Share

Kabanata 5

I stayed at my Dad's house for one week. I skipped from work and decided to cancel all my meetings. Naisip kong magpahinga mula sa lahat nang stress na nararamdaman ko nitong mga nakaraan. To unwind and relax.

Hindi na rin ako nagpaalam kay Atlas. Hindi naman kasi kami sanay na pinapaalam ang schedule ng isa't isa. Masasabi ko rin na hindi kami close. We are two different people that is binded only because of marriage. Na hindi pa niya gusto dahil ako lang naman ang nagpumilit.

Bago ako umuwi sa South Ridge Village ay dumaan muna ako sa aking klinik. Kinuha ko ang ilan sa mga dokumento ko at mga papeles ng aking mga pasyente. I decided to read those papers at home. It was six in the morning and I had all the day to scanned it.

I smiled as I maneuvered my car. Naalala ko na naman ang masasayang araw ko kasama ni Daddy. Ang pagpunta namin ng ibang bansa para lamang kumain at magliwaliw nang tatlong araw at ang pagbili nito ng bagong sasakyan para sa akin. My Dad spoiled me so much that sometimes I thought, he is too good to be true.

Marahil maswerte lamang ako dahil mayroon akong tatay na sinusuportahan ako at minamahal. Mga bagay na madalas hindi nararamdaman ng iba. Minsan nakakalimutan na nga. Madalas napapabayaan na lang.

Nang makarating sa lugar ay pinarada ko kaagad ang kotse sa aming malawak na bakuran. I even saw Atlas car, parked in our garage. Nang tingnan ko ang relong pambisig ay nakita kong mag-aalas-otso na nang umaga. My forehead creased. Atlas usually went to work early. Nakapagtataka na nandito pa ito.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng bahay. I sighed in relief that the house is quite and peaceful. Tanging ang tunog lamang ng wind chimes ang maririnig. Ang huni ng alaga ni Atlas na ibon at ang aking mahihinang paghakbang.

"Where have you, been?!"

Bigla ang pagtigil ng aking paghinga. Maging ang aking mga hakbang ay tumigil rin. Pakiramdam ko isa akong kriminal na isasalang sa hotseat. Naghihintay na tanungin at hatulan ng nararapat para sa akin.

Naririnig ko rin ang mabagal na tunog na nagmumula sa tsinelas ni Atlas. Bawat paghakbang nito ay aking binibilang. Nakatayo lamang ako sa pasilyo malapit sa aming sala. Natatakot akong lumingon dahil alam kong nasa likuran ko lamang ito. Alam kong galit ito dahil sa tono ng boses nito kanina.

Atlas stopped a few inches away from my back. Naramdaman ko pa ang init na nagmumula sa katawan nito. Maging ang paghinga nito ay tumatama sa aking ulo. Hindi naman kasi ako masyadong pandak. Trina is just exxagerating things. Kahit five and eleven inches ang height ni Atlas ay ramdam ko pa rin ang init na nagmumula sa hininga nito.

"I'm sorry. Hindi na ako nagpaalam sa'yo. I spent my whole week with Dad. Matagal din kaming hindi nagkita, that's why," wika ko nang mahanap ang sariling boses. Sinikap ko rin na pakalmahin ang sarili. There is no reason for me to explain anything to him. Siya na mismo ang nagsabi na wala kaming pakialamanan sa isa't isa.

"Gawain ba ng matinong asawa 'yan? Really, Olive?!"

I instantly turned my back to face Atlas. Nakakunot ang noo ko nang balingan ito. Sinuyod ko rin ng paningin ang kaniyang kabuuan. He looked stressed. Bukod sa may mga itim na linya sa ilalim ng kaniyang mga mata ay mataas na rin ang bigote sa pangahan nitong mukha.

"May problema ka ba sa akin, Atlas? This isn't the first time that I spent a week with my father. Bakit parang kasalanan ko na naman?"

"You should've told me! Para akong siraulo dito na naghihintay sa'yo!" Hinawakan ni Atlas ang aking braso. Masakit ngunit hindi ko na lamang pinansin. Maging ang aking shoulder bag na dala ay naramdaman ko pa ang pagdausdos nito. All I cared is the glint of frustration in Atlas eyes. Nangangalit man ang bagang nito ngunit, damang-dama ko ang inis nito sa akin.

I blinked twice. I blinked some more. Isa akong psychiatrist. I can read minds and emotions. Madalang lang sa aking mga daliri ang pagkakataon na magpakita ng ganitong reaksyon si Atlas para sa akin. Hindi ko alam kong ikatutuwa ko ba o mas lalo akong mangangamba.

"Nasasaktan ako," mahinang bulong ko.

I felt his grip loosened. Titig na titig rin ito sa akin. Ni hindi nito alintana ang posisyon. Nakatanghod siya sa akin habang ako naman ay nakatingala ng bahagya dito.

"You always make fun of everything, Olive. Lahat na lang ng bagay gusto mong manipulahin!"

"I-I'm--" I lost words. My mind seemed shut. My mouth can't even utter anything. Nakakatitig lang din ako sa mga mata nito. Mga mata na lagi na lang ay nagdadala sa akin sa ibang dimensyon. When I looked at Atlas eyes, an unfamiliar emotion is there. Isang emosyon na maging ako ay hindi ko mapangalanan.

"I'm tired Atlas. Hindi ko alam kung saan patungo ang argumentong ito. If you don't mind, pwede bang bitawan mo na ako?" Sa wakas ay nahanap ko rin ang tatag ng aking boses. Atlas seemed appalled but released me, after. Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga nito maging kung paano nito napailing.

I smiled, bitterly and turned my back on him. I continued my pace to my room. Maingat kong binuksan ang pinto nito at tamad na naglakad papasok. I put my bag in my bedside table and lazily sat down on the bed. Napabuntong-hininga ako kasabay ng isang tanong na kahit kailan hindi na nawala sa akin.

Kailan ba ako titigil sa pag-asam sa isang damdamin na napaka-imposible kong makuha? Kailan ko ba mararamdaman na isa akong normal na maybahay?

***

I spent my whole day inside my room. Scanning and reading papers of my patients. Tatayo lamang ako kapag kukuha ng tubig sa aking mini ref sa loob ng kwarto at kapag nangangalay sa kakaupo. Alam ko rin na hindi umalis si Atlas sa bahay dahil wala akong narinig na tunog ng sasakyan nito. Today is his schedule with Trina. Kaya nakapagtataka. Gayunpaman, ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon at hindi na pinansin.

I looked at my phone when it rings. Agad-agad ang pagdampot ko nito nang makita kung sino ang tumatawag. It was the president of the home owners. Nakapagtataka man ay dinampot ko pa rin ito.

"Hello?" bungad ko kaagad.

"Hi! Mrs. Ramirez. The home owners association agreed on having a pool party tonight. We're very glad if you and your husband will join us," masigla nitong wika sa kabilang linya.

Napakunot ang noo ko na para bang nakikita ako nito. Kapagkuwan ay napabuntong-hininga na lamang bilang pagsuko. Iniisip kong panahon na naman siguro upang makipagkaibigan ako sa mga kasamahan ko sa asosasyon. Kahit pa alam kong may mga iilan na huwad ang pag-uugali.

I will try.

"Sige po," pagsang-ayon ko.

"That will be great!" masayang wika nito.

Ibinaba ko ang cellphone pagkatapos nitong magpasalamat at magpaalam sa akin. I looked at the four corners of my room. It is very lonely and empty. Sinasalamin nito ang totoong ako. Kung gaano kahungkag ang aking pagkatao. Kung gaano kalungkot ang aking pakiramdam kapag nag-iisa.

Nang tuluyang makaramdam ng gutom ay itinigil ko ang lahat ng aking gagawin. I looked at my wristwatch and it's already past three in the afternoon. Napailing ako at hinubad ang aking salamin. Inunat ko rin ang aking kamay at iginalaw-galaw ang aking leeg. Ilang segundo ang lumipas bago ko napagdesisyonan na tumayo.

I headed to the kitchen. Naabutan ko pa roon si Atlas na may niluluto na kung ano. Napataas ang kilay ko sa nakita. Hindi naman kasi ito gumagawa sa kusina kahit pa noon. Nagkibit-balikat na lamang ako at hindi na nagsalita. Bagkus, kumuha na lamang ako ng mangkok at nagsalin ng cereal.

Tahimik akong kumain. Ramdam na ramdam ko ang mga mata ni Atlas na nakatitig sa akin. Bawat pagsubo ko ay may kasamang pagmamadali. Kahit naiilang dahil sa inaakto nito ay hindi ko na lamang ito pinansin. Sanay naman kaming dalawa na hindi nag-uusap kapag hindi nag-aaway. Ni hindi nga kami nagpapansinan kung hindi siya galit sa akin.

"Hindi ka kumain kaninang umaga at tanghalian. Ngayon naman, cereal ang kinain mo? Nag-iisip ka ba, Olive?" wika nito pagkatapos ng mahabang katahimikan.

Itinigil ko ang pagsubo at tinitingnan ito. Nakatanghod na ito sa aking harapan habang ang dalawang kamay ay nakahawak sa lamesa. His brows furrowed and he looked deadly. Pakiramdam ko may nagawa akong mali na ikinagalit nito.

"I eat what I want to eat, Atlas. Anong problema mo? Bakit pati pagkain ko pinapakialaman mo na?!"

Matapang pa rin ang aking mukha kahit pakiramdam ko ilang sandali na lang ay bibigay na ako. Kung hindi nga lamang dahil sa upuan na kinalalagyan ko ay baka kanina pa ako nawalan ng lakas. Atlas presence is intimidating. Kahit noon pa ay hindi pa rin ako nasanay.

"Hindi ko alam kung bakit ako pumayag maging asawa mo, Olive. Napakatigas ng ulo mo!" mariing wika  nito, kapagkuwan.

Napangisi ako. Isang mapait na ngisi. Tinitigan ko si Atlas sa kaniyang mga mata. I want him to feel my agony. I want him to feel the pain that he caused me for the longest of time. I want him to know.

"Hindi ko rin naman ramdam na may asawa ako, Atlas. Kaya umanos lang tayo."

@sheinAlthea

Shein Althea

Unedited

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status