Share

Kabanata 4

Iniwan ko saglit si Daddy sa loob ng VIP room. I decided to went to the bathroom to freshen up. My dad is a good conversationist that he did not leave any questions behind. Lahat yata ng bagay sa buhay ko ay natanong na niya. Lahat din ng mga ito ay nasagot ko ng buong kasinungalingan.

I sighed and looked myself in the mirror. Mas lalo akong naging kaawa-awa sa paningin ko. I am not a fan of lying but I need to. Kahit pakiramdam ko sinusunog na ng empyerno ang kaluluwa ko. It hurts me everytime I lied. But, I don't have a choice.

Mabilis akong naghilamos ng aking mukha. Wala akong pakialam kung maging ang kaunting kolorete sa aking mukha ay mabura nito. Wala rin namang dahilan kung bakit pa ako magpapaganda. In Atlas eyes, I am the most ugly and wicked woman he knew.

"Oh, look who's here."

I abruptly shifted my gaze from the newly opened door. I instantly saw Trina walking towards me, smirking. I shooked my head and continue what I'm doing. Mabilis kong pinunasan ang aking basang mukha. Inayos ko na lamang ang aking sarili at hindi na ito pinansin. I've had enough for today. Masyado nang masakit ang ulo ko para pansinin pa ito.

"Alam mo, Olive. Atlas and I booked a hotel, nearby. Pagkatapos naming kumain ay ang isat-isa naman ang kakainin namin," wika nito at binuntutan pa ng isang nakakalokong tawa. "Alam mo, kaya ayaw ni Atlas sa'yo? Bukod kasi sa pandak ka. Hindi ka rin maganda."

Pinaningkitan ko ito ng mga mata. "Pwede ba lubayan mo muna ako?! Wala akong pakialam sa anong gusto niyong gawin ni Atlas! So, shut up!" mariing wika ko.

Halatang nagulat ito ngunit kagyat din ay napangisi. "Palaban ka na pala ngayon. Hindi ka na ba takot maiwan?"

I sighed and composed myself once more. Pilit ko na lamang isinisiksik sa isip ko na isa lamang kabit si Trina. Na katulad ng mga nauna ay iiwan rin ito ni Atlas. Na hindi ito importante dahil ako pa rin ang legal na asawa.

"Kung wala kang matinong sasabihin, aalis na ako."

Tinalikuran ko ito at kinuha ang aking bag. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako nang maramdaman kong hinawakan nito ang aking braso. Napabuga ako ng hangin. I desperately stopped myself not to hurt her but my hand did otherwise. Nang balingan ko ito ng tingin ay kasabay ding umigkas ang aking kaliwang kamay. Nanlaki ang mga mata nito ngunit wala akong pakialam. Naputol na ni Trina lahat ng pagtitimpi ko. She pushed me to the limit.

"Sa susunod kapag sinabi kong tumahimik ka na. Tumahimik ka! Pasalamat ka Trina, hindi pa kita pinapatulan sa mga kagagahan mo. Baka manghiram ka nang mukha sa aso kapag napuno ako sa'yo!" mahabang litanya ko. "Hindi rin ako pangit! Baka gusto mong tanggalin  natin 'yang makapal na make-up mo sa mukha?!"

Bago pa man ito makahuma ay iniwan ko na ito. Hindi ko na siya hinintay na makaganti sa akin. Habol ang hininga na naglakad ako sa hallway ng restaurant. My heart is beating so fast. Alam kong mahina ako pero kung kinakailangan lalaban ako. Dahil ang totoo, ako naman talaga ang may karapatan. Isa lang kabit si Trina na mahilig pumapel.

"Fuck!"

"Aray!"

Alam kung hindi ako dinadaya ng aking pandinig. Kahit nasaktan sa pagkakauntog ay tumingala ako. Nang magtaas ako ng paningin ay bumungad kaagad sa akin ang nakakunot na mukha ni Atlas. Nagtatanong ang mga mata nitong nakatitig sa akin. 

"I'm sorry," wika ko.

"Why are you here? Gusto mo talagang makita ng Daddy mo si Trina at masira ako?" tanong nito. Pormal na pormal ang hitsura ni Atlas. Mukhang kakagaling lang nito sa site nito at nakipagkita kaagad kay Trina. Napailing ako. Hindi na dapat ako magtaka.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo. I have to go. Uuwi na kami ni Daddy," wika ko.

"Don't fool me again, Olive. Alam kong magaling kang paikutin ang lahat. Napaikot mo nga pati an--"

Sinampal ko si Atlas. I looked at him straight to his eyes. For the first time in our ten years of marriage, I slapped him for degrading me. Hindi ko alam. Sadyang may sariling isip ang mga kamay ko nang gawin iyon dito. Marahil ang puso ko na lamang ang tila namanhid sa sakit ngunit hindi ang aking katawan. Ang puso ko na lamang ang martir ngunit hindi ang aking isip.

"I've had enough for today, Atlas. I'm drained from all the shit in our life. Sana magpahinga naman tayo. Nakakasawa na!" I said before heading to my Dad's room.

Kahit nahihirapan ay pinilit kong kalmahin mula sa panginginig ang aking sarili. Nanglalambot din ang aking tuhod sa aking nagawa. I am usually calm and quite. Kahit nasasaktan ako ay hindi ako marunong makipag-away. But, things changed. Kapag pala napuno ka na. Sasabog na lang ito na parang bulkan nang hindi mo namamalayan.

"Good thing, you're already here, Hija. Atlas is here. I saw him somewhere and I invited him to join with us but he declined. May meeting daw kasi siyang importante. Mas importante pa sa atin." Tumawa si Daddy pagkatapos niyang sabihin iyon. Kakaupo ko pa lamang sa silya at iyon kaagad ang bungad niya sa akin. I smiled to him, too. A fake one. Ramdam ko naman kasi na disappointed ito kay Atlas.

Ginagap ko ang kamay nito. "Sorry, Daddy. Baka next time na lang po. Busy kasi masyado si Atlas."

Pinilit ko pang pasiglahin ang aking tinig para mawala ang hinanakit ng aking ama. I tried to open topics that is worthy to talked about. Natanong din ni Daddy ang pagpili sa akin ng isang magazine sa Dubai bilang representante sa isang malaking event for empowering women.

My Dad is very proud of me. I can feel it. Iyon nga lamang, maging sa sarili ko ay hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mas malulungkot. I've been in different countries to represent women empowernment but me as a woman is way farther than the image that I portray.

Sumama ako kay Daddy pauwi sa aming bahay. Hindi na muna ako uuwi sa bahay namin ni Atlas. Wala rin naman akong kasama doon. Kapag malungkot ako at libre si Daddy, siya lamang ang laging sandigan ko. The only person that will understand and spoil me, just like before.

Katulad kanina, maingay pa rin ang lansangan. Madilim pa rin ang iilang kalsada at may mangilan-ngilang mga establisyemento ang bukas pa rin. It's exactly twelve in the midnight but the Metro is still alive and crowded.

The colorful led lights from the bar's signage. The lampost from each side of the streets. The christmas decors and the christmas lights. It is a picturesque that made the dark night, beautiful under the starry skies.

"Alam mo, Hija. Gustong-gusto ko nang magkaapo. Kailan niyo ba balak ni Atlas?"

Naagaw ni Daddy ang aking atensyon dahil sa sinabi nito. Mula sa pagtanaw sa labas ng bintana ng kotse ay tiningnan ko ito sa aking tabi. He seemed excited. Napangiti ako at pinalis ang anumang bagay na gumugulo sa akin. I leaned to my father's shoulder and clung to him like a baby.

"Hindi ko alam, Dad. May tamang panahon naman ang lahat. We are waiting for the right time," wika ko. "Ikaw? Kailan mo balak mag-asawa ulit?" pabirong wika ko.

Natampal ni Daddy ang balikat ko. Natawa ako kaya natawa na rin ito. "Hinding-hindi na. I love your mother so much. When love hit you so hard, anak. Mahirap nang makabangon. Hindi na ito napapalitan," mahinang anas nito. Naramdaman ko pa ang paghalik nito sa tuktok ng aking ulo.

I smiled to what my father's said. Mas lalo kung napatunayan kung gaano nito kamahal ang aking ina. The magic of true love. When it will hit you hard, it will stick on you like a glue.

Same goes to my feelings with Atlas. Damdamin na sa haba nang panahon ay hindi pa rin ako nakaahon. Nananatili. Naghihintay. Umaasam.

@sheinAlthea

Shein Althea

Unedited.

| 2

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status