Mas madali ang nahimik na lamang ako mula sa lahat ng sakit na meron sa puso ko. Dahil alam kong magiging komplikado lang ang lahat.

Hindi rin naman ako nagtagal pagkatapos naming mag-usap ng masinsinan ni Lola. Agad akong nag-drive patungo sa isang Chinese restaurant sa Shangri-la. Nag-text na rin sa akin si Daddy at naroon na nga ito sa isang VIP room. He wanted to have dinner with me. Kahit kumain na ako kanina ay hindi ko pa rin ito tinanggihan.

My Dad was a busy Senator. Bukod sa maraming sesyon ang Senado ay palagi pa itong pinapatawag ng Presidente. Maliban pa sa lagi rin itong nasa outreach program. Masyado itong abala na ngayon na lamang ulit kami magkikita sa loob nang dalawang buwan.

Habang nasa byahe ay hindi ko na pinansin ang napakaingay na Metro. Ang mga busina ng bus at jeep sa kalye at ang mga nag-uunahang sasakyan sa EDSA. Normal na lang para sa akin ang lahat. Maging ang minsang madilim na kalsada at ang malakas na tugtog mula sa mga comedy bar. Naging normal na rin sa akin ang mga taong naglalakad sa kalsada at mga nagtitinda sa lansangan kahit gabi. It was the true face of the Metro. Crowded and striving.

As I reached the place, I instantly parked my car and headed inside the restaurant. Sinalubong kaagad ako ng manager ng resto at iginaya sa private room ni Daddy. The resto was cozy. Bagay na gustong-gusto ng ama ko para sa tahimik na pagkain nito. Naaalala ko pa dati kung gaano ako katakot magsalita kapag kumakain kami sa bahay kasama si Mommy.

I sighed. Nagsusumikip na naman ang dibdib ko kapag naaalala ang nakaraan. My mother was an old beauty queen title holder but she died very young. Ten years ago, my mother was ambushed by some men who seemed to hate our family.

"That is the room, Ma'am." Turo nito. "Mr. Senator is waiting for you, inside."

"Thank you," Tumango ako at binaling ang paningin sa aking unahan. Nakita ko kaagad ang dalawang bodyguard ni Daddy na nakabantay sa labas ng pinto nang kinaroroonan nito.

"Good evening." I smiled to them instantly while walking straight to the room. Ako ang nag-hire sa kanila para bantayan ang aking ama. Kahit doon man lamang maramdaman kong maayos ang kalagayan nito dahil may nagbabantay rito.

My smile widened when I saw the man that love me until eternity. Nakapormal itong coat and tie habang ang buhok ay bagong gupit. He looked appealing in his fifty-five years of existence. Mas lalo pa nga itong gumwapo sa paningin ko habang nakatitig sa akin nang nakangiti.

"Hi, Dad! I miss you," bati ko kaagad habang niyayakap ito ng mahigpit.

"I miss you too, my princess." Hinalikan nito ang aking ulo.

"Niloloko niyo na naman ako." Ngumuso ako pagkatapos kong kumalas sa yakapan namin ni Daddy.

Napailing na lamang ito sa aking sinabi habang may pilyong ngisi sa mukha. Pareho kaming tahimik na bumalik sa upuan at nagpasyang mag-order ng pagkain. Sweet and sour sauce, Dynamite shrimp, egg dumplings ang order nito. Habang panaka-naka ay tinatanong ako kung ano ang gusto ko.

"Susubuan na lang kita, Daddy. I'm already full. Nagtatampo nga si Tita kung bakit hindi ka nagpunta kanina." Ngumuso ako.

"Alam naman nila kung bakit," wika nito. "Galing pa akong Dubai. Gusto nilang inaapura ako palagi. Mabuti na lang at nandito ka, Anak." Ngumiti ito sa akin.

"Matitiis ba naman kita, Dad? Ang lakas mo kaya sa akin," biro ko.

Tumawa ito sa aking sinabi. "Malakas nga ako sa 'yo pero ang asawa mo... Naku! Tinanggihan ang offer ko sa kaniya. Nire-recommend ko sanang architect sa bagong ipapatayong building ng gobyerno. Hindi naman pumayag," litanya ni Daddy.

Natigilan ako sa sinabi ni Daddy. Nalasahan ko na naman ang pait sa aking pagkatao. Ni hindi man lamang nagsabi si Atlas sa akin tungkol sa bagay na iyon. Kung sabagay, aasa pa ba ako?

Napailing ako. Dayain ko man ang sarili, ang totoo ay umaasa ako. Umaasa na sana balang araw magiging maayos din ang lahat. Na mapapatawad din ako ni Atlas. Na mamahalin niya rin ako. Na sana katulad ng iba, magiging masaya akong asawa sa piling nito.

Hindi na iiyak. Hindi na masasaktan. Hindi na magmamakaawa.

@sheinAlthea

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Yna Cajumban
author nasan yun kay mina, tranz at seft na battered wife......hindi ko makita......
goodnovel comment avatar
Catalina Tacusalme
napakamartir mo doc
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status